JOHNSER SY POV:)
Pagkababa ko ng kotse, nakita ko ring bumaba rin ng kotse nito si Tito Andrew. Parehong kakarating lang namin sa hospital at siguro pareho rin nalaman namin na gising na si Lola.
"Tito Andrew." Bungad ko.
Lumapit ito sa akin kasama ang assistant nito."Gising na raw ang lola mo. Kailangan tayo makita niya." Sabi nito at nauna nang naglakad dito.
Sumunod na nga kami ng assistant nito. Nagulat na lamang ako na may mga reporters na naghihintay, nakaupo tila may inaabangan na lumabas na taong iinterview-in. May artista atang na-aksidente at dito dinala.
Nakita kong patuloy lamang sa paglalakad si tito kaya sumunod kaagad ako dito.
Nang makita kami ng nga reporters mabilis na nagsilapit sa amin ang mga ito na dahilan napahinto kami sa paglalakad. Nagulat naman kami nang dinumog kami nito. Kaya ba nandito ang mga reporter dahil sa nangyari kay lola? Paano nakalabas ito sa media?
"Sir! Sir! Kamusta po kalagayan ni Dona Valencia?" Tanong ng isang reporter kay tito at tinapat dito ang mike.
"Papunta palang kami. Magbibigay nalang ako mamaya ng statement sa kalusugan ni mama." Mahinahong sagot ni tito dito.
Tangkang maglalakad ulit si Tito nang may nagsalitang reporter na lalaki.
"May kinalaman din ba ang nangyari kay Dona Valencia sa namatay na bunsong anak ni Mr. Sy? Totoo bang may taong nasa likod ang nangyayaring kaguluhan ngayon sa Uphone?"
Natigilan naman bahagya si tito sa tanong ng reporter. Pati ako ay nanlalaking mata sa tanong nito. Hindi ko alam saang chismis napulot nito para itanong ang ganyang klaseng tanong.
"What?" Gulat na tanong ni tito dito.
"Totoo po ba ang lumalabas sa facebook na may pumatay sa bunsong anak ni Mr. Sy?" Tanong naman ng isang reporter.
Napatingin naman kami sa isang reporter nang magsalita ito."May anonymous na nagpost sa facebook na hindi basta aksidente ang nangyari sa anak ni Mr. Sy at hindi rin basta inatake sa puso si Dona Valencia. Ang sabi pa, nasa loob ng Uphone ang may kagagawan iyon."
Napakunot-noo naman ako sa sinabi nito.
Post? May kumakalat ngayon sa social media?
Mabilis na kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone nang maramdamang nag-vibrate iyon.
Doon ko nakita ang nga article na naglalabasan tungkol sa Uphone. Maaring magkaroon ito ng laking gulo sa kompanya namin. Di lang iyon, makaka-apekto ito sa image ng kompanya. May chance ring maurong ang pag-lunch ng new phone.
Seryosong tumingin si tito sa reporter na nagsabi iyon. Magsasalita na sana si tito na biglang sumingit ang assistant nito. Hinarangan kaagad nito ang reporter dito.
"Nagmamadali si Sir. Mag-iiwan na lamang siya ng statement mamaya." Sabi nito sa mga reporter.
"Sandali! Sir! Sir!" Tawag ng mga reporter.
Niyaya na nga ako ni Tito Andrew at naiwan doon ang assistant nito para harangan ang mga reporter. Saka rin nagsidating ang mga guard para tulungan ito para hindi makasunod sa amin.
"Media talaga ang sisira sa pangalan mo." Turan na lamang ni tito habang papunta na kami sa kwarto ni Lola.
Patuloy lamang sa paglalakad ni Tito at tila sumama ang timpla nito.
Siguro isa na doon na siya ang may kagagawan sa pagkamatay ng kapatid ko pero hindi niya magagawang saktan si lola. Alam kong inatake ito sa puso, iyon ang sabi ng doctor.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...