ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Ros! Ros!"
Napatigil naman sa pagkagat ng tinapay si Ros nang makita ang nagsidating samantala ako ay tinigil ang paghahalo ng sinangag para makita ang mga taong iyon.
"Ros!" Bulalas nilang lahat nang makita si Ros.
Lumapit naman ang mga ito at dinumog.
"Namiss ka namin!" Sabay turan nila Bossbrad at niyakap si Ros.
"Sandali! Di ako makahinga!" Sabi naman ni Ros. Kinuha ni Jero ang tinapay na nasa kamay nito sabay pasok sa bibig nito."Hoy! Akin 'yan!" Sabi niya dito.
Tumawa lang si Jero habang may laman ang bibig nito.
Nakita ko naman si Ryan na kakapasok lamang ng kusina. Nang tumama ang tinginan namin, ngumiti ito ng natural sabay nag-wave ng kamay.
"Ryan, kamusta kana?" Tanong ko dito.
"Ayos pang po." Mahiyahin pa ring sagot nito.
"Umuwi na pala kayo, bakit di n'yo kami ginising!" Pagtatampo ni Bossbrad at binitawan na sa pagkakayakap nito sa leeg ni Ros. Panay ubo naman ito dahil sa ginawa ng mga kaibigan nito.
"Papatayin n'yo ba ako?!" Sabi ni Ros dito at umubo ulit habang sapo ang leeg.
Naupo si Bossbrad sa harap ng lamesa at kumuha ng tinapay.
Ala una na ng madaling araw kami nakauwi at ito nga, alas sais palang gumising na ako ng maaga para makapag-handa ng hapunan. Papasok pa ko mamaya sa trabaho, night shift.
"Tulog na tulog kasi kayo ni Ryan kaya di na namin kayo pinagising sa mama mo." Paliwanag ko. Humarap na ako sa niluluto ko at sinimulang haluhin ang niluluto kong sinangag."Dito na kayo mag-almusal, nagluto ako ng marami ngayon." Yaya ko sa kanila.
"Wow! Salamat, Beth!" Sabay sabi ni Jake at John.
Mabilis naman pinalo ni Ros ang kamay ni Jero nang tangkang kukuha ulit ito ng tinapay.
"Wag mo ubusan si Lady Beth!" Suway niya sa kaibigan.
Napa-pout na lamang si Jero habang sapo ang kamay na pinalo ni Ros.
Naupo na nga si Ryan sa kabilang upuan. Nakangiting binigyan ito ni Ros ng pandesal. Mahinhing nagpasalamat naman siya dito.
"Oo nga pala, Beth. Muntikan nang kidnap-in si Ryan noong isang gabi."
"Ano?!" Bulalas ni Ros sa sinabi ni Bossbrad.
Natigilan naman ako sa ginagawa, nanlalaki mata na tumingin ako dito.
"Ah?" saad ko.
"Buti nalang may tumulong sa amin." Sagot kaagad ni John.
"Zero ang pangalan. Binigyan pa niya kami ng contact number niya." Sulpot ni Jake habang ngumunguya.
"Tawagan namin daw siya pag kailangan namin ng tulong niya." Dagdag naman ni Jero.
Gulat lamang na nakatingin ako sa kanila dahil sa sinabi nila.
****
Malalim ang iniisip na naglalakad ako papunta sa sakayan para pumasok ng trabaho. Sari-saring problema ang iniisip ko ng oras iyon halos hindi ko na napansin ang nadadaanan ko.
"Hindi mo siya kapatid! Ni hindi mo nga siya kadugo pero bakit sobra kang nagtitiwala sa lalaking iyon?!"
"Wala tayong alam, wala tayong ni ka-ide-deya ng totoong pagkatao niya!"
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...