JOHNSER SY POV:)
Nandito ako ngayon sa office, nakaupo habang tulala habang nilalaro ang ballpen na nasa kamay ko. Di ko maiwasang mapaisip at maghinala. Kamukhang-kamukha ni Clive ang kapatid ni Elizabeth. Ang kurti ng bawat katawan ni Clive, parehong-pareho sa Ros na iyon. Sa boses at galaw nito, parang nakakita ako ng copy ng kapatid ko.
Pero...
Ang pananalita nito ay tagalog na halatang hasang-hasa sa pagtatagalog. Hindi marunong mag-tagalog ang kapatid ko, englishero iyon kaya imposible si Clive iyon. Mas lalong mas impossible dahil kapatid ito ni Elizabeth.
Ganun ba makapangyarihan ang diyos? Napaka-imposible pero kaya niyang bumuo ng taong magkamukha at copy na copy. Walang imposible talaga sa diyos.
Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na tumayo sa pagkakaupo at kinuha ang coat na nasa swivel. Mabilis na naglakad ako papuntang pintuan. Papasok din sana sa office ko si Ramon nang napahinto ito nang makitang palabas ako.
Nag-bow pa ito sa akin."May lakad kayo, sir?" Tanong nito kaagad at sinabayan ako sa paglalakad.
"Oo. Ihanda mo ang kotse. May pupuntahan tayo." Seryosong sabi ko.
Di ko maiwasang kutuban at naghinala. Medyo kinakabahan ako ngayon. Gusto ko makasiguro na hindi si Clive iyon. Ramdam ko sa dibdib ko ang kaba. Natatakot ako na baka buhay pa si Clive at ang kapatid ni Elizabeth ang kapatid ko.
Para mawala itong hinala at kutob ko, kailangan kong malaman kung si Clive nga si Ros. Nakakahibang man pero susubukan ko para makasiguro.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Nakangiting nilapag ko na sa mesa ang niluto kong Ginisang munggo. Pagkatapos, kumuha na ako ng plato at nilagay iyon sa mesa nang may kumatok na lamang sa pinto. Mukhang kakarating lang nilang magkakaibigan.
Saktong-sakto, kakaluto ko palang.
"Wait lang." Sabi ko pagkahugas ng kamay sa lababo.
Pinunas ko ang basa kong kamay sa shorts ko at lumabas na ng kusina para pagbuksan ito ng pinto.
Binuksan ko na nga ang pinto. "Sakto pag-uwi nyo. Kakaluto ko palang...."
Di ko na lamang napatuloy ang sasabihin ko nang makita ang panauhin. Hindi iyon sila Ros kundi...
"Elizabeth, andyan ba si Anthony?"
"Oh! Aling Martha, kayo po pala." Bulalas ko."Wala po siya dito. Umalis po sila kasama sila Ros." Sagot ko.
"Hay 'nakong bata na yan! Hindi man lang hinugasan ang mga plato sa bahay porket mag-umagang di ako umuwi." Napapakamot sa ulong pahayag ni Aling Martha."Binisita ko kasi ang kamag-anak naming namatayan. Kakauwi ko lang ngayon." Dagdag nito.
"Gano'n po ba? Pasok po muna kayo." Yaya ko dito.
Pumasok naman ito sa loob. Naupo ito sa sofa sabay lapag ng plastik bag na tila ang mga laman ay mga damit.
"Elizabeth, kakabili ko lang yan sa hukay-hukay. Para sainyo yan ni Ros." Nakangiting sabi nito.
Kinuha ko naman dito ang binibigay nito."Salamat po, Aling Martha. Nag-abala pa po kayo." Nahihiyang pasalamat ko.
"Wala 'yon. Ikaw pa." Nakangiting sabi nito."Oo nga pala, nalaman ko sa mga kapitbahay na may inampon ka na may amnesia. Asan siya?" Pag-iiba nito ng topic.
Nakatayo pa rin ako sa harapan nito na sumagot kaagad ako dito."Kasama rin po nila Anthony. Tinutulungan nila mahanap yung may gawa nun sa kanya."
"Binugbog sya 'no?"
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...