Chapter 76:

435 16 2
                                    

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Lumabas na ako ng bahay nang tumila na ang ulan. Alas dos na ng hapon at mabuti nalang huminto na ang ulan. Sana bukas maganda na ang panahon. Desperas na ng fiesta bukas dito at mukhang papaabot kami ng fiesta dito.

"Mabuti naman tumigil na ang ulan," narinig kong boses ni Miss Mandy na kakalabas lang din. Itinaas nito ang cellphone at kumunot na naman ang ulo nito."Wala pa ring signal? Akala ko ba, mahina signal dito pag maulan. Wala nang ulan, bakit wala pa rin?" Tanong nito sa akin.

"Pasensya na, Miss Mandy. Mahina talaga ang signal dito sa amin," hinging paumanhin ko. Napa-pout naman ito sa inis. Nakaisip naman ako ng plano."Miss Mandy, alam kong makakahanap ka ng malakas na signal!" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Saan?" Naka-pout pa ring tanong nito.

Magsasalita na sana ako nang may tumawag na lamang sa akin.

"Beth!"

Napalingon naman kami pareho ni Miss Mandy.

Napangiti naman ako nang makita ko si Kapitan Kiko at si Lemuel.

"Kuya Kiko," nakangiting matamis na kumaway ako dito."Lem," baling ko rin dito at winave din ang kamay.

Naibaba ko na lamang ang kamay ko nang makitang hindi ako pinansin nito. Walang eskpresyon sa mukha na nakatingin lamang ito sa akin at hindi ako nito nginitian. May nagawa ba ako na kinagalit niya?

Lumapit naman sila sa kinaroroonan namin.

"Kuya Kiko, sabi ni Sir Johnser, siya naman po magti-treat ng meryenda ngayon at dinner mamaya," sabi ko dito.

"Ah? Pero---" naputol naman sinabi nito.

"Yes, kami na po. Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap ninyo sa amin." Sang-ayon naman ni Miss Mandy sa sinabi ko sabay ngiti ng matamis dito.

"Ano pa nga ba magagawa ko?" Sagot ni Kuya Kiko at tumawa ng mahina."Oo nga pala, Beth puntahan mo si Mang Josefino sa kanila. Ayaw bumaba dito, di kasi naniniwala sa amin na umuwi kana,"

Oo nga 'no? Two days na kami dito, hindi ko pa nakikita sila.

"Sige po. Gusto ko na din makita ang unang inaanak ko," nakangiting payag ko. Si Mang Josefino at Aling Loreta ay isa ring kapwang magsasaka tulad namin. Nasa bundok kasi ang bahay nila, bumababa lang sila dito pag may aanihin na o magtatanim ng palay at gulay.

"Magandang hapon po," napalingon na lamang kami sa aking likuran.

Nakita ko namang kakalabas lang ng bahay ni Sir Johnser kasama si Sir Dylan.

"Magandang hapon rin. Pinuntahan ko lang si Elizabeth para sabihan na bisitahin niya ang isa naming kaibigan. Di kasi naniniwala na umuwi na si Beth kaya puntahan niya ngayon doon para maniwala na sa totoo sinabi namin." Paliwanag ni Kuya Kiko sa kila Sir.

Napatingin naman sa akin si Sir. Nakangiti sa kanya na tumango ako para sabihin na pupunta nga ako.

Nagulat na lamang ako nang may pumulupot na kamay sa braso ko. Nakita ko naman na si Ros iyon.

"Sama ako," parang bata na sambit nito halos ngumuso pa ang mapupulang labi nito.

"Ah?" Naituran ko lamang.

Lalapit na sana si Lemuel sa amin nang makitang nakahawak si Ros sa akin. Mabilis namang pinigilan niya ang kanyang sarili at naikuyom na lamang ang mga kamay. Galit na napatingin na lanang ito sa ibang direksyon.

"Pumunta na kayong lahat, Beth. Para matuwa naman sila Mang Josefino na marami kang dalang kaibigan," nakangiting wika ni Kuya Kiko.

"Sama ako," sagot kaagad ni Sir Johnser.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon