72%

67 2 0
                                    

Scylla

Ugh!! Ugggghhhh!! Yung, yung feeling ko?! Why?! Yung puso ko! Ever since nung nasabi ko sa kanya yung totoo, my heart just wouldn't stop pounding.

If I were to compare it, para akong lalaking naghintay sa isang babaeng taken na hanggang sa magkatuluyan sila in the end. Weird feeling! Grabeh!

Pero that doesn't change the fact that I am still physically weak. Nilalagnat pa rin ako tapos baradong ilong. I hate myself.

Naririnig kong nag-uusap sila ni Cybele while I was cooking. Ganun pa rin siya. Mahilig pa rin sa bata. Mukhang magaling din siyang mag-alaga ng bata since wala pang angal ang lumalabas kay Cybele since nung nagsimula silang mag-usap.

Nang maubos ni Cybele yung soya milk niya, Apollo told her that she should drink water after kaya tumayo siya papunta dito sa may kitchen para kumuha ng isang basong tubig. Nasa likod ko pa naman ngayon yung ref.

I ignored his presence at nagluto lang. Biglang umikot yung paningin ko at sumakit yung ulo ko. Fvck.

〽️〽️〽️〽

Apollo

Bago pa ako makakuha ng tubig sa ref, muntik nang bumagsak si Scylla. Good thing I was there to catch her.

She straightened herself. Halatang she's in pain. Mukhang sumasakit yung ulo niya't nahihilo pa siya. Hinipo ko yung leeg at noo niya. Mainit. Mas mataas kesa kanina.

"Mukhang tumaas yung lagnat mo. You should rest. Ako na bahala." I told her. She nodded at nung lalakad na siya papuntang room niya ulit, mukhang bibigay na lang siya bigla. I just carried her instead. Kinumutan ko na lang siya at bumalik sa kusina para ituloy ang pagluluto.

Somehow, nakasurvive naman ako. Napakain ko si Cybele tapos I also fed Scylla. Binantayan ko lang buong araw si Cybele. Ayaw kasi ni Scylla na mag-isa yung anak niya kaya she asked me the favor.

So hindi tuloy yung sleepover pero prepared ako. At least, kung magoovernight man ako, meron na akong mga gamit na dala.

〽️〽️〽️〽

Scylla

Nagluto na rin si Apollo ng dinner at nagpresentang magsestay na muna siya for the night. May mga dala naman daw siyang gamit na pangovernight naman daw talaga.

I feel weaker than I was before. Mukhang tumaas pa ata yung lagnat ko. Aaaayyyyy nako! I think its best for Cybele to not come close to me. Baka mahawaan ko siya neto.

"Scylla?" I heard Apollo come in. Nakatalikod pa naman ako sa pinto. All scrunched up in a ball. Maginaw eh.

"Tumaas pa lalo yung lagnat mo! Teka lang." He said as he checked my temperature. Lumabas naman siya ng kwarto. Pagbalik niya, may dala na siyang maliit na basin at bimpo.

Pinunas-punasan na lang niya ako ng malamig na tubig. He's trying to cool me down. Sa sobrang sarap nung pagpupunas niya ng malamig na tubig, I found myself falling alseep.

〽️〽️〽️〽

Apollo

Paggising ko, nakayuko na ako sa may kama ni Scylla. May nakakumot na sa akin at wala na rin si Scylla sa kama. Nasan na siya? Baka mabinat siya kapag nagpagod siya agad.

I went out of her room and saw her cooking breakfast. She smiled at me.

"Hindi ka na nilalagnat?" I asked her.

"Hindi na. Paggising ko, I was feeling good already." She told me while preparing the food on a plate.

"Tara. Tatawagin ko lang si Cybele." She told me and went to Cybele's room. Pagbalik niya, kumain na kami.

I like the feeling. Yung kumakain ka kasama niya at kasama ng batang tinuring mo na iyo. Its like we're a family already. And I get to feel that way again after three years.

After naming kumain, nagpaalam na ako na kailangan ko nang umalis. May mga kailangan pa kasi akong asikasuhin na thesis. Malapit na rin magprelims kaya kailangan ko na rin magstart ng pagrereview.

〽️〽️〽️〽

Scylla

Pagkaalis ni Apollo, agad namang tumawag si Faye. Tili ang ipinangbungad sa akin pagsagot ko eh!

"Argh! Ang sakit sa tenga!" Sinigaw ko sa kanya.

"Ay! Sorry na! Oh ano? Kamusta naman kayong dalawa?" Sabi na nga ba! Siya kasi yung inutusan kong sabihan si Apollo na cancelled yung sleepover eh!

"We're fine. Malinaw na lahat." I briefly replied. Yun lang naman talaga yung pinaka description sa nangyari eh.

"And?" She waited for a continuation.

"And what?" Ano pa bang gusto niya???

"Hindi mo ba siya babalikan? Hindi niyo ba itatry ulit? Ayaw mo bang gawin niyong official na kayo?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Gusto naman, Faye, kaso baka masaktan ko lang ulit siya. This is better for now. Kilala mo naman ako. All I ever did was hurt him." I told her.

"Yun nga!! Kaya nga this is the time to set things right! Try mong lambingin. Alam mo naman na kahinaan niya diba?" She asked me. Alam ko ba?

"I don't think so. Yun lang ata ang di ko nalaman sa kan--" she cut me off.

"Gaga ka ba?! Ikaw! Ikaw ang kahinaan niya?! Jusko! Anyone can see that! Ang obvious kaya!" She lectured.

"Ako?! Eh ano namang pwede kong gawin?! Alam mo namang wala akong lambing sa katawan!" I asked her for any clue.

"Hmmm. Ano bang madali sayo? Lumambing o magseduce? I think it'll be the same in your case." Payo niya. Seduce?!!! Hmmm... Magaling ako dun. Yun actually ang secret weapon ko sa mga bagay bagay tulad ng pagpapalusot ganun!

Pero ang balikan si Apollo? I don't know if I can. Sabi ko nga diba, hindi ako malambing na tao. Sa babae, syempre, given na yun, malambing ako. Pero sa lalaki, never pa akong naging malambing. Kahit nga kay papa, hindi ako talaga malambing eh.

Maybe I can start tomorrow. Lagi naman kaming nagmimeet tuwing uwian sa CSC office eh. I can start by helping him more often o kaya timplahan ko siya ng kape? Or should I take Faye's advice on being a bit seductive towards him?

Aaarrgghh!!  Parang ang awkward naman kung seductive ako sa kanya. Alam naman niyang hindi ako ganun, normally, sa kanya. Ughksidbdhsheu!!! Pano ba toooo!!!!

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon