Scylla
"Nakabalik ka na pala! Ba't di mo man lang kami ininform?" Masaya niyang bungad agad sa akin.
Umiling lang ako at nagshrug. Ayoko siyang sagutin ng deretso. Hindi ko pa kayang makipag-usap sa kahit kanino ngayon.
"Uh, sige Jett, una na ako." Paalam ko at naglakad na palabas ng dorm.
"Sandali. Sama na ako. Mukhang pareho lang naman yung pupuntahan natin eh. 7/11?" Tanong niya. Tumango na lang ako.
Habang naglalakad, he tried opening up conversations pero sinasagot ko siya lagi ng tipid. I kept ending our conversation. Sabi ko nga diba, ayoko muna ng makaka-usap.
Bumili na ako ng supply ng pagkain na good for three days. Binayaran ko lang at lumabas na ako ng 7/11.
"Scylla! Sandali!" Habol ni Jett sa akin. Dala na rin niya yung mga pinamili niya. Nung nakalapit na siya sa akin, hinablot niya yung kamay ko at derederetso na siyang naglakad habang kinakaladkad ako.
"J-jett?" Yun lang ang nasabi ko. Wala talaga ako sa huwisyo. Nakabik kami sa dorm. Pero imbis na umakyat kami at pumasok sa dorm, dun kami sa baba, sa isang bench dun.
"Sit." Sabi niya. Sinunod ko na lang siya. Ako nakaupo na, siya nakatayo. Nakaharap at nakayuko sa akin.
"What exactly happened? Anong nangyari sayo sa Baguio?" Kalmado niyang tinanong. Umiling ako. Ayokong sabihin sa kanya kasi alam kong masasaktan siya eh. Alam kong may nararamdaman siya sa akin na higit pa sa kaibigan. Pero ako, bilang kaibigan niya, ayoko siyang paasahin at saktan.
"Scylla, sa tingin mo ba maloloko mo ko?! Kilala kita. Alam kong alam mo na hindi mo yan maitatago sa akin. Now speak up." Sermon niya sa akin. I sighed.
"Fine. I was with Apollo. Buong buwan na nasa Baguio kami, we spent every single day together. Coincidence nga ba? Ewan ko. Pero huli na nung nalaman kong nagbago na siya. Kung kailan uuwi na ako, tsaka ko nakita yung tunay niyang ugali. Nasaktan ako sa nakita ko, Jett! Yung best friend ko, ang tingin lang pala niya sa akin ay isang napakadaling babae na kayang kaya niyang makuha. Ang tingin lang kasi niya sa akin ay parang isang babaeng pwede mong iwan, pwede balikan tapos pwede mo ulit iwan... Ang sakit sakit lang Jett. Parang hindi niya ako tinuring na best friend all this time. Parang wala lang sa kanya yung pinagsamahan namin." I cried. Hindi ko na napigilang umiyak at humagugol. Sobrang sakit kasi.
He sat beside me. He let out a sigh at nanahimik lang saglit.
"Let me tell you a story-slash-outlook." Panimula niya. Ako umiiyak pa rin sa tabi niya.
"Nung high school, I never really noticed you. Akala ko kasi di kita malevel eh. Yung nasa taas ka, tapos ako nasa baba lang." Huh? Ba't naman ganun na naman yung tingin niya?
"Tapos nung prom, napansin ko na tulad ng iba, you really dressed up for the night. Tapos nakita ko pa yung reaction mo dun sa pagkuha ko nung huling lava cake. Mukhang wala ka namang arte sa katawan at hindi ka tulad ng ibang mga babae. Hindi ikaw yung tipong sobrang taas na mahirap abutin. Hindi ka rin naman yung sobrang baba na kahit kanino lang sumasama... You were the perfect girl." Napatingin ako sa kanya. I was what?
"Kaya kahit anong sabihin ng ibang babae, hindi nila maaalis yung fact na lahat ng lalaki, mahuhulog at mahuhulog sa ugali mo. You were different. Nakakainlove yung ugali at yung presensya mo, hindi lang yung ganda mo." Dagdag puri pa niya.
"Kahit ngayon alam ko ko namang wala akong pag-asa. Kasi hanggang kaibigan lang din ang tingin mo sa akin. Siguro katulad ni Wright ang bagsak ko. Friendzone. Pero eto ang pinagkaiba namin... I will never leave your side. Mananatili akong kaibigan mo." He promised me.
"At gusto ko lang sabihin sayo na may isang bagay na hindi mo alam na kaya mong gawin. Kaya mong magmahal, Scylla. Matagal mo na ngang nagawa eh. Hindi mo lang kayang aminin sa sarili mo na nagmamahal ka na pala." Sabi niya sabay tayo. Naglakad na siya palayo at umakyat na para pumasok na sa dorm.
He left me alone on this bench. Nagmahal na ako...... Nagmahal na nga ba talaga ako??? Totoo ba yung sinabi niya?? Kung ganun sino?? Sino ang posible kong minahal??
Sa isang tulad ko na hindi marunong magmahal. Sa isang tulad ko na hindi alam kung pano magmahal at kung ano ang feeling. Parang imposible naman ata. Kaya kong magmahal, oo. Magmahal ng kaibigan at pamilya. Pero ang significanynt other, hindi ko alam kung kaya ko.
〽〽〽〽
I've got a great idea. Magpakulay ng buhok. Magpakulay para itago ang kalungkutan ko. Ayokong makita pa ng ibang tao na nawalan ako. Nawalan ako ng napaka importanteng taobsa buhay ko. Nawalan ako ng best friend.
I need to look unlovable. Kailangan kong maging hindi lapitin ng lalaki. Di ko na kakayanin pa ang maligawan na naman ng lalaki. Tulad nga ng sinabi ko, imposible para sa akin ang mainlove. Una, hindi ko alam ang 'love'. Hindi ko alam ang feeling at itsura ng paggiging inlove. Pangalawa, ayokong kaibigan ko na naman ang mafall sa akin. Hindi ko na kakayaning mawalan pa na naman ulit ng kaibigan.
Others might not agree with me with this change, but I'm doing it not just for me.. But for everyone and anyone na dadaan sa buhay ko.
Di ko kakayaning makasagabal na naman ng isa pang payapang buhay. Yung dati kasing di naman kapansin-pansin na Scylla, gumagawa na ng gulo at ingay ngayon. Hindi ko na rin kilala ang sarili ko.
Nagbago na rin pala ako. Kung magbabago ako, dapat yung hindi na makakaapekto sa ibang tao. Edi gawin ang dapat kong gawin.
I need to look like I'm living my life to the fullest. Didistansya na sa tukso, kalalakihan, at kung ano mang mga opportunities na aagaw ng atensyon ng ibang tao.
Kailangan its either ikauunlad ng buhay ko pero walang kinalaman sa ibang tao o kaya ikauunlad ng ibang tao at hindi magbibigay ng atensyon sa akin.
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...