Scylla
*ACHHIOUU*
I sneezed as I got off my horse. Ang saya! Grabeh! Iba talaga ang feeling ng nagdadrive ng sasakyan sa nagpapatakbo ng kabayo. You have to be considerate and kind to your horse. May buhay din naman sila.
Kinontrata ko na yung mga tao na isang buwan akong dadalaw dito at yung kabayong sinakyan ko kanina ang lagi kong sasakyan. They were all so nice and friendly. Tinuruan din nila akong magpatakbo. Practice na lang daw ako sa tuwing sasakay ako.
Yinaya na ako ni Apollo na maglunch na sa SM. Gutom na daw kasi siya eh. Edi dun kami sa SM Baguio! Syempre walang aircon. Open na open lang ang SM Baguio. Pano kaya kapag may nagnakaw dito? Ahahaha XD Me and my curious mind!
Habang kumakain kami, mukhang sarap na sarap naman si Apollo, habang ako parang wala akong malasahan. Haaaayyyy. Barado na yung ilong ko. Wala na! Ayan na! Domino effect na yan! Baka bukas o mamaya, inuubo na ako tapos lalagnatin na!
"Barado na ilong mo? Gusto mong gamot?" He asked in between his meal. Umiling na lang ako. As much as possible, wag munang maggagamot, natural remedies muna. Kapag di tumalab, tsaka maggagamot.
"Suit yourself." He told me. Talaga! Hay nako... Wait... Ugh! Between the two of us, ako ang pinakasakitin. :'(
〽〽〽〽
Apollo
"I told you! Dapat naggamot ka na. Tamo nangyari sayo!" Sinermonan ko siya habang on the way na kami pabalik ng hotel. Pati jacket ko nakasuot na sa kanya. Kasi! Di pa um-oo dun sa offer kong gamot kaninang lunch! Di tuloy kami matutuloy sa haunted tour sa diplomat hotel mamayang gabi! Linagnat kasi amp--!
She just sniffed and coughed. Parang umiiyak din siya. Haaaayyy. Ako pa ang nagmukhang masama. She gets emotional when she's sick. Kapag napagsasabihan, umiiyak agad.
〽〽〽〽
Pagdating namin sa room, pinahiga ko na agad siya sa kama. Kinumutan ko na rin siya. Ang nipis nung kumot. Baka di siya mainitan neto.
"I'll just buy dinner and medicine for us. I'll be back." Paalam ko sa kanya at umalis saglit.
Bumili ako ng pandesal. Naghanap talaga ako ng pandesal ng ganitong oras! Pag may sakit kasi yun, pandesal ang gusto niyang kainin tsaka goto. Dalawang goto na para sa akin din. Dumaan din akong mercury para sa gamot niya.
I'm on my way back to the hotel now.
Ano bang nangyayari? Ano bang ginagawa ko? Ang best friend ko, yung best friend kong nahulog na yung loob ko, Yung babaeng pinakakinasusuklaman ko dahil sa hindi nga niya ako binigyan ng sapat na rason para hindi na siya mahalin, kasama ko ngayon sa Baguio. Just the two of us in one hotel room. And I'm even taking care of her. What's wrong with me?!
Ako ata ang may sakit eh? Ako yung may saltik at kailangan nang dalin sa mental!
Pagbalik ko, she was really cold. Nakatalukbong pa siya pero she was curled into a small space. Halatang ginaw na ginaw siya. Mas lumalamig kasi kapag gabi eh. Lalo na't kakasimula pa lang ng sunner vacation kaya di pa talaga mainit ang panahon.
Hinaplos ko yung noo at leeg niya to check her temperature. She's still hot. She held my hand bago ko pa man tanggalin yun sa leeg niya. She placed it on her cheek and held on to it. Mukha ngang ginaw na ginaw na siya.
I've got only one thing to do right now. Hindi ko alam kung tama o mali, normal o hindi, itong gagawin ko.
I laid down beside her and embraced her. I hope she gets warm with me. Mainit pa rin kasi siya eh. Sana hindi nalamigan yung katawan ko kanina paglabas ko para sana mainitan siya kahit papano.
Why do you still have such an impact on me. Yung simpleng haplos mo lang sa akin, grabeh na yung tinitibok ng puso ko. Ngayon nga lang na niyayakap kita, baka atakihin na ako sa puso dahil sa sobrang bilis ng pagtibok neto eh.
Bakit ka ba ganyan? Why are you everywhere? Bakit kahit san man ako mapunta nakikita kita? Nagkikita na lang tayo bigla?
Haaaayyy.. Medyo nakakaantok rin ah! Feeling ko, maya-maya lang, tulog na rin ako neto...
〽〽〽〽
Scylla
Paggising ko, mabigat pa rin yung feeling pero mukhang bumaba na yung lagnat ko. May kitchen yung room na binook ni papa... Dun ko din narinig na may ginagawa si Apollo. I went to check.
"What the fvck is happening?" I asked in shock. Pagkakita ko kasi, ang kalat! Nakakaloka!
"I got hungry." Nahihiya niyang sinabi. Hay nako! As always! He can never live alone! Kaya nakakagulat na nandito siya sa Baguio, mag-isa.
"Ako na nga." I blankly said and took over.
"Wag na, baka tumaas na naman lagnat mo. Ako pa sisihin mo!" Inis niyang sinabi. Ugh! Walang makakapigil sa akin!
"Just stop! Mas tataas ang lagnat ko kung iinisin mo ako!" Naiinis ko na ring sinabi. I urged him to just sit. He did sit. Dun sa stool chair sa counter shelf.
Nagsaing ako at naggisa lang ng meat at vegetables. Pantawid gutom lang para ngayong gabi.
〽〽〽〽
Apollo
Nothing has changed. She is still the one who helps and teach me on these kinds of stuff. From high school, she has always introduced me to so many things I wouldn't have tried if it wasn't for her.
Gisa lang to pero masarap. She has that touch kapag dating sa pagkain. She tries to explore simple but extraordinary things. Just like her dad, simple at practical sa buhay, pero nandyan pa rin yung mga pangarap nila na extraordinary.
I still remember that she wanted so many careers in her life. To many to even achieve for one person. Hanggang ngayon kaya, ganun pa rin?
〽〽〽〽
Scylla
"So san ka magcocollege?" Tanong ni Apollo habang kumakain.
"Syempre sa dream university ko." I blankly answered. Medyo natigilan naman siya at nagulat.
"So hindi ka talaga susuko kahit na pangatlong beses mo na yun kung sakasakali?" He asked. He was confused. Bakit?! Masama ba?!
"Eh kung sa hindi ako madaling sumuko." Masungit kong sinabi sa kanya. Porket siya! Unang exam pa lang nakapasa na siya! Bakit ako?! Di ba ako pwedeng magtry ng magtry?!
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...