Mr. Stranger 46:

529 20 8
                                    

Pagpapatuloy...

THIRD PERSON POV:)

"Wow!" Sabay-sabay turan ng apat nang ilapag sa table nila ang masasarap na pagkain na inorder sa kanila.

"Sa amin lahat ito?" Di makapaniwalang bulalas ni Jake at Jero.

"Libre 'to?" Tanong naman ni Anthony para makasiguro.

"Yes." Sagot ng assistant ni Mr. Kailes at ngumiti ng natural.

Tumingin sila kay Ros na tila gusto rin malaman kung totoo ba ang sinasabi nito. Nakangiting tumango naman siya dito para makumbinsi na totoo nga na inorder ito para sa kanila.

"Thank you!" Sabay turan ng apat at mabilis nag-unahan na kumuha ng mga putahi at nilantakan kaagad.

Sarap na sarap naman ang apat na parang first time nila makakain ng ganitong pagkain. Kakatapos lang nila maayos ang magiging office ni Mr. Kailes sa Uphone. Bilang pasasalamat ay nilibre na rin ang mga ito.

Mabilis naman na nilapag ng assistant ni Mr. Kailes sa harapan ng apat ang isang maliit na brown na envelop na naglalaman ng sahod nito. Dahil sa pagtataka, natigil naman ito sa pag-nguya at kinuha iyon. Nanlaki mata naman sila nang makita na pera ang laman nito.

"Yan ang sahod nyo." Pormal na sagot nito.

"Salamat." Tuwang-tuwa sabay sabi ng mga ito halos nag-appear-an si Jero at John.

Saka naman binalingan nito si Ros."Nagustuhan raw ni Mr. Kailes ang dini-sign nyo sa magiging office niya. Salamat raw." Sabi nito sa kanya.

"No problem! Alam ko naman mahilig si Mr. Kailes sa beige color kaya tinupad ko ang wish niya." Sagot naman ni Ros dito sabay ngiti. Siya kasi ang bumili ng mga gamit nito. Lahat na dinala nila sa Uphone ay bago at binili online. Kung sa taste sa pag-aayos ng mga gamit ay magaling siya. Hindi niya alam na may talent din pala siya ng ganun na parang architect. Siguro, napakata-talent niya noon at nararamdaman niya iyon.

Dahil nalaman niya na mahilig sa kulay si Mr. Kailes sa beige at white, iyon ang theme nito sa office nito. Maganda at napaka-disente. Maganda sa mata at ang aliwalas tingnan.

"Anyway, magkakaroon ng party mamaya sa Uphone company para i-welcome si Mr. Kailes at ise-celebrate din ang birthday ng ina ni Mr. Sy. Pumunta ka raw." Pag-iiba nito ng topic.

"Hmm." Nag-isip siya."Wag na. Pasabi nalang sa kanya na may gagawin ako mamaya." Sagot rin niya agad nito.

"Sige. Oo nga pala, nakuha mo na pala yung pinapakuha ni Mr. Kailes sa anak ni Mr. Sy?" Tanong nito.

"Yup! Here." Binigay naman niya dito ang isang USB na kinuha niya sa kanyang bulsa.

DYLAN LORENZO POV:)

Muntikan na sila kanina magkita kanina. Mabuti nalang sinundan ko kaagad si Clive. Kung hindi, mabubuking na ang lahat at masisira ang plano ko.

**FLASHBACKS**

"Hey!"

Narinig ko naman ang boses ni Clive na mabilis akong napapunta sa kabilang hallway. Nakita ko naman ito nakatayo sa harap ng isang pintuan kung saan iyon ang magiging office ni Mr. Kailes.

D*mn! Bakit di ko naisip na nandito siya ngayon? Isa na pala siyang mga tauhan ni Mr. Kailes. Delikado pag may nakakita sa kanya na nakakakilala sa kanya.

"Alis muna ako ah? Balik din ako kaagad. Tapusin nyo na yan ah? Para makauwi na tayo." Sabi niya sa mga kaibigan niya.

"Sige. Kami na bahala dito, Ros!" Sagot naman nito sa kanya.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon