Chapter 73:

467 20 1
                                    

Pagpapatuloy...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Hihiga na sana ako nang marinig ko nalang na tila nagsisigawan sa labas sila Ros. Kinabahan naman ako kung ano na nangyayari sa kanila sa sala. Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Miss Mandy.

"Wag na. Nababakla na naman yung mga 'yon. Hayaan mo lang para matuto." Sabi nito habang nakatingin sa repleksyon sa salamin na pinahiram ko sa kanya kanina. Mina-massage niya ang mukha niyang may naka-dikit na facemask doon.

"Hmm," naisaad ko na lamang. Walang magawa kaya naupo na ulit ako.

Naalala ko na takot pala sa ipis si Ros. Baka siya yung nagsisigaw sa sala. Masyado pa naman isip bata iyon, wagas pa sa babae magsisigaw sa takot. Di ko tuloy alam kung lalabas ako para kumpirmahin kung nakakita sila ng ipis sa bahay. Ma-ipis talaga dito, ano ba magagawa ko e wala naman ako alagang pusa para pumatay sa mga insekto.

Inalis na nga ni Miss Mandy ang facemask sa mukha niya. Napamangha na lamang ako nang may kunin siya sa kanyang bag at may nilabas na...

Wait! Yan napapanood ko sa T.V ah? Amarie. Yan yung sikat na brand ng mga skincare. Kaya pala pansin ko lahat na nilalagay niya sa mukha niya puro Amarie Skincare. Sabon niya kanina, Amarie brand din. Kahit yung facemask na ginamit namin kanina, Amarie rin. Ngayon, ginagamit na naman niya ngayon, Amarie Serum.

Kaya pala napaka-puti at kutis-porselana si Miss Mandy. Sa kanya ko napatunayan kung ano ang isang babae. Nahiya tuloy ako. Babae ba ako?

"Gusto mo rin ba maglagay?" Tanong nito.

Bumalik na lang ang sarili ko nang marinig ang boses ni Miss Mandy. Nakatingin na siya sa akin habang nakalapat ang kamay hawak ang serum na papahiramin niya sa'kin.

"Salamat nalang po, Miss Mandy. Okay na po sa akin ang facemask na binigay mo sakin kanina." Tanggi ko kaagad.

"Kunin mo na habang nasa mood pa ko." Pilit nito.

Nagda-dalawang isip pa ko kung kukunin ko ba o hindi. Masyado na kasing nakakahiya kay Miss Mandy. Baka sabihin niyan umaabuso ako.

Panay tingin ko sa serum na nasa kamay niya sabay tingin sa mukha niya. Tingin naman SA serum at balik naman sa mukha niya. Hindi ko tuloy alam kung kakapalan ko nalang ba mukha ko.

Walang magawa, kinuha ko nalang.

Pagkakuha ko, saka ulit minassage ni Miss Mandy ang mukha niya na nalagyan na niya ng Serum.

Nahihiya na naglagay na rin ako ng Serum pagkatapos minassage ko rin iyon sa mukha ko.

"Wag kana mahiya sa akin. Dapat ako mahiya sayo dahil bahay mo 'to," aniya. Nakatingin lamang sa unahan habang mina-massage pa rin ang mukha.

"Hindi po. Feel at home kayo dito, Miss Mandy." Nakangiting sagot ko kaagad.

"Sa totoo lang, di ako sanay matulog sa ganito pero sure akong makakatulog kaagad ako dahil sa sobrang pagod dahil sa byahe," prangka nito.

Isa sa nagustuhan ko sa kanya, pagiging prangka. Hindi siya tulad ng ibang babae na pabebe. Kung ano nararamdaman o naiiisip niya, sasabihin niya kaagad. Wala siyang paki sa iisipin o mararamdaman ng ibang tao. Kaya parang okay nalang sakin na sungitan niya ako o mapagsalitan ng masama. Kasi nasasabi niya iyon dahil iyon ang totoo, hindi siya plastic.

Pagkatapos ko, binalik ko na ang serum na pinahiram niya sa akin.

"Salamat, Miss Mandy." Pasalamat ko nang iniabot ko iyon sa kanya.

"Your welcome." Kinuha na nga iyon sa kamay ko at nilagay na sa bag nito.

"Oh sya! Matulog na tayo," sabi nito nang kumuha ng wipes. Brand din iyon ng Amarie, iyon ang ginawa niyang panlinis sa kamay niya."Good night." Humiga na nga ito sa kama halos nagkumot pa.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon