Scylla
I know its too early. Kakagraduate ko pa lang ng senior high. Its summer at after ng wedding tsaka lalabas ang results ng USTET at UPCAT. Ang daming moments na mangyayari sa buhay ko just this week.
〽️〽️〽️〽
Apollo
I was there. It tore me apart watching her get married. Inimagine kong ako talaga ang makakasama niya eh. Pero ngayon, nakikita ko siyang iba ang kasama niya sa altar.
Hindi ko pa rin matanggap yung sinabi ni tito. Kulang eh. That kind of explanation was too vague for me. There is a deeper reason for her marrying Wright.
〽️〽️〽️〽
After the wedding, sumunod na rin ako sa reception. Masquarade was the theme kaya no one can recognize me. Ininvite ako ni tito kaya ako nakapasok. Walang ibang nakakaalam na nandito ako.
Pinapakilala ako ni tito bilang isang business client at the moment na naggate crash lang. Ang ayos ng pakilala eh noh?
Lagi kong katable si tito para iwas sa mga kaibigan namin ni Scylla. Delikado kasi. Sa tinagal-tagal na ba naming magkakaibigan, imposibleng hindi nila ako makilala.
Nakikita ko sila ni Wright. They're just talking. Yung tipong parang may sarili silang mundo at walang pinakikinggang iba. Yung conversation lang talaga nila yung pinagtutuunan nila ng pansin.
"Relax, hijo." Tapik ni tito sa balikat ko. Napansin niyang nag-iinit na ako. I'm actually beginning to get frustrated. Yung feeling na gusto ko nang magwala dito.
Finally, Scylla excused herself from their table. I excused myself too. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero I had to do it. Kailangan kong malaman yung dahilan niya kung bakit niya ginagawa to.
〽️〽️〽️〽
Scylla
Papunta na sana akong CR ng biglang may humablot sa akin ng malakas. Nagulat ako at napangiwi.
"Why?" He violently pushed me against the wall. A-apollo...
"A-apollo? A-anong, pa-pa-pano mo nalaman?" Nauutal kong tanong dahil sa gulat.
"Hindi na importante yun. What I want to know is WHY DID YOU FVCKING MARRY HIM?!" Galit na galit niyang tanong.
"I HAD TO!" Pasigaw ko nang sinagot yung tanong niya as tears started to fall from my eyes.
"You had to o pinilit ka ng magaling momg nanay?!! Sabihin mo yung totoo Scylla?!" He was so mad. He must've been hurting. Nasaktan ko na naman ba siya?
"Hindi, Apollo, hindi...." I sobbed. Halos kwelyuhan na niya ako sa sobrang galit niya. Nasasaktan ako na kailangan kong magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Pero mas nasasaktan ako para kay Apollo. Plinano kong hindi niya malaman ang lahat, pero eto na eh. Alam na niya.
"Eh ano Scylla?!! Sabihin mo sa akin, anong dahilan?!!" Naluluha na rin si Apollo.
"Kasi kailangan! K-kasi..." I'm about to make the biggest mistake and lie. At kay Apollo ko pa talaga kailangan sabihin to.
"Kasi mahal ko siya." Tinanggal na niya yung mga kamay niya sa braso ko at napaatras. Wala na lang akong nagawa kundi umiyak sa kasinungalingan ko.
Sinong linoloko mo Scylla?! Si Apollo ba talaga o ang sarili mo?! Ang g@go mo! Ang tanga tanga mo!
"I'm sorry..." I managed to say kahit na humahagulgol na ako. Ngayon ko lang ulit nakitang umiyak ng ganyan si Apollo. Mas masakit pala ngayon.
"No. Don't. Ako dapat. Pinipilit ko kasi ang sarili ko na mahalin mo ako kahit hindi naman pwede. Congrats." Mabilis siyang umalis. What have I done?
After a while may nakakita na sa akin.
"Scylla, oh my god! Ok ka lang?" Dali-dali akong inasikaso ni Lorraine. Kasama din niya si Faye. Umiling na lang ako. Wala akong magawa kundi umiyak na lang ng umiyak.
"Tara." Yaya bigla ni Faye sa aming dalawa ni Lorraine. We both looked at her, confused. Inalalayan na lang ako ni Lorraine as Faye lead the way.
Dinala kami ni Faye sa rooftop ng hotel. Sobrang taas nung hotel kaya kita mo ang lahat.
"Now, let's chat." Panimula ni Faye habang kumukuha ng mauuupuan. I told her everything. Pero yung chat, seryosong chat sa CP yun kasi hindi nila ako maiintindihan kapag nagsasalita ako habang humahagulgol eh.
"Kung ganun, isigaw mo kung anong daat momg gawin." Utos niya. Isigaw? We both looked at Faye, confused.
"Oh bakit? Hindi mo pa rin ba alam kung anong dapat mong gawin?" She asked. After all I've told her.... Meron akong narealize....
"APOLLO!!!! MAHAL NA KITA!!! MAMAHALIN KITA!!!" I shouted kahit na umiiyak ako. Nanlaki lang ang mga mata ni Lorraine habang ngumiti naman na si Faye.
"Ayaaaan. Ba't kasi ngayon mo lang inamin eh!" Sarcastic na nag-iinis na sinabi ni Faye.
Mahal ko si Apollo... Mahal na mahal. Pero kailangan kong gawin to para kay Wright. Kailangan ko siyang pakasalan no matter what.
I made a promise. Hindi ko pwedeng sirain yung pangako ko sa kanya.
"Pero, Faye, ano naman kung mahal niya si Apollo, kasal na sila ni Wright eh?" Lorraine asked.
"Kasi alam niya." I realized this just now. Naibulong ko lang tuloy.
"What? Excuse me?" Tanong ni Lorraine. Hindi niya ata narinig.
"Kasi alam ni Faye ang dahilan kung bakit ako nagpakasal." I repeated. Napatingin lang kami pareho kay Faye na nakangiti.
"Pano mo nalaman?" I asked Faye.
"Alam mo naman. I get around easily. Nalaman ko nung nakasalubong ko si Wright sa ospital nung nagpahealth record kami. Saktong nahagip ng mata ko yung records niya eh." Kwento niya.
"Health record? Wait, don't tell me? Pinakasalan mo si Wright dahil lang sinasabi niyang may sakit siya ha?" Tanong ni Lorraine sa akin.
"Seryoso to Raine." Singit ni Faye.
"Congenital heart disease. And its getting worse. After ng wedding, kailangan na siyang iconfine kasi any moment, baka bigla siyang bumigay." I briefly explained. Mukhang nagulat naman si Lorraine sa nalaman niya. They both looked at me with concern.
"Hindi natin alam kung anong pwede mangyari, pero we hope for the best. Kung kailangan mo kami, we're right here." Sinabi ni Faye and they both held my hands tightly.
We stayed there for a while. My friends are the family I never had. That's why I'm so lucky to have them.
I'm also lucky to have everyone who has a connection to me right now. Kahit si Apollo. I promise to set things right.... Sa tamang panahon.
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...