Mr. Stranger 51:

502 19 1
                                    

MANDY YU POV:)

Kanina pa kong tahimik sa loob ng kotse. Pa-sekretong tumitingin sa kanya habang nagmamaneho. Medyo nabo-boring na ako dahil wala man lang sa amin magsimula ng topic. Kahit gusto ko man kausapin siya pero parang na-pepe ako ngayon lalo na kasama ko siya at kami lang sa loob ng kotse.

Di ko maiwasang tingnan ang magandang kamay ni Dylan na nakahawak sa manibela. Nakakaakit ng kamay niyang may ugat pa at tama lang ang laki ng kamay niya. Ang linis ng kuko niya na mas nagpa-ganda sa kamay niya. Alam kong mahirap siya pero ang kutis niya anak mayaman.

Kahit naka-longsleeve siya, alam kong may muscle siya sa braso niya na pag makita mo, ang sarap tingnan. Ang suot niyang pang-trabaho na bumagay sa kanya na titingnan mo napaka-professional niya. Adam's apple niyang nakakaakit, kada lulunok siya ng laway, sumasabay iyon kaya di ko tuloy maiwasang mapalunok rin ng laway at maakit sa kanya.

Dahan-dahan itinaas ko ang paningin ko sa mukha niya. Seryoso lamang siyang nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Ang matangos niyang ilong at mata niya na may pagkakasingkitan na talaga namang bumagay sa kanya. Mga pilik-mata niyang mahaba at kilay niyang napaka-ganda ng pagkaka-kurti. Labi niyang medyo makapal at napaka-pinkish na alam mong ang sarap halikan---

"Ang guwapo ko 'no?" Natigilan naman ako nang magsalita siya. Tumingin ito sa akin na talaga namang kumislap siya sa kaguwapuhan."Mukhang pinagpapantasyahan mo na ko dahil kanina ka pang nakatingin sa akin." Sabi nito sabay ngiti ng pilyo.

Nang makita ko ang ngiting iyon, mas lalo siyang naging hunk sa paningin ko.

"A-ah? Di ah!" Tanggi ko kaagad."Wag ka nga dyan ma-feeling!" Mataray na sabi ko. Pa-cross arms na tumingin na ako sa daan."Kung yan iniisip mo, malamang na mahangin ka talaga. Tsk!" Malditang dagdag ko. D*mn! Kanina pa ba ako nakatingin sa kanya? Nakakahiya ka, Mandy!

Bumaling sa daan si Dylan na may ngiting pilyo pa rin."Maang-maangan ka pa diyan, alam ko namang pinagpapantasyahan mo ang katawan ko."

Napaawang ang bibig na napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Di 'no! Ang hangin mo talaga! Di ka lang mahangin, ang taas pa ng tingin mo sa sarili mo. Tsk!" Malditang sabi ko sabay pinaikot ang mata. Kasalanan mo ito, Mandy. Tingin pa kasi sa lalaking iyan. Yan tuloy, sumobra na sa kahanginan sa sarili niya. Tsk!

Nakatingin lamang sa daan na ngumiti lamang ng nakakaloko si Dylan.

Lumipas ang samsung minuto, nakarating na rin kami sa Sumex Building. Bubuksan ko na sana ang pinto nang pigilan ako ni Dylan.

"Wait!" Sabi niya kaya napatingin naman ako sa kanya sa pagtataka.

Pagkaalis ng seatbelt, lumabas na siya ng kotse. Pumaikot pa siya at pumunta sa kabilang pinto na lalabasan ko. Nagulat ako nang pagbuksan niya ako ng pinto.

Napakunot-noo na nakatingin naman ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Bigla naman ako kinilig sa ginawa niya kaya palihim na napangiti ako.

Lumabas na nga ako na saka naman niya sinara ang pinto.

"Tara." Sabi niya at nauna nang naglakad.

Kinikilig na sinundan ko siya ng tingin habang palayo palang sa akin. Doon sumilay ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa kanya. May pagkaka-gentleman pala talaga siya at totoo pala ang mga sabi-sabi ng mga babaeng ka-trabaho ko. 

"Wait!" Naisipan kong sundan na rin siya na may ngiti pa rin sa mga labi.

LORISETTE YU POV:)

Hindi ko alam paano papaalisin ang karibal ng anak ko kay Johnser. Hindi ko naman pwede ipaalis at baka magalit lang ang son-in-law ko. Baka di pa matuloy ang kasal nila ng anak kong si Mandy. Kaya nakaisip ako ng paraan para higantihan ang anak ko sa jannistress na iyon na sumusulot ng fiancé.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon