Chapter 115:

991 23 12
                                    

MANDY YU POV:)

Pagkabukas ng elevator, saka naman tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko namang kinuha ko ito sa mamahaling purse ko. Nakita ko namang tumatawag na sa akin si Travis at sure akong nandito na siya.

Bago paman sagutin ang tawag, pumasok na ako sa loob sabay pindot patungong ground floor.

"Yes?"

"Nandito na ako." Sagot ni Travis habang nasa kabilang linya siya.

"Wait mo ko dyan. Pababa na ako..." Sabi ko sabay binaba na ang tawag.

Mga ilang minuto, nakarating na din ako sa ground floor. Pagkalabas na pagkalabas ko ng exit ng hotel, wala naman akong nakitang kotse na nakaparada sa harapan at wala rin akong Travis na nag-aabang sa akin. Panay lingon naman ako sa paligid at puro mga tao lamang ang mga dumadaan ang nandito.

Napagilid na lamang ako bigla na may mabilis na humintong sasakyan sa harapan ko. Muntikan pa akong masagi nito. Sa gulat, napahawak ako sa dibdib ko.

"Anong trip nitong driver na 'to? Balak ba niya akong sagasaan?!" Inis na turan ko halos sumalubong ang kilay ko habang nakatingin sa kotseng nasa harapan ko.

Bumaba na nga ang misteryosong taong may-ari ng kotse. Slow motion na dahan-dahan itong lumabas sa kotse. Nanlaki mata na lamang ako nang makita makilala ang taong iyon.

Lahat na ginawa nito ay puro slow motion. Para akong nasa pelikula na may pa-face reveal ang bida. Dahan-dahan nitong sinara ang pinto sabay tingin sa akin na napaka-seryoso. Ang mata niyang nakatingin sa akin na tila hinihigop nito ang puso ko dahilan para tumibok ito.

Tumigil na lamang ang mundo ko nang tumama ang aming mga mata, kahit napaka-seryoso ng mukha niya, nangingislap siya sa kaguwapuhan. Wala akong naririnig sa paligid kundi ang lakas ng kalabog ng puso ko. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na tumigil sa paghinga nang nagsimulang maglakad si Dylan papalapit sa akin.

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko at hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kanya. Para akong na-hipnotismo ng kaguwapuhan niya. Wala ako ibang marinig ng oras iyon kundi ang tibok na puso ko, tibok na pag pakikinggan mo parang 'Dylan' ang naririnig ko.

Tumigil ito sa harapan ko, at hindi ko maiwasang tumingala sa kanya dahil mataas siya ng kaunti sa akin. Hindi ko pa rin magawanh umiwas ng tingin sa kanya, tila nalimutan ko na rin pumikit. Pakiramdam ko, hindi ko ma-kontrol ang sarili ko, puso ko ang nagko-kontrol sa akin ngayon.

Oo, nababaliw. Nababaliw na itong puso ko. Lint*k na, Dylan ito! Kailan ba ito makakagusto sa akin, patay na patay na talaga ako sa kanya.

"Okay ka lang? Para kang nakakita ng multo." Tanong nito.

Bakit feeling ko bumulong siya sa tainga ko nang sabihin niya iyon. Nakakakiliti ng boses niya, sumasagad sa tiyan ko patungo sa puso ko. Hindi ko alam kung humihinga pa ba ako. Para na kong na-estatwa nang makita siya ngayon.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito sabay patong ng palad nito sa noo ko.

Dahil sa ginawa niya, suminok na lamang ako. Nagulat naman ako dahil doon kaya mabilis na natakpan ko ng isang kamay ko ang bibig ko. Patuloy pa rin ako sa pagsinok. Sumisinok ako dahil sa kanya.

Nang maramdaman kong nakaka-awkward na, pinalo ko naman ng mahina ang kamay niya, inalis naman nito kaagad ang kamay sa noo ko.

"Ano ginagawa mo dito?!" Pa-malditang tanong ko at suminok na naman.

"Sinusundo ka." Cold na sagot nito.

"May susundo sa akin ngayon, si Travis. Umalis kana, mauna kana sa party." Tanggi ko at suminok ulit. Pinalo-palo ko naman ng mahina ang dibdib ko."Ano ba ito? Umalis kana, tapos na ang slow motion scene." Sa loob-loob kong sabi.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon