ANDREW SY POV:)
Pinagbuksan ako ng pinto ng assistant ko. Tumikhim muna saka ako pumasok sa loob ng kotse. Pagkatapos ay sinara na nito ang pinto at sa kanilang pinto naman ito pumasok.
Pagkapasok nito, mabilis naman binigay niya sa akin ang isang brown envelope. Nakaupo kami sa backseat pareho at may sarili akong driver ngayon.
"Eto na ba?" Tanong ko.
"Opo. Resume po iyan ng janitress at andyan na rin po ang copy ng birth certificate niya." Sagot nito.
Binuksan ko naman iyon at tiningnan ang papeles doon.
"Elizabeth Villatorte," basa ko sa pangalan niya."Wala siyang middle name?" Tanong ko.
"Base po sa napagtanungan kong mga katrabaho niya, patay na po ang ina niya. Taga probinsya po siya at lumuwas siya dito sa maynila para hanapin ang ama niya." Paliwanag nito.
"Ibig sabihin, hindi niya alam o hindi pa niya nakikita ang ama niya?" Bahagyang natigilan na tanong ko.
"Opo."
Napatango-tango na lamang ako. Tiningnan ko ulit ang impormasyon ng janitress.
"May isa pa po," dagdag ulit nito.
"Ano 'yon?" Nagbabasa na tanong ko habang nakatutok lamang sa papel.
"Ang pupuntahan pong probinsya nila Sir Johnser ay lugar kung saan nakatira ang janitress na iyan."
Natigilan naman ako sa narinig na impormasyon dito. Kunot-noo na napatingin ako dito.
"Ano?" Ma-otoridad na tanong ko.
"Ang napili pong lugar na ire-reach out program ng All Day Shop ay lugar kung saan pinanganak o lumaki ang babaeng iyon." Dagdag impormasyon nito.
Paano nangyari iyon? Hindi pwedeng nagkataon lang iyon?
Sandali.
Si Mr. Kailes pumili ng lugar na iyon, hindi naman niya kilala ang janitress na iyon. Nagkataon lang ba?
Binalik ko na ang papel sa envelope. Pagkatapos ay binigay ko ulit iyon sa assistant ko.
"Imbestigahan mo ang magulang ng janitress na iyan. Alamin mo rin kung sino ang ama niya at ano ang dahilan ng paghiwalay ng mga magulang niya. Pag may nakakahinala sa background ng babaeng iyan, ireport mo sa akin kaagad." Ma-otoridad na utos ko halos naningkit ang mga mata ko habang nakatingin dito.
"Sige po." Payag kaagad nito.
Seryosong bumaling na nga ako sa unahan. Nasa isip ko pa rin na kailangan ko mapaghiwalay ang dalawa sa madaling panahon. Mahihirapan akong paalisin ang janitress na iyon sa buhay ni Johnser pag tuluyan nang nahulog siya dito.
"Alis na tayo." Sabi ko sa driver.
Nagsimula na ngang umandar ang sinasakyan ko.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Kakapagod. Woah!" Pagkapasok sa loob ng bahay, mabilis naman naupo sa sahig si Ros.
Pumasok na rin sila Sir Johnser at di maiwasang tingnan nila ang loob ng bahay namin ni mama.
"So masikip! Sure na talaga kayo na matutulog tayo dito? Walang kama, walang malambot na kama. Sa sahig tayo matutulog," nasa baywang ang mga kamay na sabi nito."Hayst! Nagsisisi na talaga ako na sumama ako dito." Maarteng pahayag ni Miss Mandy halos napa-cross arms pa ito sabay pout.
Napahalukipkip na lamang ako.
Nahihiya tuloy ako sa kanila. Anak mayaman Sila at hindi ko tuloy alam kung gusto ba nila matulog sa lapag. Baka hindi rin sila sanay na matulog na hindi nakahiga ang likod sa malambot na higaan.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]
RomanceSi Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di ni...