Mr. Stranger 54:

482 18 3
                                    

ROSE PADILLA POV:)

Akala ko makakaligtas na ako kay Jonas pero bandang alas kwatro, umuwi siya na sobrang lasing na lasing. Hindi pa rin ako nakaligtas sa pambubugbog at pananakit niya kaya nandito ako ngayon sa apartment namin. Nakakulong at maraming pasa na dahilan hindi ako nakapasok ngayon sa trabaho. Medyo masakit ang likod ko dahilan sa pinalo niya akong sandok sa likuran ko na alam kong namamaga iyon.

Gawain ko lamang dito sa kwarto namin ni Jonas, nakahiga lang habang nakatagilid. Wala na naman yung magaling kung ka-live in, nasa sabungan na naman siya para tumaya. Pag hindi, nasa sugalan na naman iyon kasama ang mga barkada niya. Syempre, lulong pa siya sa masamang bisyo kaya lahat na kasamaang ginagawa ng lalaki, sinalo na niya. Nabulag ako sa pagmamahal ko sa kanya noon at ngayon lamang ako nagising sa katotohanan.

Hindi ko alam Hanggang kailan ako magtitiis sa kanya. Para akong nakatira sa hawla na pinapahirapan ng isang demonyong tao at hawak niya ang kalayaan ko.

Dahil alas dose na ng umaga, hindi pa ako nakakapag-tanghalian. Kahit almusal, hindi pa rin. Pinilit kong bumangon kahit bagsak na bagsak ang katawan ko. Bibili ako sa labas ng kakainin ko. Hindi ko pwede pabayaan ang sarili ko. Ayaw ko pa mamatay at takot akong mamatay. Hindi ko na alam kung totoo bang may diyos o gawa-gawa lamang ng mga mapang-panggap na rehiliyoso. Kung totoo man ang diyos, sana tulungan niya akong makaalis sa impyernong mundo na ito.

Nakasuot ako ng jacket at jogging pants para matakpan ang mga pasang natamo ko. Pagkalabas ko ng apartment namin, nakita ko na lamang si Ryan na papasok pa lamang sa apartment niya.

"Ryan!" Tawag ko. Two weeks ko ring hindi siya nakita at ngayon lang siya nagpakita.

Nagulat pa siya ng makita niya ako. Mabilis na lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Bakit may pasa ka na naman? Binugbog ka na naman ba ni Jonas?" Alalang tanong nito at hinawakan nito ang kamay kong may pasa. Inapakan kasi ni Jonas ang mga kamay ko kaya medyo namamaga iyon."Sabi ko na sayo, iwanan mo na siya."

Naiiyak na tumango ako."Lasing kasi si Jonas." Sabi ko sabay tumawa ng pilit."Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Pag-iiba ko ng topic.

"Hinahanap ko si Kuya. Nag-iimbistiga ako kung sino ang boss ni Kuya dahil kutob ko may alam yung Boss sa pagkawala ni Kuya Tomas." Sagot nito.

"Asan na kaya si Tomas?" Malungkot na sabi ko nalang.

Mabait naman si Tomas pero dahil sa hirap nakakagawa siya ng masama. Hindi ko alam ano tawag sa trabaho ni Tomas pero isa siyang parang hina-hire para pumatay ng tao. Di ko alam kung ano tawag sa trabaho na iyon.

Sabagay, kailangan din kasi nila ng pera. Ako nga e, binibinta ko ang katawan ko para makakain araw-araw. Kahit labag man sa kalooban, no choice ako dahil napakahirap ng mundo at ang hirap mabuhay kung wala kang pera kaya naiintindihan ko ang mahihirap na kumakapit sa patalim kahit ikapahamak pa ng buhay nila.

"Kumain kana?" Tanong na lamang nito sa akin.

Umiling ako.

"Tara! Ipagluluto kita. Di pa rin ako kumakain." Nakangiting yaya sa akin ni Ryan.

"Sige." Payag ko.

At pumasok kami sa apartment niya.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Good morning, Sir." Bati ko pagkapasok sa office niya dala maliit na cart na naglalaman ng panlinis.

Natigilan naman ito sa pagta-type sa laptop niya nang marinig ang boses mo. Mabilis na tingnan ako nito.

"Bakit pumasok ka? Di ka pa okay." Kunot-noo na tanong nito halos napatayo sa kinauupuan.

"Okay na ako, Sir. Di naman ako nahihilo." Sabi ko sabay tawa ng pilit.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon