Scylla
After nung performance tinanong ko agad si Apollo kung anong nangyayari.
"Kinontsaba niya kami. Gusto daw niya ng huling gimmick para sayo. Siya nga rin pala ang vocals namin." Inunahan na ni Jett si Apollo. Whuuuuuuuuut?! Akala ko ba ayaw ni Apollo kay Jett?!
"Akala ko ba ayaw mo sa kanya?!" Lumingon ako kay Apollo.
"I do. I just wanted to keep an eye on him. But I guess this will be our last day as a band, so I wanted to plan a surprise." Kalmado niyang inexplain. Huh?!
"Alam mo ikaw ang gulo-gulo mo!!" I shouted at him at dumeretso na ng lakad. Ramdam ko na sumunod na siya sa akin na nakangiti.
〽〽〽〽
The ceremony went on at natawag na lahat. Sunod na ang mga achievers. Natawag si Keydee dahil achiever din siya. Sumunod naman kami ni Apollo at ang Chisel. Nakuha na namin ang aming certificate aka diploma ng junior high school. Mamimiss ko to.
"Congratulations to all of our grade 10 students. Good luck on following your paths." Bati nung MC. Nakita ko si Papa na sinabing magstay muna daw ako sa stage at pipicturan muna niya ako.
Photoshoot lang ang peg ni Papa. DSLR pa ang gamit eh! Tapos pinagpopose pa ako ng madami. Sabi niya pangIG ko daw. Para madami daw akong pagpilian. Well! Kilala talaga ako ng Papa ko. XD
Pagkatapos ng photo session namin ni Papa. Bumaba na ako ng stage at sinalubong ang mga kaklase ko! We all did a big group hug! Haaaayyy!!! For 4 years, sila ang mga kaklase ko, mga kasama ko, kahit na nakakasawa yung mga mukha nila, hinding-hindi ako magsasawa na makasama sila.
After nun naghiwahiwalay na kami at syempre kanya-kanyang trip at kailangan gawin. Hinanap ko si Apollo. Bigla kasing nawala.
"Scylla!" Alam ko kung kaninong boses yun. Kay Apollo. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko siya sa dulo ng gymnasium. He was smiling sadly. Agad akong tumakbo papunta sa kanya.
Sa bilis ng pagtakbo ko, sinalo niya ako ng payakap. We were both laughing. There at that moment, I felt really different. Parang may kakaibang di ko maexplain.
"Congrats." Banggit ko after niya akong ibaba sa pagkayakap. Namumuo na yung luha sa mga mata ko. Ptngna! Nakakaiyak!!
"You too." Yinakap ulit niya ako at this time mahigpit na yakap na. Yung parang wala nang bukas.
"Mamimiss kita, Apollo." Bulong ko since nakayap naman siya sa akin. Hindi ko na napigilang maluha.
"Me too. I'll really miss you. You better pass for college!" Pagbabanta niya sa akin. Syempre naman! Para sa best friend ko.
〽〽〽〽
Apollo
It felt magical yet tragic. I didn't want that moment to end. It was too heartbreaking for me to be apart from her. I needed to do that performance to really know what I really felt for her.
It's been weeks since I felt really weird whenever I see her, and get close to her. Everytime! Everytime I see her, everything disappears. It's like we're the only ones in that room.
I don't know. Have I fallen inlove with her? Is it really true? And why now? And I'm afraid of having to tell her. I don't want her to know. I didn't want her to grow apart from me.
〽〽〽〽
Scylla
Pagkatapos ng CommEx namin, umuwi na kami ni Papa, pero syempre bago umuwi, kumain muna kami sa may timog ave. Yung favorite buffet ko dun na may japanese food!
Habang kumakain kami, napatigil si Papa at nakatingin sa likod ko. Lumingon na rin ako.
"Ma?" Naiirita kong nabanggit. Agad kong binagsak yung utensils ko sa table. Dali dali kong kinuha yung bag ko at umalis. She tried stop me by holding my wrist but I avoided it.
"Don't touch me." Binantaan ko siya at umalis na. She didn't look like she was ready to beg for forgiveness. Katulad pa rin ng dati. Kala mo kung sinong napakataas. Kala mo kung sinong napaka bait. Hindi naman!
Nag-aabang na ako ng taxi sa labas nang naramdaman kong sinundan niya ako. Bwiset!
"Alam mo, wala ka namang masasakyan dito. Why don't you just go back inside and lets talk." Mataray niyang sinabi na parang robot ako na pwede niyang utus-utusan.
"What do you want?! What 's your reason for showing yourself again?!" I exploded. After kasi nila maghiwalay ni papa, ni amoy niya wala kaming nalanghap. She really vanished from our lives. Nagkaroon ng kapayapaan ang buhay namin, ngayon babalik na naman siya?!
"Oh sige. Gusto mo ng deretsuhan? Fine. I want you to marry my business partner's son." Deretsuhan niyang sinabi sa akin na lalong ikinainit ng ulo ko.
"That's bvllsh1t. You are never going to make me. Kung kinakailangan kong pumatay gagawin ko." Pagbabanta ko sa kanya. Napansin kong nakalabas na rin si Papa galing sa restaurant dahil mukhang nagbayad pa siya. Agad akong pumunta sa passenger's side ng sasakyan at sumakay agad.
Umalis na kami ni Papa. I hate her so much. Anong karapatan niyang diktahan ako?! Ang patakbuhin ang buhay ko na parang isang laruan?!
"Don't worry. Hindi ako papayag sa ano mang pinapagawa niya. I want you to be happy." Paalala ni Papa. I nodded at him. Nawala naman yung inis ko sa sinabi ni Papa. It felt relieving to hear him. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kung pati siya, tatalikuran lang din ako. Wala na ngang kwenta ang nanay ko, dadagdag pa ba siya? Syempre hindi!
I just hope she gets what she deserves.
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...