THIRD PERSON POV:)
Unti-unti iminulat ni Ryan ang kanyang mata nang makarinig ng taong nagsasalita.
"Salamat sa diyos at hindi talaga kami pinababayaan." Narinig niyang boses lalaki. Naramdaman niyang pumasok na sa truck ito.
Doon lamang niya na-realize na nakatulog pala siya. Hindi tuloy niya alam kung nasaan siya ngayon.
Napabangon naman siya sa pagkakahiga at tumingin-tingin sa paligid. Nandito pa rin hanggang ngayon ang mga gulay at prutas. Hindi siya napansin ng may-ari kaya matagal siya nakatulog rito.
"Sir, papunta na ko dyan. Opo, lahat po fresh ito." Naririnig niyang boses ng lalaki at in-start na nito ang engine. Dahan-dahan siya tumayo at naglakad para bumaba ng truck."Papunta na ko diyan."
Pagkarating niya sa dulo ng truck bigla na lamang gumalaw ito na dahilan nawalan siya ng balanse at nahulog siya. Bumagsak naman siya sa gilid ng kalsada na sakto naman tumama ang kanyang ulo sa isang bato at doon umikot-ikot ang paningin niya.
Narinig pa niyang umalis na ang truck na pinagtaguan niya at naiwan siyang nakahiga sa kalsada na dumidilim ang paningin.
"Lady Beth!" Narinig niyang boses lalaki.
Nandidilim ang paningin na nakita niyang may babaeng nakatayo at nakatalikod malapit sa kinaroroonan niya.
"Wag kana muna pumasok. Hindi ka pa okay." Sabi ng lalaki dito sa babae.
"Baka mas lalong bumagsak ang katawan ko pag ibi-baby ko lang ang sakit ko."
"Bakit?" Takang tanong ko.
Unti-unti bumalot ng dilim ang paningin ni Ryan. Ang huli niya pang makita bago siya nawalan ng malay ay nakita niyang nakatingin ang dalawa sa kanya.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Kakatapos ko lang makausap ang kapitan dito. Pumasok na ako ng kwarto at naabutan ko naman si Ros at mga barkada niya na nakatingin sa lalaking nakita namin kanina na mahimbing na natutulog sa sofa. Dahil mabait ako, nag-prisinta ako sa kapitan dito na ako muna kukupkop sa lalaking ito at pagkagising nito saka ko tatanungin kung taga saan siya.
Medyo naaway ako dahil puro may sugat at pasa sa katawan niya. May sugat pa siya sa kanyang ulo na ginamit naman namin kaagad. Sabi ng kapitan dito sa amin, baka raw napagtripan ito ng mga loko-loko sa kalsada. Baka raw baguhan ito sa Maynila at napagdiskitahan siya ng mga tambay.
"Nag-almusal na kayo?" Tanong ko pagkalapit sa kanila.
Napalingon naman ang lima sa akin.
"Ano sabi ni Kapitan Tiko?" Panimulang tanong ni Bossbrad habang nakaupo sa lapag at ganun din sa apat na mokong except kay Ros na nakatayo lamang.
"Hihintayin muna raw magising siya pero dito muna siya pansamantala." Sagot ko.
Bumaling ulit ang lima dito sa lalaking himbing na natutulog."Kawawa naman siya. Grabe na talaga ang mundo ngayon. Wala na kinatatakutan ang mga tao ngayon." Naaawang pahayag ni Jake habang nakatingin sa lalaki.
"Oh sya! Magluluto muna ako ng almusal natin." Paalam ko sa kanila. Naglakad na ako patungong pintuan. Sinundan naman ako ni Ros papasok sa kusina.
"Di kana papasok sa trabaho?" Tanong nito nang sundan ako.
"Hindi na ata." Sagot ko naman sabay bukas ng ref. Kumuha ako ng hotdog at longganisa. Iyon ang lulutuin ko para almusal namin ni Ros pati na rin ang mga kaibigan niya."Late na din ako pag pumasok pa ko ngayon." Sabi ko pagkasara ng ref at mabilis dumeretsyo ako sa lababo.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...