22%

86 4 0
                                    

Scylla

"Bwisit!" Nabulong ko sa sarili ko habang papuntang gate. Ang sakit lalo ng ulo ko! Pagtingin ko, si Apollo lang pala. Hindi ko maiwasang maging moody tuloy.

"You better get ready." Pabalang niyang sinabi sa akin. Aba! Makautos ah! Pinapasok ko na lang siya at naligo na ako. Dahil sa wala na ako sa mood, kung ano na lang yung maisuot.

"Saan mo ba ako balak dalin?" Pagsusungit ko sa kanya habang nilolock ko na yung gate ng bahay ko.

"Last date. I want to spend my last day in junior high with my best friend." Sincere niyang sinabi. Medyo natouch naman ako sa sinabi niya. Nawala rin yung inis na nafifeel ko.

〽〽〽〽

Nang nakapark na kami, bumaba na agad ako at naglakad papuntang entrance, pinigilan ako ni Apollo by holding my wrist.

"Bakit?" Gulat kong tanong.

"You... Y-you have a stain." Turo niya sa may pwetan ko. He blushed a little. Pero... Tngna!! Natagusan ako?! Sa mall pa?! Bakit?!!!!! I strated to panic. Wala akong dalang extrang damit, wala akong dalang pad! Ano ba namang buhay to!

"Here, wear this until your in the bathroom and buy some pads from the dispenser." Sabay bigay ng limang piso tapos tinakpan niya ng jacket ko yung bewang ko.

"Eh hindi naman pwedeng ganito, baka malagyan din yung jacket?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"After you put on some pads, wait for me here." Utos niya. Buti pati yung driver niya mabait din.

After kong maglagay ng pad at naghintay, dumating na siya na may hawak na shorts. Binigay niya sa akin at nagpalit na ako sa CR. Medyo ok na.

"Thank you." Nahihiya kong sinabi paglabas ng CR. Kahiya!

"It's fine! After all, you are my best friend, right?" Pabiro niyang tanong.

"Ano ka ba?! Daig mo pa nga ang boyfriend sa ginawa mo eh!" I complimented him.

"Well what are friends for?" Medyo nagblush siya sa sinabi ko kaya parang triny niyang imanipulate yung topic. Successful naman siya. Narealize ko kasi na parang sinasabi kong parang boyfriend lang ang peg niya pagdating sa akin eh.

〽〽〽〽

Lakad-lakad lang. Tingin-tingin. Yun lang ginagawa namin. Maya-maya pa'y nagyaya siyang manood ng movie. Naghiwalay kami, siya bibili ng movie ticket, ako sa pagkain. Mas mahaba pa yung pila nung pagkain kaysa sa ticket -_- .

After ko, may sumunod na na mga pumila, grupo ng mga lalaki. Mukhang mga college based on what I could hear from their conversation. Ang kukulit nga lang nila. Nagbubulungan sila minsan, di kasi halata na ako yung pinag-uusapan nila diba?! -_-

"Ikaw na nga!"
"Eh! Kayo na!"

"Ikaw na nga!" Tulak nila dun sa kasama nila at tinamaan ako. Ptngna! Ang kulit ha! Why won't they act their age?! Lumingon ako ng masamang tingin sa likod.

"Sorry, miss, uh..." Linahad niya yung kamay niya for a shake. Eh?! So ganun pala yun! Ok, gets ko na kung bakit sila nagtutulakan. I gave him a plastic smile.

"It's ok, pero sorry din kasi--"

"She's mine." Singit bigla ni Apollo sabay hawi ng kamay niya sa bewang ko. Bumalik yung lalaki sa mga kasama niya na mukhang natakot. Height kasi ni Apollo pang foreigner talaga eh. 5'9 at 16 years old. Kaloka noh! 5'5 nga lang ako eh. Kulang pa pang miss universe.

Tumalikod na kami para bumili na ng pagkain. Hindi pa rin niya tinatanggal yung kamay niya. Nung makalayo na kami, dumistansya na siya sa akin. WHOO! Nakahinga rin! Di ko kasi alam gagawin ko sa mga panahon na ganun kalapit ang mga lalaki sa akin eh, except kay Louie. Parang kapatid ko lang kasi siya.

"You should've ignored them. They might do something if you threaten them." Kalmado niyang sinabi. Hindi naman yun yung problema ko eh... Yung kamay mo ang problema ko!

Nakarating na kami sa sine tapos pinauna na niya ako sa paglalakad. Umupo ako dun sa pinakaharap at pinakagitna. Yun yung pinakamagandang lugar at anggulo eh.

〽〽〽〽

After nung movie, nagyaya naman akong kumain. Nagugutom pa rin kasi ako eh. Onting popcorn lang kasi kinain ko sa sine. Eh bigla ba naman niya akong ayain ng kakagising lang?!

"San mo gusto?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko naman na feel niya yung kinakain niya. Nakakahiya naman na lafang lang ako ng lafang tapos siya naloloka siya sa kinakain ko.

"Anywhere you want." Kalmado pa rin niyang sagot. He even smiled. Napakabait talaga neto! Kaya nagtataka ako minsan kung paanong hindi siya nabibiktima ng panloloko eh?

"Yoshinoya?" Tanong ko. Parang tokyo tokyo pero may gyudon! <3 !!!

"Ok. I like it there too." Gulat niyang sinabi. Ooooohhh! Gusto rin pala niya dun! Japanese food quality pero affordable yung price! Kaya napakasarap dun eh!

"Yay!" Parang bata kong naisigaw. Walang hiya ako eh noh?! Nasa loob kami ng mall tapos naggiginanito ako XD.

Kumain kami at nag-usap na rin. Iba talaga! Ang saya saya talaga kapag kasama ko siya. Siya yung tipo na ang gaan kausap. Kahit ano pwede mong sabihin sa kanya. Kahit sikreto mo pwede, alam ko naman kasing katiwa-tiwala naman siya eh.

"Apollo... Sana after two years, you'll stay the same." Naisambit ko. He looked doubtful.

"What are you talking about! Of course I'll stay the same. I'm the one who should be saying that to you." Sabi niya na pabiro.

"Hoy! Kailan pa ako nagbago?! Eh lagi naman akong baliw at maganda at the same time?!" Pagbibiro ko... Pero totoo naman eh XD. Tiningnan niya ako ng masama. XD Sorry na! Pagbigyan na!

"Fine." Sabi niya. Normal na yung ganung mga reactions sa mga jokes na katulad na binitawan ko XD.

Pero mamimiss ko to most of all. Yung mga araw na naggagala kaming dalawa. Mamimiss ko yung mga trip namin. Minsan nangtitrip pa nga kami ng mga mukhang estudyante eh.

Paano kaya after two years? Tatangkad pa kaya siya? Gagwapo? Magbabago kaya siya? Magiging mas playboy kaya siya?

Eto yung mga tanong na magiinspire sa akin na habulin ko ang UST. Kasama na rin si Keydee at Lorraine. Silang tatlong kaibigan ko. At sana makita pa namin si Anne Sherin, Louie, at Faye.

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon