11%

90 2 0
                                    

Scylla

Nitong mga huli, nagstart nang sumama si Apollo sa tropa ng mga lalaki sa classroom namin. Ok lang naman kasi in good terms naman yung grupo namin sa grupo na yun. Biruin mo, lahat ng lalaki sa section namin, magkakasama sa iisang grupo, ang dami nila diba?!

Pero kahit na ganun, mababait naman sila. Hindi katulad ng sa ibang section, sumusunod sila sa rules at sa mga pakiusap ng ibang tao. Hindi matitigas ang ulo at kahit palabiro, hindi pasaway.

Pero kahit na ibang grupo na siya sumasabay, lagi pa rin niya akong hinahatid-sundo. Grabeh! Walang araw na hindi niya ako ihahatid at susunduin. Siya na rich kid!

〽〽〽〽

Uwian na kaya halos lahat ng mga kaklase ko, ang punta nila ay sa tambayan namin. Buong klase namin, dito sa tambayan malapit sa canteen ang punta kaya para kaming may meeting lagi dito kahit wala naman XD.

"Let's go?" Tanong ni Apollo galing sa likod ko. Nagulat naman ako kasi di ko naman inaasahan na tatanungin niya ako ngayon na, dito, kung saan madami sa mga kaklase namin ay nandito.

"AAAYYYYYYYIIIIIEEEEEE!!!!" Sigaw nilang lahat. Ugh!!!! Anong ginawa mo Apollo!!!!

"Nakamove on agad kasi may Apollo!" Asar at parinig nung isa naming kaklase.

"Ang gwapo! Ang swerte mo!" Kurot sa akin nung isang kaklase naming medyo malapit sa akin.

"Okay! Guys! Hindi kami, kami! We are just friends! Masama ba na isabay niya ako sa sasakyan nila? On the way lang naman yung bahay ko sa bahay nila eh!" Pasigaw kong depensa para marinig nilang lahat. Nagtawanan na lang silang lahat.

"Oh sige na! Babye! Love birds!" Parinig nung isa pa naming kaklade habang paalis na kami ni Apollo.

"Ugh! Anong sabi ko sayo?! Diba dapat walang makakaalam?! Eh ano yun?!" Naiinis kong tanong kay Apollo habang naglalakad kami. Habang siya pangisingisi lang siya! Bwiset!

"It's ok! It's better this way! Wright will hear about the rumor and leave you alone. And we can just deny everything." Kalmado niyang pinaliwanag.

"Eh pano kung hindi sila maniwala kahit ideny natin?! Jusko! Ayokong mabully ng mga fangirls mo noh!!" I shouted back. Nakakainis naman oh!

"Don't worry. If they lay a hand on you... They'll be shunned for life." Bakit ang kalmado niya?! Hindi ba niya alam na ang laki nitong problemang binigay niya sa akin?!

"UUUGGGHHHAAAAAAGGGHHH!!!" Sigaw ko. Wala na akong masabi, magawa!! End of the world ko na!! Ayoko pa naman ng gulo o kahit anong special attention... At ayoko din ng mga bash!

Narinig ko lang siyang tumawa habang naglalakad na ako papunta sa parking.... On second thought! Dumeretso na lang ako sa gate ng parking. Ayoko nang sumabay. Magcocommute na lang ako!

Habang nag-aabang ng masasakyang jeep, tumigil yung sasakyan niya sa tapat ko.

"Come on! Don't be such a stubborn one!" Pabiro niyang sinabi sa akin mula sa bintana niya. Di ko siya pinansin at nakatingin lang sa mga paparating na jeep. Bwisit! Ngayon mo pa napiling magginanyan! Ang dami pa namang nag-aabang ng jeep na mukhang fangirls niya!

"Fine. You leave me no choice." Sinabi niya at sinara niya yung bintana niya. Bumaba siya ng sasakyan at may kinalikot sa pinto tapos tumayo siya sa harap ko... Anong binabalak mo???

"HUY!" Yun na lang ang nasabi ko kasi bigla niya akong shinoulder carry [pakitingnan na lang po yung picture para sa itsura nung carry] Tapos binagsak sa backseat ng sasakyan niya. Triny kong buksan yung pinto para makalabas sana kaso nakachild lock!! Tapos siya sumakay siya sa passenger's seat. Gag0! Ang talino niya ha! He totally caught me offguard!!!

"UGHHH!! Bwiset ka!" Yun na lang ang nasabi ko at umupo na ako ng maayos sa isang tabi. Wala nandito na ako eh. Wala na akong kawala. I just have to keep being a b!tch throughout the ride.

Himala! Di niya ako kinakausap! Nandun lang din siya nakaupo at nakatingin sa labas na para bang may iniisip na malalim.

〽〽〽〽

Nung nasa bahay na ako, pinagbuksan pa niya ako ng pinto. Ptngna parang prinsesa lang ah!! Kaso alam ko naman yung dahilan eh, dahil sa child lock.

Papasok na sana ako ng bahay ng bigla siyang nagsalita. Himala ah!

"Tomorrow's the start of the preparations for the buwan ng wika performance. You were sleeping when the teacher announced it... Our class will have a dance performance. You'll be my partner because I find it comfortable to dance with you." Malamig niyang pinahayag tapos sumakay na siya at umalis.

Ano naman yun? Pacold effect lang?? Para di halata na may tinatago siyang feelings??? Feelings???? Wehhhhhh! AHAHAHAHAHAHAHA XDXD Ang gandang joke nun Scylla, grabeh!!

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon