18%

75 2 0
                                    

Scylla

Malapit nang matapos ang school year pero hindi ko alam kung handa na nga ba akong matapos tong tear na to. Huling taon ko na dito. Huling beses ko na rin makikita yung mga taong nakasama ko dito. Kung magkita man kami, hindi na kumpleto.

Pero kahit na ganun, wala naman talaga akong magagawa. Ganun talaga ang buhay eh. Pero bago ko problemahin yun, dapat problemahin ko pa pala muna kung makakapasa ako or not sa UST.

Haaaayyyyy. If I know, babagsak ako dun. Kaya nga nag-apply din ako sa STI eh, since grades 11&12 ready daw sila! Sabay pa sila ng pagrerelease ng results kaya talagang nandun yung kaba!

Nag-rereview na kami para sa exam. Last day of exams na rin naman kasi kaya lubos-lubusin na. Pagkatapos ng exam, practice na ng CommEx. Kahit certificate lang naman ang ibibigay! -_-

〽〽〽〽

"We'll see our results together?" Biglang tanong ni Apollo after kong makalabas ng classroom. Pag tapos na kasi, pwede na daw umuwi para di madisturb yung mga nag-eexam pa.

"Anong results?" Nagtataka kong tanong. Yun ba naman kasi ang bungad sa akin diba?!

"Results for our entrance exam at UST." Sagot niya sa tanong ko. Jusko! Ano ba?!

"Wag na. Kasama ko si Papa eh. Titingnan din niya." Pagsisinungaling ko. Pero teka!

"Kailan mo ba titingnan yung sayo?" Tanong ko. Baka magkita pa kami at mahuli niya ako eh.

"I'll just see my results at home, through their site." Paalam niya. Ahhhh. So para makaiwas, check ko na lang sa net? Pero pano sa STI? So kailangan ko pa rin palang umalis. Oh di ganun na nga lang!

Ayokong sabay kaming tingnan yung results namin kasi alam ko naman nakapag nalaman ni Apollo na nakapasa siya at ako hindi, baka magback-out siya ng dahil sa akin. Ayoko naman ng ganun noh! Baka patayin ako ng konsensya ko! Tsaka UST na yun oh! Tatanggihan pa ba niya?!

〽〽〽〽

After ng exam, magkakaroon ng practice para sa CommEx namin. Whole day siya at araw-araw pa hanggang sa mismong araw na ng CommEx. Mas mauuna tuloy yung results bago kami magCommEx -_- . pano yan!!! Kailangan kong gumawa ng kwento!!!

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon