Scylla
"Kapagod!" Bulong ko sa sarili ko pagkadating ko sa basement ng building namin. Wala namang tao eh. Nasa gym kasi kami nagpapractice, eh ang init! Tapos simula 7am, hanggang ngayong mga 10:30, nagpapractice kami!!
"Ganun ba?" May sumagot sa akin. Hala! May tao?! Napalingon tuloy ako sa likod ko. Si Jett pala.
"Narinig mo pala ako." Sambit ko at tumawa onti. Medyo nakakahiya ah! Kausap ko kasi sarili ko diba?!
"San ka pupunta." Tanong niya habang papalapit sa akin.
"Sa CR lang." Sabi ko. Sakto naman na tumigil na siya sa harap ko. Tamang distance lang naman kami sa isa't isa. Bigla naman niyang hinawakan yung wrist ko. He gently pulled me to the stairs leading to the facade.
"San mo ko dadalin?" Nagtataka kong tanong habang hinihila niya ako.
"Basta." Tipid niyang sagot.
Nagtuloy-tuloy kami hanggang sa parking. Pinilit niya akong sumakay ng sasakyan habang wala pa yung guard na nagbabantay sa parking.
"Magcucutting tayo?!" Naisigaw ko pagpasok ng sasakyan.
"Oo." Sagot niya. Geh! Maganda yan ah!
"Ayoko! Jett. Ibaba mo na lang ako." Pakiusap ko sa kanya. Mukhang siya ang nagdadrive ng sarili niyang sasakyan. Kailan kaya siya natutong magdrive?
"Ano ka ba! Makakagraduate ka naman kahit na magcutting ka ngayon eh. Practice lang naman na yung ginagawa nila. Itry mo kaya. Hula ko, niisang beses di ka pa nagcutting noh?" He teased. Hindi ko alam kung ano bang dapat gawin. Hindi ko na lang siya sinagot at hinayaan siya.
Nagdrive lang siya. Dumaan kaming EDSA tapos magpark sa isang parking building. Hinila niya ako papuntang MRT station. Huh? Hindi ba pwede ang sasakyan niya sa pupuntahan namin? Nag-aabang na kami sa pagdating ng MRT.
"Bakit tayo mageMRT?" Tanong ko habang naghihintay.
"Kasi mas mabilis eh. Matatraffic tayo kapag sasakyan ko. Tsaka pag nahuli pa tayo, malalaman na minor pa ako at walang lisensya." Pag-eexplain niya.
"Oooohh. Pero saan nga ba tayo pupunta?" Curious na talaga ako. Hindi naman ako natatakot sa kanya eh. Mabilis kasi akong magtiwala sa mga taong may nagawa na para sa akin.
"MOA." Tipid niyang sagot. MOA.... Wait! MOA?! Ang layo! Hindi ba kami gabihin?
"Uh, pwedeng wag na lang. Ang layo kasi eh. Baka gabihin tayo, alam mo na." I tried to persuade him.
"Loosen up. Ihahatid naman kita in one piece sa inyo kaya relax ka lang. Tsaka nagpaalam naman ako sa Dad mo through call. Kahapon lang." Bigla niyang binanggit... Si Papa? Pinayagan ako?! Anong klaseng sentence construction ang ginawa niya para mapapayag si Papa?!!
"Paano-"
"Shh! Tama na ang kakatanong, ok?" Singit niya sa akin. Madami ba akong tanong masyado?
Pagdating ng MRT, nakasakay naman kami ng matiwasay, hindi naman kasi rush hour kaya maluwag. Pagkatapos, jeep. Ayun na! MOA na!
Ano namang gagawin namin dito? Eh wala akong dalang cash. Wala akong dalang phone. Pano pag may gusto akong bilin?
"Tara." Hinila niya ako papuntang dept. store. Kumuha agad siya ng joggers at pinasukat sa akin. Kasya naman kaya lumabas ako para ipakita sa kanya. Problema niya sa suot ko?
"Ok na. Susuotin na po." Sinabi niya sa employee. Susuotin ko na? Bakit? Pangit ba yung suot ko? Ano nga bang gagawin namin?
"Bakit?" Tanong ko.
"Basta. Malalaman mo rin." Sagot niya habang inaabot yung card niya. Ayan na naman! Ang dami ko nang libreng mga gamit ah!! Nakakamatay na yung konsensya ko!!!
〽〽〽〽
Kaya pala pinagjoggers niya ako....... Mag siskating pala kami. Eh hindi ako marunong! Pero tuturuan daw niya ako. Good luck na lang sa kanya diba?! Pero seryoso, gusto ko talagang matutong magskate.
"Ommo, ommo, OMMO!" Nasisigaw ko habang nagbabalance sa rink. Kakatry ko pa lang kasi. Afterwards, nasanay rin ako at nagstroll-stroll na lang.
"Uy." Bigla niya akong kiniliti sa tagiliran ko. Ptngna! Nawala tuloy ako sa balance at mapapaupo na sana kaso nasalo niya ako at tinayo ulit. Natigil ako sa ginawa niya.
Sinalo niya ako sa bewang ko....
The fvck?!!! Tapos lumayo na siya sa akin na tumatawa.
"Oh ano? Hanggang diyan ka lang ba?" Mapang-asar niyang tanong. Bumibilis na naman ata puso ko ah. Umiling na lang ako at triny ko ulit magskate papunta sa direksyon niya.
Ay shete!! Ang bagal ko kasi diba?! 48 years bago makarating sa kung saan man siya nakatayo. Mukhang natatagalan na siya sa akin eh. Lumapit siya at tinuruan ako ng tamang pagpadyak.
Mabilis naman akong matuto kaya nagets ko agad. He then pulled me at magskate na kami. Habulan more likely.
"Kuya!" May tumawag. Napalingon kami sa isang babae sa opening ng rink. Sinong tinatawag niya?
"Kuya! Eto na ako oh!" Sigaw niya ulit at lumapit dun sa babae. Sumunod na rin ako sa kanya.
"Scylla, kapatid ko. Den, si Scylla." Pakilala niya sa amin nung nakalapit na ako. May dalang DSLR yung kapatid niya. Nakasabit sa leeg kaya imposibleng di ko mapansin diba?!
"Alam mo naman ang gagawin mo kaya go ka lang ha." Paalala niya sa kapatid niya at lumayo na rin kami. At katulad ng ginagawa namin kanina, ganun pa rin.
Kaso biglang fail! Nadulas ako ng bonggang bongga!! Pwet ko ang unang nahulog. Pero tulad kanina, nandun siya para saluhin ako. WTF?!!! Kanina pa niya ako sinasalo sa tuwing nahuhulog ako ah?!
"Ok ka lang?" Tanong niya. Tumango na lang ako. Teka....
"Bakit mo ko kanina pa sinasalo?" Tanong ko sa kanya. Mukhang may alam kasi siya eh.
"Kasi yung back injury mo? Yung apat na beses nang bumagsak? Tama ba?" Di rin siya sigurado, pero alam niya. Yung tail bone ata or pelvic bone sa likod. Basta! Yung taas ng pwet na buto yung masakit kaya di na ako pwedeng matumba sa pwet. Napupwersa yung buto, masakit. Tapos hindi rin ako pumupuntang ospital simula pa lang kaya walang therapy theraping nangyari sa akin.
Since then, di na ako pwede ng ibang mga exercises. Limitadong limitado na talaga ang mga pwede kong gawin. Eto nga lang eh. Hirap ng hindi tumutumba.
"Pano mo naman nalaman?" Tanong ko sa kanya. Kasi kokonti lang nakakaalam nun eh.
"I have my ways." Sabi niya ng nakangiti ng nakakaloko. WTF?! Ang gwapo niya kapag nakangiti! Nakakabaliw!
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...