Mr. Stranger 50:

543 19 4
                                    

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Tumatawa na pabalik na kami ni Rose sa locker room. Kakatapos lang namin mag-snack at kailangan na namin bumalik sa trabaho. Napatigil ako sa pagtawa nang marinig ang cellphone ko na nagri-ring.

Kinuha ko kaagad iyon sa maliit na bag ko. Nakita ko namang nagvi-videocall sa akin si Ros. Nakangiting sinagot ko naman iyon.

"Ros!" Bungad ko nang makita siya sa screen na nasa trabaho siya ngayon.

"Hi, Lady Beth!" Nakangiting bati naman ni Ros sakin halos nag-wave pa ng kamay habang ang isang kamay niya ay hawak ang cellphone niya."Kakatapos mo lang ba mag-lunch?" Tanong nito sa akin.

"Sino yan, Elizabeth?"  Takang tanong ni Rose sa akin halos kumunot ang noo niya habang nakatingin sa screen.

"Ah!" Lumapit ako kay Rose para makita rin siya sa screen."Ros, kaibigan ko pala. Siya si Rose." Pagpapakilala ko dito. Bumaling naman ako kaagad kay Rose."Siya naman si Ros, ano k-o uhm..."

Ano ipapakilala ko? Ambon? Maniniwala ba siya? Eh alam niya na mahirap ako, bakit pa ako mag-aampon? Kapatid? Alam niyang wala akong kapatid.

"Boyfriend." Sabi ni Ros.

"Oo, boyfriend ko---ah?!" Bulalas ko kaagad nang nagulat ako sa sinabi ni Ros na ginaya ko naman.

"Jowa mo siya?" Manghang turan ni Rose sabay napahawak sa labi na halatang gulat na gulat. May sumilay naman na ngiting malisya sa labi niya.

"Hi-hin-hindi!" Nautal na sabi ko kaagad.

"Weh?" Di naniniwalang sabi nito at siniko-siko pa ko.

"Hindi talaga." Nahihiyang tanggi ko pa rin.

Tumawa naman si Rose sa nakita niyang namumula ang mga pisngi ko.

"Ano oras uwi, Lady Beth?" Tanong ni Ros na dahilan nagkaroon ulit ng panibagong topic.

Bumaling ako dito."Saktong six. Bakit? Susunduin mo na ulit ako?"

Tumango ito."Dahil birthday mo ngayon, may surprise ako sayo." Nakangiting sabi nito.

"Birthday mo?" Gulat na bulalas ni Rose sabay tingin sa akin. Hindi ko pala nasabi sa kanya na kaarawan ko ngayon.

"Bakit? May handa ba?" Tanong ko ulit kay Ros.

"Secret. Isama mo na rin ang kaibigan mo. Pag madami, mas masaya." Nakangiting sagot ni Ros."Anyway, see you mamaya. Ba-bye!" Paalam nito.

"Bye." Paalam ko rin sabay wave ng kamay kaming dalawa.

Pagkababa ko palang ng cellphone ko, mabilis na hinawakan ni Rose ang braso ko paharap sa kanya.

"Totoo? Birthday mo ngayon?" Di pa rin kumbinsido na tanong nito sa akin.

Nakangiting tumango ako.

"Ba't di mo sinabi. E di sana nabilhan kita ng regalo." Nagtatampong sabi nito halos ngumuso pa ito.

Tumawa naman ako."Okay lang. Okay na sakin na sumama ka sakin mamaya."

"M-mamaya? Pag-out natin?" Tanong nito habang sumasabay ang ulo nito sa pagsasalita na parang nagna-nod.

"Oo."

Bahagyang napa-isip si Rose na tila hindi sigurado kung makakasama siya sa akin mamaya. Halos kinakagat pa nito ang kuko sa hintuturo pagkatapos binaba rin nito ang kamay. Napakagat-labi na tumingin ito sa akin na tila nagdadalawang isip pa siya.

"Tanong ko muna sa bf ko ah? Alam mo naman magka-live in na kami nun." Sabi niya sa akin.

"Kahit isama mo na ang bf mo para may kasama ka rin pauwi." Nakangiting sabi ko.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon