Chapter 108:

347 21 6
                                    

ALING DOYA POV:)

"Rose, akala ko ba naghihintay sa locker room si Beth?" tanong ko dito nang lapitan ko ito.

Abala ito ito sa pagma-mop nang floor nang napahinto ito dahil sa akin. Bumaling naman ito na may ngiti sa mga labi.

"Ah? Andoon siya, Aling Doya, hinihintay ka." sagot nito.

Napakamot na lamang ako sa ulo."Wala naman doon. Saan naman pumunta siya? Hindi ko pa nabibigay 'yong sahod niya."

"Baka lumabas o nag-CR lang?" Sagot nito habang hawak pa rin ang mop.

Tinaptaptap ko naman ang braso nito."Oh sya! Maglinis kana. Babush!" Sabi ko dito pagkatapos ay umalis na ako at iniwan ito para hintayin na lamang si Beth sa locker room.

Hindi pa ko nakakarating sa locker room, nakita ko na lamang si Elizabeth na tumatakbo.

"Beth, 'yong---" di ko na lamang napatuloy ang sasabihin ko nang hindi ako nito pinansin at patuloy lamang ito sa pagtakbo.

Kunot-noo na sinundan ko naman ang tingin nito. Base sa nakita ko sa kanya parang umiiyak siya. May nangyari ba sa kanya?

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkarating na pagkarating ko ng apartment, dumeretsyo kaagad ako sa aking kwarto. Pagkapasok, humiga kaagad ako at doon ko lalo binuhos ang bigat na nararamdaman ko. Humagulhol ako na parang bata habang yakap ko ang unan. Hindi na ako makahinga ng masyado dahil naipon na ang sipon sa ilong ko.

Sari-saring mga pangyayari ang lumalabas sa isip. Na ganito kesyo ganyan ginawa ko na lamang ng pangyayaring iyon pero sa huli nagsisisi ako. Dapat pinagtanggol ko ang sarili ko at hindi ko hinayaang tapakan ako ng mga taong matataas sa akin.

Sabagay, sino naman ako ipagtanggol. Nasaksihan ko mismo na hindi ako pinagtanggol ni sir Johnser---ano pa nga ba i-expect ko? Nakakalimot ka ba, Klarisse? Amo mo siya at kailanman hindi mo siya naging kaibigan kaya hindi mo deserve na ipagtanggol ka ng isang mayaman.

Siguro, nasanay lang ako. Nasanay ako na pag kailangan ko nang tulong, dumarating si Ros para ipagtanggol ako. Pero ngayon? Sarili ko nalang aasahan ko at mag-isa nalang ako lalaban.

Napahinto ako sa pag-iyak habang nakatingin lamang sa kisame. May naglalaro na lamang mga imahe sa taas at nakikita ko ang mukha ni Ros. Ang bawat ngiti niya ay nagpapagaan sa akin. Dahan-dahan ko iniangat ang kamay ko para abutin ito pero naglaho din kaagad iyon.

Doon ko napagtanto na hinding-hindi na babalik si Ros. Wala nang taong magpapagaan ng loob ko sa tuwing malungkot ako. Sarili ko na lamang aasahan ko.

Niyakap ko ulit ng mahigpit ang unan at nagsimula ulit umiyak.

Napag-isip ko na nakakatakot pala makipaghalubilo sa mundo ng mayayaman. Dahil pagdating sa edukasyon, talo ka. Sa pera, mas talo ka. Labanan na lamang ay ang ugali. Kahit gaano ka pang kabait, kaya nila paikutin ang mundo para ipakita sa lahat na ikaw ang masama hindi sila. May kakayahan ang mga matatas na kontrolin at baliktarin ang lahat na sitwasyon. Kaming mahihirap? Ipagtanggol na lamang ang sarili na nagagawa namin.

Simula ngayon, magsisimula na ako gumalaw at tumayo kung nasaan ako nararapat. Doon ako sa saan ako nababagay. Ayaw ko na makihalubilo sa mundo ng mayayaman.

MANDY YU POV:)

Unti-unting minulat ko ang aking mga mata. Malabo ang aking nakikita halos pinipikit-pikit ko ang mata ko. Nang luminaw iyon, iginala ko kaagad ang paningin sa paligid. Nakita ko na lamang na may mga aparatus na nakadikit sa kamay ko.

Doon ko napagtanto na nasa hospital ako.

"Gising kana?" Boses na pamilyar sa akin.

Pagtingin ko sa gilid ko, nagulat na lamang ako nang makita ang imahe ni Dylan. Nakaupo ito ng de kuwatro habang nagbabasa ng isang magazine. Ano nanyari sa akin? Siya ba nagbantay sa akin?

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon