DYLAN LORENZO POV:)
"K-kagabi a-a-ano k-ka-kasi..."
Di mapatuloy-tuloy na sabi ni Kuya Ramon.
Pagkatapos kinuha ko na ang mga na-print ko sa printer. "Ano yun?" Tanong ko pa rin at dumeretsyo na sa upuan ko.
Kita ko sa mukha ni Kuya Ramon na tila naguguluhan at nagdadalawang-isip siya. Hindi ko alam kung natatakot ba siya o kinakabahan. Base sa kinikilos niya parang nakakita siya ng multo.
"Kagabi, nakita ko si Sir Clive..."
Nanlalaking mata na napatingin ako dito.
Ibig sabihin...
"...buhay siya."
Nakita niya si Clive?!
"Alam kong si Sir Clive ang nakita ko kagabi dahil sa boses palang niya. Pero medyo nalilito ako kung si Sir Clive nga iyon dahil nagtatagalog siya." Napahawak sa baba na tila nag-iisip."Englishero si Sir Clive, di ba? Di ko tuloy alam kung buhay pa siya o kamukha lang ni Sir Clive ang nakita ko kagabi." Naguguluhang pahayag nito halos napapailing ito habang nakatingin sa ibang direksyon.
Kailangan ko ba sabihin sa kanya na buhay si Clive? Marunong kaya siya magtago ng sekreto? Pagkakatiwalaan ba siya?
"B-baka kamukha lang." Nautal na sabi ko.
"Siguro nga." Napa-kamot sa ulo na sagot niya.
Nag-ring nalang ang telepono na nasa desk ko na agad ko naman sinagot.
"Hello?" Sagot ko sa tumawag."Okay, papunta na ako." Binaba ko naman kaagad ang tawag.
Tumatayo na ako sa pagkakaupo at inayos na ang pin-rint kong mga dokumento na kailangan ni Sir Cedric. Bago paman ako lumabas ng office ay bumaling pa ko kay Kuya Ramon.
"Kuya Ramon, wag mo sasabihin kahit kanino na nakakita ka ng kamukha niya. Baka sabihin nila minumulto ka ni Clive at baka ikaw pa mapagbintangan na ikaw ang pumatay sa anak ni Mr. Sy." Sabi ko. Mabuti na makasigurado na hindi niya sasabihin iyon kay Johnser dahil pag nakaabot rin iyon kay Sir Andrew, masisira ang plano ko at nanganganib ang buhay ulit ni Clive.
"S-sige." Halatang natakot na sagot agad nito.
Lumabas na nga ako dala ang folder na naglalaman ng mga dokumento na kailangan ni Sir Cedric.
Kailangan ko ata pabantayan masyado sa tauhan ko si Clive. Mabuti nalang, si Kuya Ramon nakakita dito. Kung mga kalaban namin nakakita, katapusan ko na at ni Clive. Sana bumalik na ang alaala ni Clive para masabi ko sa kanya ang magiging plano namin para mapalabas sa Uphone ang nagbabalat-kayo.
MANDY YU POV:)
"ANO? BAKLA SI DYLAN?!" Bulalas ko sa gulat halos napatayo ako sa kinauupuan.
"Shhh!" Mabilis naman sila nag-hush sign.
Napatakip naman ako ng bibig ko. Nakita ko naman na sa table namin nakatingin ang mga tao dito sa foodcourt. Nahihiyang umupo ulit ako sa kinauupuan.
"Totoo mga sinabi nyo?" Mahinang tanong ko sa kanya.
"Oo. May nakakita raw kasi kila Sir Johnser at Sir Dylan na maghahalikan sana." Chismis pa rin ni Coreen.
Impossible. So very impossible!
"Alam na ba ng mga tao dito?" Tanong ko.
"Siguro pero di pa namin pinagku-kwento sa iba baka masisanti kami." Sagot naman ni Alesia.
"Wait lang." Sabi ko. Mabilis na binuksan ko ang mineral bottle at uminom. Pagkainom, pinunasan ko pa ang bibig ko. Di ako makapaniwala na bakla si Dylan."Wag nyo ipagkukwento sa iba ito ah? Baka masira ang image ng Uphone." Sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...