Pagpapatuloy...
JOHNSER SY POV:)
Lumabas na ako ng CR at kumunot-noo nalang ako nang makitang may babaeng nakatalikod at pinapakialaman ang mga libro ko na nasa Bookshelves. Isang Jannitress ito ng kompanya namin at kita kong nagbabasa siya ng libro na di nagpapaalam sakin.
Lumapit ako sa kinaroroonan nito.
"Arraso. Ar-ra-so! Sarang---"
"What are you doing?!" sabi ko.
Napalingon naman agad yung babae sa pagkagulat."Saranghaeyo!" sambit nito sa pagkagulat. Nanlalaki mata ito habang nakatingin sakin at hawak ang libro.
Bahagyang nanlaki mata ako nang makita ang babae. Siya yung nasa Elevator?
Nag-flashbacks naman sakin ang nangyari sa Elevator kanina. Yung paano nagmamadali pumasok siya at paano napayakap siya sa akin. Doon na naman ulit tumibok ang puso ko tulad nang pagtibok rin ng puso ko ng ganun.
Ang weird! Ang weird ng puso ko. Bakit ganito siya makatibok? Kailangan ko na ata magpakita sa doctor. May sakit na ata ako sa puso.
Nanlalaking mata na nakatingin lang sakin ang babae at halata sa mukha niya ang takot.
Kunot-noo na lumapit ako sa kanya at umatras naman siya halos napasandig na siya sa pader kung saan nakalapit na ako sa kanya. Kaunting distansya nalang ang nakapagitan sa amin. Dama ko na ang panginginig ng mga tuhod niya kahit di ko naman siya hinahawakan.
"Bakit mo pinapakialaman ang gamit ko?" salubong ang kilay na tanong ko sa kanya haloa tinitigan ko siya ng nakakatakot.
Yakap lang niya ang libro at napalunok na siya ng laway sa sobrang takot sakin.
"Hmm..." sambit lang niya at di niya alam ang sasabihin. Dahil di siya makapagsalita o makapagrason sakin, tinurol lang niya sakin ang libro na binabasa niya.
Nakataas-kilay na tiningnan ang libro at salubong na naman ang kilay na kinuha ko iyon.
Lumapit pa ako sa kanya bahagya kaso nagtaka ako bakit lalo siyang napapasandig lalo sa bookshelves ko.
"S-sir, wag po." sabi niya sabay niyakap ang dibdib niya.
Napataas-kilay nalang ako sa sobrang pagtataka sa sinasabi niya.
"Ano pinagsasabi mo dyan?" nalilitong turan ko halos napakunot lalo ang noo ko.
"May balak ka po ba ga-gahasain a-ako?" nautal na tanong niya sakin.
"What?!!" bulalas ko sa sinabi niya.
"Ay?! Kala ko kasi ano hehehe." halatang napahiya na turan ng janitress sakin at tumawa ng pilit.
"Wala akong balak na rape-in ka. Sa akin lang, umalis ka dyan at ilalagay ko itong librong saan mo kinuha." pagpapaintindi ko sa kanya. Napaka-assuming nito! Kala mo kasi tsk!
"Sorry po!"
Umalis agad ito sa pagkakasandig sa bookshelves at nilagay ko na sa kung saan nakalagay ang libro na kinuha niya. Pagkalagay, humarap ako sa kanya. Halos yumuko pa siya nang makitang humarap na ako sa kanya at tinitigan ko siya.
"Sorry po. Di ko po sinasadyang pakialamanan nyan." nakayukong hinging patawad nito sakin.
Matagal ako di nakasagot dito. Nanatiling nakatitig lang ako dito. Nag-iisip ano sasabihin ko dito o paano ko siya papagalitan. Kaso wala. Parang nawala nalang galit ko.
Napapikit nalang ako at palihim na napakagat labi sa inis. Sa lahat, siya lang di lumalabas ang galit ko. Siya lang ang taong di ko nagawang pagalitan dahil sa galit ko. Parang nawala lang pagdating sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...