Apollo
"Kasi mahal ko siya
Paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko kung pano niya sinabi yung nga salitang yun. Kung paano niya dinurog yung buong buhay ko. Winasak niya ang buong buhay ko ng ganun ganun lang kasi sila lang naman ni Cybele ang buong buhay ko eh.
Ang sakit! Ptngna! Grabeh! Masakit pala ang kupkupin ang inabandona tapos bigla nalang babalikan ng nangabandona. Wala ka namang magawa kasi hindi ko naman pagmamay-ari eh. Kailangan mong ibalik sa tunay na may-ari kahit nung una, iniwan niya sila.
I promised myself to continue my life without her. I unfriended, unfollowed, and blocked her on all my social media accounts and deleted her from my phonebook. Tapos na ako. Ayoko na. Wala na akong dapat asahan at habulin pa.
〽️〽️〽️〽
"Pare!!" Bati sa akin ni Steve pagkadating na pagkadating ko pa lang. Its been six months since the wedding. August ang start ng klase sa academic calendar ng UST. Hindi ko na din tinuloy yung plano ko dati na hintayin siya para sabay kaming magcollege. When I left her sa condo, I also changed my plans.
"Ipupush mo talaga yang course mo ha!" Nang-aasar niyang sinabi. Back to reality na tayo guys!
"Syempre naman! Kahit tumanda pa ako, ipupush ko talaga to!" Pabiro kong sagot. Di kasi sila makapaniwala na gusto kong maging isang OB-Gyne. Seryoso naman ako dun! Hindi naman dahil makakakita ako ng mga ganun, syempre more on buntis ang makikita ko imbes na mga single at wala pang anak diba?!
"If I know, Mamboboso ka lang." Hirit ni Bert. Nagtawanan na kaming lahat sa hirit niya at naglakad na papunta sa announcement boards para sa . First day of school kaya walang regular classes. More on orientations at introductions.
"Yun oh! Hard work does pay off!" Sigaw ni Steve nang mareceive naming lahat yung mga schedules namin.
"What the?!" Nagulat na nasigaw ni Jeff. Weird kasi, halos lahat ng mutual subjects namin, pare-pareho ng oras.
"Yung totoo Steve? Baka naman ikaw talag yung bakla? Mukhang may ginawa ka para magkakasama tayo lagi sa mga mutual subjects natin ah?!" Medyo mapang-asar na sinabi ni Mitch.
Mukhang tanga kasi toh eh! Sa sobrang gustong laging may kasama, eto! Siguro binayaran yung gumagawa nung schedule namin na gawing pare-pareho yung mga mutual subjects namin.
"Ano ba?! Hindi ba kayo magtethank you sa akin? Pasalamat nga kayo magkakasama pa rin tayo kahit papano eh, well except for you Apollo." Haaayyyy... Yeah... Except for me. Baka physical education lang kami magkita. Sila kasi, mga engineering courses kaya mas malaki ang chance na madami silang magkakaparehong subjects. Eh ako? Pre-med ako kaya iba ang subjects ko sa kanila. Haaaaayyyy... Sad life! Iyak na lang ako sa sulok :'(
Mukhang malabo din na makakasama ko sila Lorraine at Keydee sa majority ng subjects ko kasi, pagkakaalam ko, ako lang talaga ang mag dodoctor.
First class of the day... I'm alone. Wala naman akong problema kapag mag-isa eh. Problema ko lang, yung mga babaeng umaaligid agad sa akin.
Mostly pa ng mga magiging kaklase ko ay mga babae. What a pain! As if hindi ko mapapansin yung mga stares nila pagpasok na pagpasok ko pa lang ng room.
This is what I always do.... Never look at them in the eye. Always ignore them. Sungitan mo lang kung kailan.
Hindi na ako tumingin pa sa mga mukha nila. I have no reason to. Umupo na lang ako at natulog since mukhang napaaga ako.
〽️〽️〽️〽
"Isn't it too early to sleep in my class?" Mabait na sinabi ng kung sino man. Tumingala ako and saw my professor. Oh sh1t!! I overslept!
"Uh, sorry Ms." I apologized and fixed myself right away. She just smiled. Wow! Wag mong sabihin, pati prof ko magkakagusto sa akin ha!
"Don't worry. First day of classes pa lang, and you're a male student taking up a course for female. I understand." Pabiro niyang sinabi. Medyo natawa naman din ako dun. She has a point. It might be too boring for me, pero hey! Wala pa siya nung natulog ako kaya wag niya akong pagbintangan na napilitan lang ah!
As the hour ended, I noticed a familiar figure. Can it be?
Sinundan ko siya hanggang sa makalabas kami ng hallway. Ang daming tao. Hindi ko siya masundan. I lost her. Fate! Destiny! Stop fvcking with me! Please!
"Huy!" Bigla ako sinunggaban nila Steve.
"Anyareh sayo? Ba't balisa ka ata?" Nagtatakang tanong ni Jeff sa akin.
"W-wala. Ok lang ako." I told them at sumunod na rin ako sa kanila. Maybe it was just a coincidence. Baka kamukha lang nung likod niya.
〽️〽️〽️〽
"Dude, alam mo bang sa dinami-dami ng mga freshmen, may isa lang daw na nagsastand-out?" Agad na inopen ni Steve yung topic.
"Yeah? At sino naman yun?" Walang interest na tanong ni Mitch. Basta babae talaga eh! Magaling tong si Steve.
"They call her Sky. Instant superstar kasi sa suot niya." Steve mentioned with a grin. Alam na! Yung damit kasi nung babaeng yun ay masyadong revealing para sa school. Especially here. Catholic school pa naman to.
"Nakita mo na ba?" Blangko pa ring sinabi ni Mitch.
"Hindi pa, pero imposibleng hindi natin siya makita dito sa arch. Ang dami kayang pumupunta dito kahit hindi pa magmamarch! Tayo din naman last year eh." Pagsestate ni Steve. Tama nga naman siya. Ngayon pa nga lang at nakatambay kami dito, eh madami na kaming nakikitang nagpipicture dito sa arch eh.
"So anong plano mo? Maghintay dito? Ang init init eh!" Reklamo ni Jeff. Totoo nga naman! Sunog kami kapag nagstay kami dito.
"Don't worry! Prepared ako!" May tinawag si Steve na mga tao tapos nagset-up sila ng tent. Ok? So ganito siya kadesperadong makita yung Sky na yun?
"Relax lang guys. Onting tiyaga lang at makikita rin natin siya." He took a seat as he said those words. Mukha kaming tanga! Hay nako! Pero alangan namang hayaan namin siyang magmukhang tanga mag-isa diba?
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...