73%

49 2 0
                                    

Apollo

After classes, syempre, deretso sa office namin. Dahil malapit nang mag prelims, wala nang masyadong trabaho. I can just stay here and kill some time. Kung uuwi naman kasi ako ng maaga, wala rin naman akong gagawin sa bahay.

Nagsidatingan na rin ang lahat ng mga comrades ko. Hmmm. Si Scylla lang ang wala pa. Linagnat kaya ulit? Pero wala na siyang sakit kahapon kaya baka late lang yun.

Maya-maya pa'y narinig kong bumukas yung pinto. That must be heeeeeerrrrrr......

〽️〽️〽️〽

Scylla

Act natural! Act confident pero dapat dalagang pilipina na mahinhin pa rin. Kaloka diba?! Dalagang pilipina umasta pero wag ka! Bawing bawi sa suot ko! [See photo for outfit]

In fairness, ang tagal na since nung huli akong nag normal na damit. Its either weird ang mga damit ko o kaya sobrang simple.

"Uhm, di ka kaya sipunin sa suot mo?" Medyo mataray na tanong ni Hera. Medyo lang naman. Mukhang threatened eh! Bwahahahaha!

"Don't worry. Sanay na ako eh. Actually, mas lalo nga akong napepreskuhan kasi mainit." I told her ng pabalang.

Umupo na ako sa pwesto ko at sinimulan na yun mga paperworks, favors, at files na kailangan kong iorganize. Onti na lang to dahil sa palapit nang prelims. Yung iba, nagsiuwian na kasi wala naman na silang gagawin.

Unti-unting naubos ang mga tao hanggang sa kaming dalawa na lang ni Apollo yung natira. Hindi ko sinasadya yun ah! Hindi ko pa kasi talaga tapos yung mga files na kailangan iorganize. May mga ipapapirma pa ako sa kanya.

May mga dividers kami sa kwartong to para sa mga desks namin. Para kahit papano, may privacy pa rin kami sa paggawa sa mga trabaho namin.

I knocked on the wall of his divider. Dumeretso na rin ako sa pagpasok. He just continued on doing whatever he is doing with a bunch of papers. Ako naglagay ng mga papel sa shelf niya, sa table niya, at sa  drawer niya.

"Uhm, may kailangan ka pa ba? Bago ako umalis. Tapos na din kasi ako eh. Oh and by the way, I need these papers signed." Paalala ko sa kanya dun sa mga papel sa table niya.

"Uh, yeah. Tulungan mo akong lagyan ng stamps to para mapirmahan ko na yung pinapapirmahan mo. Get a chair." Utos niya. Kumuha ako ng chair na malapit at pumwesto sa opposite side ng table.

"What are you doing? Dito ka dapat. How am I going to see kung tama yung linalagyan mo ng stamp?" Medyo masungit niyang tanong. Yung usual na sungit niya. Wala na akong nagawa kundi lumipat sa side niya at sinimulan na yung inuutos niya.

Maya-maya pa'y may kumatok kaya agad kong pinuntahan. Baka kasi may importanteng bagay na kailangan gawin eh.

"I need the list of expenses for this months report, nasan na ba sina Tina at Henry?" Tanong nung dean namin. Yes, minsan nauutusan din kami ng dean para sa ibang mga importanteng matters tungkol sa mga estudyante.

"Eh sir nakauwi na po. They said they were done with all their work kaya umuwi na po." I informed him. Medyo kumunot naman ang noo niya.

"Ganun ba... Can you do it then?" Punong-puno ng pag-asang tanong ng dean.

"Uh, sir, wala po kasi akong alam sa basic accounting kaya mas lalong di ko po kaya yan." I confessed. Hello! BroadJourn ang course ko! Mukha bang may alam ako sa ganyan?!

"Ako na lang po sir." Pagpepresenta ni Apollo na halatang nakikinig mula sa desk niya. Binigyan siya ng dean ng copy ng mga expenses etc etc!

〽️〽️〽️〽

Putragis!! Pano ba ako napunta sa ganiting sitwasyon?! Binigyan ako ni Apollo ng notes namin nung JHS ng basic accounting at sabi niya na tulungan ko daw siya since secretary naman daw ako.

Magpepresenta siya pero wala rin naman pala siyang time para gawin yun! -_-

He just kept on stamping the papers I was doing a while ago. Mukhang natapos na nga niya eh. I heard him head over to me.

"Hindi ganyan. Magkakaroon tayo ng net loss kapag ganyan." He told me while looking at my work. Ugh! Hindi ko kasi forte to diba?! Di ko nga alam kung pano ako nakapasa dito dati eh!

"Eh wala naman kasi talaga akong alam dito eh!" Reklamo ko. Nagulat naman ako kasi imbis na mainis siya sa akin, he leaned over behind me. Yung position namin, I was trapped between his arms. Yung isa nakapatong sa table, yung isa nakahawak sa mouse.

Ang bango. I could even feel the heat coming from his body. Ptngna! My heart is pounding crazily! I can't even pay attention to what he is saying!

"Gets mo na ba?" He asked. Tumayo na ulit siya ng deretso. What the fvck! Di ako nakikinig!

"Ah? Uh..." Hindi na ako naka-imik. Ayokong sabihin na hindi ako nakinig pero ayoko namang magsinungaling na nagets ko kung ano man yung sinabi niya.

"I just noticed. Are you trying to woo me?" Amused, he asked me. I want to punch that grin from his face. Wala naman akong naimik din dun. I just felt blood rush through my cheeks.

"Sabi na nga ba eh." He smirked and took out his phone. May tinawagan siya. Halata sa pag-uusap nila na si Henry ang tinawagan niya. Aba! Pwede naman pala niyang tawagan si Henry at ipagawa yun eh! Tapos ifafax na lang ni Henry yung file!

"Dapat kanina mo pa ginawa yun. Pinahirapan mo pa ako." I complained. He was still smirking at me. Ang sarap tadtarin nung mukha!!!

"Relax! Gusto ko lang kasi makasiguro." Yun lang sinabi niya. Bwiset! I just faced the computer and sent all the files to Henry. Bigla naman dinabog ni Apollo yung mga kamay niya sa table, trapping me again between his arms.

"You know, you've got to try harder than that." He whispered to my ear. Ptngna!! Grabeh ha!! Ang assuming niya!! Pero kasi naman! Totoo naman din! Pero ganun ba kahalata yung ginagawa ko?! I mean, wala pa nga yun eh!

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon