I dedicate this chapter to ate aeestelyirii-.
Salamat sa paggawa ng bookcover ng story ko. Ang ganda po. 😍😍😍Pagpapatuloy...
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"We are close to my house, you don't forget what I said you keep quiet and don't put dirt. All your dirt put it on trash. Understood?" Sabi ko sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa inuupahan kong apartment.
Di ko pa rin alam kung tama ba pagkaka-english ko. Di naman kasi ako magaling sa english. Sana maintindihan niya kahit papaano.
Panay lingon lang siya sa paligid sa dinadaanan namin. Kada nakakakita siya ng mga taong nagtitinda ng mga street foods o mga nagtitinda ng mga kakanin, napapa-'wow' siya. Minsan naman napapa-'yummy' pa!
"Understand?" Ulit ko pa ring sabi. Parang di kasi siya nakikinig. Sa pagkain siya nakatingin.
Tumingin agad siya sakin sabay sabi ng...
"Yes, my Lady." Nakangiting sagot niya sakin agad sabay nag okay sign sa kamay.
"Good, good!"
Bumaling na ulit ako sa daan at nasa harapan na nga kami ng isang maliit lang na apartmeng na may style pagka-building.
Tumigil na kami sa harap ng bahay ng landlady at humarap ako sa Engleshirong pulubi. Paglingon ko, wala na siya sa likuran ko.
"Asan na yung madumi na yun?" Sabi ko. Hinanap na hinanap ko siya, nakita ko nalang siya nasa kabilang kalsada siya. Nandodoon siya sa Computer shop at nanonood ng mga naglalaro ng mga online games.
Napakamot nalang ako sa ulo.
Tumawid na ako ng kalsada para puntahan ang madumi na yun sa computer shop.
"Hey, hurry up! You and me need to talk the landlady if you can stay there---" di ko na napatuloy sasabihin ko dahil mukhang di siya nakikinig sakin.
Nakatutok lang siya sa lalaking naglalaro ng Ros o Rules of Survival. Yung mata niya nagtitingkad at parang gusto niya maglaro din. Tapos yung kamay niya parang di mapakali na tila kunyari nagpipindot sa keyboard.
Naiinggit siya sa mga binata ditong naglalaro ng ROS. Pero lahat dito ay puro pustahan lang naman na laro. Para siyang bata na nag-aasam na gusto rin makapaglaro.
Oh my god! Naaawa na naman ako! Bakit ang hina ko pagdating sa mga ganito? Ang dali ko maawa.
Napailing-iling nalang ako nang bumalik na ang tamang pag-iisip ko. Bumaling ulit ako dito. Hinawakan ko ang mangas ng shirt niya sabay hinila-hila.
"Hey!" Tawag ko dito.
Napatingin naman ito sakin.
"Hi, my Lady!" Sabi niya nang makita ako sabay ngiti ng napakalapad halos kita ang kaputihan ng ngipin niya.
Wow ah? Siya lang ang nakita kong pulubi na ang linis at ang ganda ng ngipin. Ang puti at walang sira man lang at saka kompleto pa!
"Go! You and me, go to my house. Hurry!" Yaya ko na sa kanya.
Ayaw pa sana niya kaso hinila ko na siya habang hawak ko ang manggas ng damit niya. Walang magawa, nagpaakay nalang siya sa akin.
"What you want I call you? A temporary name?" Tanong ko dito habang tumatawid na kami ng kalsada.
"Ros." Sagot niya pero nakatingin siya sa likuran at tinitingnan pa niya yung naglalaro sa computer shop.
"Ros? You want me tawag---isteh call you a Ros?" Bahagyang nagulat na sabi ko. Mukhang naadik sya sa games ng Rules of Survival.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...