7%

88 3 0
                                    

Scylla

"Ate Scylla!" May sumigaw na grade 8 sa akin. Tumatakbo siya palapit sa akin. Nakakakaba naman yung itsura ni ateng.

"Ate Scylla, si kuya Apollo!" Wala na, tumigil na yung tibok ng puso ko at sinundan ko na yung grade 8 na yun. Tumakbo na kami papuntang soccer field ng school.

Nakita kong may area na may pinapalibutan ng crowd. Agad akong sumingit at pumunta sa harap ng crowd. Nandun si Wright at Apollo, holding each other's collar. Agad akong pumagitna sa kanila.

"Wright! Apollo! Ano?! Magsusuntukan kayo?! Sige gawin niyo?! Baka gusto niyo pa akong isali eh!" Sarcastic kong sinigaw sa kanila.

"Anong kagagvhan ang pumasok sa mga kokote niyo at nagsisimula kayo ng away? Ha?!" Dagdag ko.

Hinigit na lang ni Wright bigla yubg braso ko at dinala ako sa basement ng building namin. Kung saan wala masyado nang tao.

"Ptngna, Wright, pwede ba?! For once magsabi ka ng dahilan?! Lagi na lang eh! Sinasabi mo 'wala' o kaya 'basta'!" I exploded.

"Eh pano kung wala naman talaga?! Pano kung hindi mo naman dapat nang malaman?!" He shouted back. I can't believe it. Yung Wright na parang aso ko lang kung umasta, tinataasan na ako ng boses ngayon.

"Ano nangyayari sayo?! Dati lang ang sweet sweet mo, halos ibigay mo na sa akin ng buong buhay mo. Pero ngayon, hindi ko na alam kung anong nangyayari sayo, di mo na ako kinakausap, parang nagsawa ka na sa akin." Hindi ko na kayang itago pa yung napapansin ko these past few days.

Medyo kumalma naman siya at tiningnan niya ako na parang sinasabi niyang "I'm sorry." Katulad ni Apollo nung arts namin. Perp this time totohanan niya. Hindi na acting.

"Whatever it is, ayokong marinig." I shook him off at umalis na agad para balikan si Apollo. Narinig ko siyang tinawag ako pero di ko na siya pinansin. Ayoko na siyang pakinggan. Ayokong maging tama for once. Alam ko na magkakatotoo yung kinatatakutan ko. Kasi alam ko ang katulad niya. Mga nafafall sa best friend nila.

Nakabalik na ako sa soccer field pero wala na dun si Apollo. Baka pumunta na siya sa tropa namin. Pumunta na akong canteen. Tama nga ako, nandun na siya. Umupo ako dun sa bakanteng upuan sa tabi niya.

"Di naman kayo nagsapakan diba?" Paninigurado ko. Umiling lang siya. Medyo disappointed ako kasi siya yung pinaka di ko inaasahang gagawa ng gulo.

"Oh ano? Anong pinag-usapan niyo?" Tanong ni Anne Sherina.

"Wala! Pinagsabihan ko lang siya." Pagsisinungaling ko. Ayoko nang madamay pa sila sa problemang love life ko. Baka madagdagan pa sila ng isa pang problema kapag shinare ko pa.

〽〽〽〽

Habang pauwi, hindi kami nag-usap ni Apollo... After a while...

"Did he tell you anything?" Tanong ni Apollo. Nakatingin lang kasi ako sa labas.

"Wala." Tipid kong sagot. Eh wala naman talaga siyang sinabi eh.

"If he doesn't have anything say, I have." Dagdag niya. Napalingon ako sa sinabi niya. Ano naman ang dahilan kung bakit niya yun sinabi.

"Let him go. It's what you need. You need to be free from him. Don't let him keep you tied down. You're not the type to be on a leash. You need to run wild." Sambit niya at natahimik ulit kami.

I need to run wild......

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon