26%

89 3 3
                                    

Scylla

Two and a half months came by quickly. Grade 11 na ako. This school year, everything is going to change, whether I like it or not. Wala na ang mga taong matagal ko nang nakasama.

Wala na sila Keydee, Lorraine, Apollo, Anne Sherina, Faye, Louie. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako ng wala sila.

First day na first day, ang lungkot-lungkot ko. Grabeh! Kung nagpaawat man lang kasi kahit isa sa kanila diba?! Di sana ako nag-iisa ngayon.

Habang tinitingnan ko yung class ko may biglang umakbay sa akin na parang close kami. Pagtingin ko, si Jett. Lumapit pa yung mga kabanda niya sa akin. They all smiled at me.

"Uh????? Anong meron?" Nagtataka kong tanong sa kanila.

"Well, since wala ka nang mga kasama, nagdecide kami na kukupkupin ka na lang namin." Sabi ni Jett.

"Uh, bakit?" Yun na lang ang nasabi ko kahit ang daming tanong ang nagfoform sa utak ko.

"Anong bakit? Tinatanong ba kung bakit nagiging magkakaibigan ang mga tao? Hindi mo ba nafeel na nagclick tayo?" And by tayo, he was pertaining to me and his band. Well, masaya silang kasama, sobra! Ang saya nung practice namin nung para sa CommEx dati.

"Hindi ba parang weird naman na ako lang ang babae sa inyo?" Tanong ko. Awakward nga kasi ako kapag puro lalaki ang kasama ko. Iniiwasan kasi ng mga lalaki na ilabas yung kanilang sexual humor kapag may babae kaya ayun! Di nila alam ganun lang din ako mag-isip eh. XD

"No. Ok ka namang kasama eh." Sambit mung drummer. Ay nako! Isang araw ko silang nakasama dati, nalimutan ko agad mga pangalan nila! Maganda yan Scylla!

"Uhm, nakakahiya, pero, ano nga ulit mga pangalan niyo?" Nahihiya kong tinanong. Bigla naman silang lumayo at nalungkot.

"Sakit ah! Kinalimutan mo na agad kami ng ganon-ganon lang." Sabi nung nagbebass sabay hawak sa dibdib niya.

"Ken." Sabi nung nagdadrums. Ah! Oo nga! Siya si Ken!

"Mit, short for--"

"Emmit." Ako na ang nagtapos ng sasabihin niya. Natatandaan ko na isa-isa. Si Mit ang guitarist-slash-keyboardist nila

"And si Mon, short for ano nga ulit?" Tanong ko sa kanya. Siya ang bass.

"Ramon." Sagot niya sa tanong ko. Ayan! Natatandaan ko na ulit yung mga pangalan nila. Maganda yan Scylla! Kalimutan mo ulit ha!

"Oh, ok na ba?" Tanong ni Jett sa akin.

"Eh pano yun? Pag magpapractice kayo o kaya mag performance kayo? Ako lang ang maleleft-out?" Tanong ko. Syempre kilala na sila sa school dahil sa performance nila nung CommEx.

Imposible naman na wala na silang susunod na performance diba?! Irerequest na sila lagi ng school kapag may special occassion. Kapag nangyari yun, loner ako ng mga panahon na yun.

"Ha? Being friends with us means kasali ka na rin sa banda." Jett said in as-a-matter-of-fact tone. WEEEEH!!!

"EH?! Eh hindi naman ako magaling kumanta. Marunong ako maggitara pero hindi kasing galing niyo. Wala na akong maitutulong noh!" Baka kasi napipilitan lang silang isali ako eh.

"Ano ka ba?! Magaling ka naman kumanta eh. And kailangan din namin ng papalit sa isa sa amin kapag busy yung isa." Sabi ni Jett.

"Huh? Eh gitara nga lang ang kaya ko. Tapos siguro onting bass dahil halos pareho lang naman sila ng gitara." Hindi naman ako magaling sa keyboard at di rin ako marunong sa drums lalo.

"Edi tuturuan ka na lang namin! Problema ba yun?!" Sabi ni Ken. Eh kasi naman! Di ako masyadong talented ok?!

"Eh pano kung di ako matuto?" Pabalang kong tanong.

"Kaya mo! Alam naman naming, sa lahat ng subjects, kahit anong may kinalaman sa music and arts, kayang kaya mong ipasa." Kinindatan pa ako ni Jett. Totoo naman eh. Mahal na mahal ko ang musika at ang sining nito. Pero ang magperform sa harap ng madaming tao?! Nako! Jusko! Ibang usapan na yun!

"O-oh sige. Basta wag niyo akong sisisihin kapag hindi maganda ang kalalabasan ng mga performances niyo ah!" Pagpapaalala ko sa kanila. They all promised to help me learn and adjust to them. They are all nice people.

"Ok lang ba sayo na maging kaibigan mo kami? I mean, wala bang magagalit even if you're around guys?" Tanong ni Ken. Huh?

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong.

"Eh kasiiiiii. Baka may boyfriend na magalit o magselos sa amin kahit wala naman dapat ikaselos?" Inosenteng tanong ulit niya.

"Nako! Wala noh! NBSB to noh! Tsaka kung iniisip niyo si Apollo, wala yun! Best friends lang kami." I assured them. Lumalove life na ewan lang ako eh. Ayoko pa naman kasing magka boyfriend hangga't hindi pa ako legally an adult.

"Edi pwede tayong gumawa ng mga gimmicks at choreo on stage?!" Tuwang-tuwang sinigaw ni Mit. Gimmicks?!

"Panong gimmicks?" Nagtataka kong tanong.

"Alam mo na! Mga pakulo. Since may mga babaeng nanunuod, magandang pakiligin namin sila. Sa mga lalaki naman, ikaw na bahal dun! Para dumami yung fans natin diba?!" Naisigaw ni Mon. Whuuuuuut?!

"In short, magpapakadaring ako?!" Paninigurado kong tanong.

"Oo." Sabay-sabay nilang sagot sa tanong ko. Napanganga naman ako sa sagot nila. Seryoso ba sila?!

"Imposible namang papayag ang school dun!" I stated. Buti hindi papayag ang school sa mga ganun! Thank you!

"Sinabi ba naming sa school lang kami nagpeperform?" Sarcastic na tanong ni Mit. Napanganga na naman ako.

"Guys! Alam niyo namang kaya ko lang manamit ng daring pero hindi ang umasal. Imposibleng kaya kong maging total performer noh." Sabi ko. Totoo naman eh! Kaya ko lang manamit ng ganun pero hindi ang mag-asal malandi o kaya flirty.

"Alam mo! Mas ok nga yung ganung babae eh. Mas type ng mga lalaki ang hard-to-get. Diba Jett?" Ewan ko kung compliment ba ni Mit yun sa akin o pang-aasar para kay Jett. Pero di pa rin ako sure kung kaya ko yun.

"Teka lang! Kailan ba ang mga gigs niyo?" Tanong ko. Para mapaghandaan ko in advance yung araw na yun.

"Every Saturday. Padis point sa Marikina at Philcoa. Alternate." Maiksing sagot ni Mon. Wow! Padis Point talaga! Sosyal na sila ah! Umaasenso na ang banda nila!

"Grabeh! Nakakapagperform na kayo sa Padis Point?! Pano kayo nagkagig nang ganun kalaki?!" Manghang-mangha kong tanong sa kanila.

"Diskarte lang yan!" Sigaw ni Mit. 90.7 Love Radio lang ang peg?! XD

"Well sige. Try ko." Yun na lang ang nasabi ko. Yun lang naman ang kaya kong gawin eh. Ang magtry.

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon