Mr. Stranger 9:

1.5K 50 3
                                    

Pagpapatuloy...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Kuya, may nakita po ba kayong lalaking matangkad? Naka-sando po siyang puti at naka-short na may butas-butas---" di ko na natuloy sasabihin ko na nag-sign ng kamay yung lalaking tinatanong ko na wala siyang nakita at iniwan na ako nito.

Lumapit naman ako sa isang mag-asawa na magkasama para magtanong.

"Miss, Mister! Excuse me po. May nakita ba kayong lalaking naka-sandong puti at short na may butas-butas? Maputi po siya, matangos ang ilong, may killer smile at..." Takte! Lahat na atang katangian ng guwapong lalaki sa kanya niya. Paano ko ba ieexplain mukha nito ee di ko masabi na guwapo yung lalaking iyon. Tss. "Basta po, matangkad siya at englishero siya." Patuloy na describe ko kay Clive.

Letcheng batang iyon! Sabi nang di lalayo ee. Kulit!

"Wala." Sagot ng babae sakin.

"Ah? Ganon po ba? Sige, salamat po." Sabi ko nalang.

Umalis na ito at naiwan akong napasimangot at humugot ng hininga.

"Saan ko hahanapin yung estrangherong iyon?! Sa kaylaki ng Maynila, saan ako magsisimula?" Problemadang sabi ko at napakamot nalang ako ng ulo ko.

Nakakita ako ng isang bench at naupo agad ako doon. Gusto ko magpahinga dahil kanina pa ko palakad-lakad dito. Nandito ako sa Luneta Park. Nagbabakasakaling napadpad yung englisherong Ros na iyon dito. Medyo malapit din kasi ito sa apartment ko. Ito lang kasing pasyalan na malapit sa amin. No choice, baka dito siya napadpad.

Gabi na at kailangan ko ng umuwi at magpahinga pero paano ko gagawin kong nawawala yung alaga ko. Kainis kasi e! Ang kulit talaga! Sabi nang di lalayo pero ayun! Nawawala tuloy siya.

Hayst! Problema ko pa. Naku! Naku! He's so stuuuuupid! He's so so so very matigas ang ulo! Kahit wala ang lalaking iyon, napapa-english pa rin ako pero di ko ma-translate ibang word na di ko alam. Taglish muna ako ngayon.

"Bahala siya kung nawala na siya! Uuwi na ako! Tutal, di ko naman siya kilala. Tsk!" Sabi ko nang mapagdesisyon na umuwi na.

Tumayo na ako sa pagkakaupo at naglakad na paalis sa Luneta Park. Uuwi na ako sa apartment ko. Bahala na kung di ko na mahanap yung Ros na iyon. Sino naman siya para magka-concern ako sa kanya? Kahit ni kaunting impormasyon, di ko kilala siya. Di ko nga alam ano tunay niyang pangalan at saan siyang lupalot nanggaling. Kainis! Dahil may amnesia siya, di ako mapakali.

"Kainis!" Nanggigil na sabi ko nang huminto ako sa paglalakad."Grrgh!" Inis na sabi ko halos naipadjak-padjak ko pa paa ko sa kalsada.

Dahil sa inis ko at pag-iisip kay Ros, nasa gitna pala ako ng kalsadang iyon. Bigla nalang may bumisinang kotse at tarantang sumigaw ako dahil mabubunggo na ako nito.

"Ahh!" Sambit ko.

Mabilis naman pumreno yung kotse at dahil sa takot, napaupo ako. Halos nasaktan ako sa pagkakabagsak ng puwetan ko sa kalsada.

"Aray." Sambit ko habang sapo likod ko. Nakakahiya hawakan pwet ko. Daming tao dito kaya. Ikaw kayang humawak ng pwet baka sabihin nila nagd*d*kit ka. Tss!

Lumabas nalang sa kotseng pula ang isang medyo katandaan nang lalaki. Tumungo agad ito sakin.

"Hija, okay ka lang ba? Pasensya na. Nakaharang ka kasi sa daan." Sabi ng matandang lalaki na nasa 45+ palang ang edad.

Nakatingin lamang ako dito at parang may naramdaman nalang akong kakaiba ng makita ang matandang lalaking ito. Yung puso ko parang ang lakas makatibok ma tila may kahulugan iyon. Feeling ko kilala ko siya. Iba ang pakiramdam ko nang makita ko siya. Parang may something sa akin na importante siya sa akin.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon