1%

332 4 4
                                    

Scylla

"Sino ba kasi ang nagpasimuno na required umattend ang lahat ng estudyante sa prom?!" Naiinis na sambit ni Lorraine.

"Dapat ang tanungin mo, sino ang nagpauso ng prom prom na yan!" Pagcocorrect ni Keydee.

"Ok lang naman. Ang pangit lang nung mga dumadalo kasi. Mga nagpiPDA" banggit ni Anne Sherina

"Nako! Ayan ka na naman Anne Sherina eh!" Pang-aasar ni Lorraine.

"Bakit ba buong pangalan ko?! Di ba pwedeng Anne lang o kaya Sherina itawag niyo sa akin?!" Sigaw ni Anne Sherina. Nagsitawanan na lang kami. Trip kasi naming tawagin siyang Anne Sherina.

"Pero ok lang naman siguro. Wag lang magPDA yung mga tao." Dagdag ko. Inannounce na kasi na may prom daw kami. Himala nga eh wala naman kasi kaming ganun last year. Takteng K-12 kasi yan.

"Pag may nakita tayo sumigaw tayo ng ' 80 Pesos lang isang oras!'" Singit ni Keydee. Nagtawanan ulit kami.

"Pero kung sakali kaya na tuloy na tuloy na, ano kayang magiging takbo nun?" I asked. It wasn't a question to be answered.

"Baka naman kasi sila mag-assign ng escort eh!" Inis na sambit ni Lorraine. And yung 'sila' na tinutukoy namin ay yung school mismo. Minsan kasi ganun daw eh. Nalaman namin sa mga higher levels na acquaintance namin.

Pero actually, kakasimula pa lang ng klase at chismis pa lang yung news na yun. Ngayon lang nachismis sa amin kaya namin naging topic.

Kakasimula lang ng klase namin. Late talaga nagsastart klase namin kasi private eh. Mga second or third week of june. Unlike sa public, first monday pa lang may pasok na.

Madaming bago, pero mas madami ang old students. May isa nga kaming galing ibang bansa eh. From Canada, tapos nagbalik pinas lang. Swerte niya kung sa section namin napunta.

Cream section kasi kami. At ang mga babae sa section namin, hindi malalandi.... Palandi pa lang. Pansin kasi naming magkakaibigan na natututo nang lumandi yung iba sa section namin eh. May mga kaMU na ang last year walang interest sa love life?!

*RIIIIIINNNNGG*

At dahil Monday, may morning assemble. -_- . Sarap magpatikalkal! Ayokong magassembly!!! Sana sa classroom na lang ako natutulog diba?! Ang init, at nakapagod tumayo ng matagal!!!

Habang inoobserbahan ang lahat ng taong pumipila sa pila ng section namin. Halos lahat naman ng pumipila sa section namin, mga kaklase din namin last year. Wala naman kasing masyadong nagbabago sa cream section eh. Yung iba, mga galing ibang section last year na nakapasok sa cream ngayon.

Nakita rin namin yung galing Canada...

"San kaya yun pipila?" Tanong ni Lorraine.

"Sana sa atin." Sagot ko. Nagtinginan sila sa akin.

"Ay nako!" Sabay sabay nilang sinigaw ng pabiro. Nagtawanan din kami.

"Minsan lang kasi magkagwapo dito sa school eh!" Natatawang sinabi ni Keydee.

"At kung sa section natin, walang manlalandi." I added. Kasi kung ngayon pa nga lang, ang dami nang tumitingin sa kanyang mga kabatch namin at mga lower levels na babae, pano kung mapunta siya sa ibang section?! Baka landiin lang siya ng mga babae

〽〽〽〽

"Anne Sherina. Anne Sherina Jolie!" Tawag ni Keydee. Napatingin naman si Anne Sherina ng masama. Pero natawa na din siya. Ganun kami magbiruan eh.

"Likod tayo!" Yaya ni Lorraine. Edi dun kami naupo. Buti na lang kami yung naunang pumasok sa classroom kaya naunahan namin yung iba sa likod.

Katabi ko si Anne Sherina tapos sa harap namin magkatabi si Lorraine at Keydee. May natirang isang vacant seat sa tabi ko. Nasa dulo kami ng edge nung row kaya pagkatapos nung vacant seat, yung daanan na para sa teachers.

Eh since isang vacant seat na lang yun, wala nang gustong umupo. Ang saya! Kung walang uupo dun, may lagayan ako ng bag diba?

"Is this seat taken?" May nagtanong habang nagtatawanan kami. Syempre ako ang lilingon, bag ko ang nakalagay dun eh. Pagtingin ko, si kuyang galing Canada!

"Uh, no, sorry." I answered at tinanggal na yung bag ko. English si kuya. Nosebleed naman!

Pero in fairness noh. Gwapo nga.

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon