Pagpapatuloy...
JOHNSER SY POV:)
"Tito, bakit si Clive? Bakit siya ang pinili ni Daddy imbes ako na matagal na at katulong niya sa kompanya namin at ako ang panganay. Bakit si Clive pa rin?!!" Malungkot na sabi ko kay Tito Andrew, kapatid ni Papa.
Nasa bahay ako ngayon ng oras na 'to habang nasa Study room ako kasama si Tito Andrew na binisita ako ngayon. Sinasabi ko lahat sa kanya ang pagtatampo ko sa aking ama dahil di ko matanggap at galit na galit ako sa naging desisyon ni Daddy.
"Bakit napapatunayan ko na mas mahal niya si Clive kaysa sakin? Di ba niya ako anak?" Sabi ko sabay napa-face palm. Halo-halo ang nararamdaman ko, isa na roon ang inggit sa kapatid ko.
Di ko alam, bakit lagi nalang si Clive ang gusto nila. Pati si Lola, mas love na love niya si Clive. Kaysa sa akin na di man lang niya ako pinapansin. Kahit nung bata pa ko, di niya ako sinasama papunta sa States para bisitahin ko rin si Clive pero hindi. Di niya ako pinapansin at mas maraming oras siya dito kaysa sakin.
Kaya mula noon, nakaramdam na ako ng pagtatampo sa kanila. Nagtanim ako ng galit at poot na di ko matanggap yung ginawa nila sa akin. Napaka-unfair nila! Napakasama nila! Pamilya at kadugo naman nila ako pero bakit tinatrato nila akong parang wala lang.
Si Tito Andrew lang ang kakampi ko. Siya lang nakakaintindi sa akin. At siya lang nagparamdam sakin ng pagmamahal na di sakin pinaramdam nila Daddy at Lola. Siguro kung nandito pa rin si Mama, may kakampi pa rin ako.
"Tito, tell me! Bakit mas mahal nila si Clive kaysa sakin? Kahit ni katiting, di ba nila ako tinuring na isang pamilya?" Naluluhang tanong ko kay Tito. Napayuko ako dahan-dahan at doon tumulo ang luha sa mga mata ko.
Tumabi sakin si Tito sa sofa at hinaplos-haplos niya ang likod ko para patahanin.
"Di ka lang nag-iisa, anak. Isa rin ako, naranasan ko na din yan tulad samin ng Papa mo. Ako ang may mas tinulong at ako ang panganay saming dalawa, pero kanino napunta ang kompanya? Kundi sa ama mo. Kaya di ka nag-iisa, anak." Pagku-kwento rin ni Tito Andrew sa naranasan din niya noon.
Napatigil naman ako sa pag-iyak at dahan-dahan sinulyapan si Tito Andrew.
"Ganoon rin nangyari sayo, Tito Andrew?" Di makapaniwala na tanong ko ulit.
"Oo, kaya kung ayaw mo magaya ka sakin, gumawa ka ng aksyon. Kailangang mapasayo ang kompanya kaysa mapunta iyon sa bobo mong kapatid. Kundi, magagaya ka rin sakin." Pagbibigay nito ng babala at ideya sa kailangan kong gawin para mapasaakin ang kompanya.
"P-paano, Tito Andrew?" Nautal na tanong ko.
Hinawakan nito ang kabilang balikat ko at tinitigan ako ng seryoso sa mga mata.
"Destroy him." Saad nito na kinanlaki ng mga mata ko.
MANDY YU POV:)
"Ano kaya itsura ng bunsong anak ni Mr. Sy?"
"Siguro, ang guwapo rin tulad ni Sir Johnser? Kyah! Sana nga!"
"Ang bata pa niya. Lagkakabasa ko sa isang article, bente-dos palang yun. Matanda tayo ng tatlong taon sa kanya."
"Sayang! Okay lang. Pag guwapo yun, re-rape-in ko yun."
Tumawa naman ang mga ito.
Yan ang naririnig kong usap-usapan sa kabilang table sa canteen ng Uphone Building. Ang topic na pinag-uusapan sa buong building ay tungkol sa bunsong anak ni Mr. Sy. Hindi lang excited ang lahat na makita ang heir ng Uphone pati na rin ako na sobrang excited na na makita ang mapapangasawa ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...