33%

60 1 0
                                    

Apollo

"Baby you light up mah world like nobody else!" Please make it stop!!! Ano bang nagawa ko for this to happen to me?!

She just kept singing and singing every song on the radio!! I can't make her shut the fvck up!! It's driving me crazy!

I pulled over. Buti na lang at sa tapat na ng condo where I live. But Scylla wouldn't stop singing! I swear I'm gonna!

I carried her out of the car and into the condo.

"Good evening po sir Apollo! Girlfriend niyo po?" Manong guard greeted me.

"Uh, no. She's my best friend. Nalasing and I don't know where her apartment is kaya dito ko na lang siya dinala." I briefly explained. Baka kung ano pang isipin ni manong eh.

"Ganun po ba? Edi tulungan ko na po kayo." He hurried to the elevator and entered. The building guard is so nice. And to think that he has a family but only works as a security guard breaks my heart. He deserves more.

"Sir, kung di niyo po mamasamain, bakit po sa dami po ng mga babae na dinala niyo po sa unit niyo, siya lang po ang sinabi niyong best friend niyo po?" Tanong ni manong. Yeah. I always told him na the girls I've been bringing into my unit were my girlfriends. But not Scylla.

"Eh manong, she really is my best friend. Well, was. We've grown apart in such a short period of time, to the point na hindi ko na siya kilala gaano." I got a bit sentimental. Wow! I never knew I really had a side like that.

"Alam mo sir, minsan sa sarili lang natin naiisip yan eh. Sa tagal na di na natin sila nakakasama akala natin nagbago na sila. Kailangan lang natin ulit magreach out sa kanila." He sincerly adviced me.

Pagdating namin sa floor ng unit ko, manong helped me open the door to my unit.

"Thanks manong. For everything." I told him. Tumango siya and closed my door with a smile.

〽〽〽〽

I dropped her on my couch. She just kept on moving like a drunk girl.

"What do I do with you." I murmured. What do I do... Well, she reaked so she needs to be changed. How do I do that? Hmmm...

〽〽〽〽

Scylla

"Hrrrrmmmhh!!" I stretched. Ang lambot naman. Ang lamig lamig pa. Maliwanag na rin... Maliwanag? Teka? Madilim dapat ang kwarto ko kapag tulog ako ah!

I opened my eyes and everything is different. Hindi ko to kama. Hindi ko to kwarto. Hindi ko to bahay!!! O_O

Pagtayo ko, I noticed na hindi na rin eto yung damit ko. Basketball shorts, and a white shirt. What the fvck is happening? Hindi ito bahay ng kung sino man sa banda!! Nakidnap na ba ako?!

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Apollo na topless na nagluluto. O_O bahay to ni Apollo?!!!!!

"Eat and then go home. Hindi rin ako ang nagbihis sayo. I have a neighbor, she's 15 and I asked her a favor to change your clothes." He told me like he doesn't care. Yung tipong para hindi na ako magtatatanong ng kung ano-ano.

Just like he said, kumain na lang ako at hindi pa rin kami nag-uusap. Kung alam ko lang! Dapat pala dinala ko na lang sasakyan ko!! Yes! May sasakyan na ako. Kaso nga lang second hand kaya medyo hindi pa maganda.

Nagligpit lang ako ng gamit. Linabhan rin pala ni Apollo yung damit ko kagabi para pag-aalis na ako, may isusuot ako pauwi.

"Thank you." Yun yung sinabi ko bago niya ako sarahan ng pinto. Haaaayyy.. Parang hindi ko na siya kilala. Ineexpect ko pa naman na sa una lang kami magkaka-ilangan. Yun pala hindi talaga kami mag-uusap.

〽〽〽〽

I came home. Nagulat na lang ako na nandun si Jett sa labas ng apartment ko.

"San ka natulog? San ka nanggaling?" He asked me habang binubuksan ko na yung gate at pinto ng apartment ko. Ok! Medyo kanya kasi yung bahay na to eh! Makapasok naman kasi siya eh!

"Alam mo bang nag-alala ako sayo!" He started to shout at me.

"Jett! Pwede ba!" Nasigawan ko siya. I calmed myself down.

"Sorry. Sa condo ako ni Apollo natulog, at no! Walang nangyari. I'm just upset with him." I explained. Kumalma na rin naman siya. I lunged at my couch. Umupo din si Jett sa tabi ko.

"Anong nangyari?" Tanong niya.

"Hindi niya ako kinausap. Parang wala kaming pinagsamahan. Yung parang hindi kami naging magbest friend." I camly told him.

He patted my back. He stood up and left. Thanks! Just what I needed. Space...

Bakit ang bilis niyang magbago? Bakit parang wala na kaming pinagsamahan? Ayoko na! Kung ayaw niya, fine! Hindi ko na siya kakausapin din. Hindi ko na siya ichachat pa. At lalong hindi ko na siya kaibigan. Just like how I treat the people I know in school, ganun ko na din siya itatrato. Parang isang stranger lang.

Who cares kung makapasa man akong UST o hindi?! Itatry ko dun, hindi dahil sa kanya. Gusto ko nang pumasok ng UST para malaman niya na wala rin kaming pinagkaiba! Tngna niya!

〽〽〽〽

Second sem na. Ang bilis din naman ng panahon! Yung tipong dadating na yung last year ng senior high.

Tinakpan ko na rin lahat ng bawal sa school. Nagpakulay na ulit ako ng black sa buhok. Tinanggal ko yung mga piercings ko, at buti hindi kita sa uniform yung tattoo ko.

Kailangan na kasing makapasa kaya kailangan maging anghel muna XD.

"Scylla!" Sigaw ni Ken. Tumakbo siya patungo sa akin at hingal na hingal.

"Oh?! Bakit?" Gulat kong tinanong sa kanya. Baka bigla na lang tong bumulagta sa kakapusan ng hininga ah!

"May kailangan tayong pag-usapan, buong banda." Sabi niya sabay hila sa akin papuntang mess hall. Pagdating namin dun, nandun ang buong banda at may isang grupo ng mga babae din dun.

"She's really good. Oh! Eto na pala siya eh! Ate Din, Scylla. Scylla, my sister, Ate Din." Pakilala ni Ken sa amin. May tatlo pang kasama yung ate niya eh.

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon