Scylla
"Chorva chorva chenes! Salutatorian!"
Haaaayyy nako!!! Sinabi na ngang ayokong umattend netong graduation na to eh!! Lalo lang nitong pinaparamdam na next school year pa lang ako gagraduate!! Parang ang tagal pa tuloy lalo sa akin!!
"Apollo Daryl Soriano! Valedictorian!"
Oh geh! Pamukha mo pa sa akin ah! Wag kang mag-alala! Sa batch ko! Hmp! Valrdictorian din ako. Makikita mo!
Cybele started crying. I rocked her and tried to calm her down. Medyo um-ok naman na siya.Cybele Fama Mendez. Ang anak ko. Hindi ko binigay sa kanya ang apilido ng ama niya kasi ni-minsan, di na siya nagpakita talaga sa akin. He even deleted his accounts online. Lahat! As in parang wala nang Wright na nabubuhay.
"Young mom. Mukhang maagang lumandi. Pero ba't kaya nandito yan? Di naman mukhang dito nag-aaral?" I overheard some students talking behind me.
"Malay mo, ang nakabuntis sa kanya is si ***** the big cootie!" Tapos nagtawanan sila. Who the fvck is that? And by cootie, ibig sabihin ang pangit pa nun!
Ugh! Pasalamat kayo! Dala ko anak ko, kundi! Nako! Baka hindi na kayo nasilayan ng araw. Nasa front pack ko si Cybele. She looks relaxed. Ako din. Kasi at least naka front pack ako. Di na mangangalay yung arms ko. Tsaka sayang naman ang damit ko kung di rin naman makikita ng mga tao kahit sa likod at sides man lang. [See photo for outfit]
"Hindi rin siguro imposible. Mukha namang malandi eh. Damit pa lang. Partida, may anak nang dala." Ok sige! Isa pa!! Makikipag-away na talaga ako sa mga to!!
After ng recieving of diplomas, nagspeech lang ang mga school heads at yung salutatorian, tapos natapos din!!!! Sa wakas!!! Mas gusto ko pang umuwi na lang at magluto kaysa ganito! Kawawa din si Cybele. Ang ingay-ingay kasi!!! Natabi pa kami talaga sa speaker!!! Sabog naman ang sounds. Kainis!
Lahat na ng graduates, lumapit na sa mga family na kasama nila. Nga pala, kaya ako ang kasama ni Apollo, dahil nasa ibang bansa ang parents niya dahil sa isang meeting with some clients. Naintindihan naman ni Apollo kaya imbis na pigilan niya at magalit siya sa parents niya, siya pa ang nagpapatuloy sa kanila.
Lumapit na sa akin ni Apollo na sobrang ngiting-ngiti. Gulat naman nung mga babaeng nasa likod ko. Oh!! Ano ngayon!! Kanina lang eh, pinapangarap niyo si Apollo, ngayon at abot kamay niyo na, di na kayo makagalaw?! Hmp! Mga pvta!!
"Can we go? Kanina pa kasi ako nanggagalaiti sa mga malalanding to." I whispered to him with my eyes wide open.
"Relax. Magpicture muna tayo tapos ipapakilala kita sa mga friends ko then we'll go." Pamimilit niya sa akin.
Sinundan ko siya at sakto naman na lumapit sa kanya yung mga kaibigan niya. Hindi ko sila nakilala nung buntis ako kasi baka lang daw kung anong rumor ang kumalat tungkol sa kanya eh.
"Pare, best friend ko, si Scylla. And this!" Kinarga niya si Cybele at iniharap sa kanila.
"Let me guess, anak mo?" One of them asked.
"Actually, anak niya. Inaanak ko." He introduced.
"Akala ko nakadisgrasya ka na eh! Ahahahahaha! Di kasi malayong mangyari!" They all laughed. Natawa din ako.
"Nakakatawa." He said blankly.
"Ok! Siya si Steve, the hunk, basketball team captain. Si Bert naman, the lover boy. Stick to one na ngayon, and her girlfriend Zyril. Si Jeff naman, the gayman. Wala kasing girlfriend kaya we all think he's gay..." Binatukan naman siya ni Jeff. G@go kasi tong si Apollo magbiro. XDXD
"... Si Mitch naman, si masungit yan. Masungit na mapusok." Binatukan din siya. Mukhang magkakaugali naman pala silang lahat! XDXD
"Can I hold him?" Tanong ni Zyril. I nodded and removed the straps of the frontpack para maipahawak ko sa kanya si Cybele.
"So ilan taon na siya?" Tanong ni Steve. Feb 14 pinanganak si Cybele eh. Galing diba? Sumakto talaga sa valentines day yung birthday niya.
"A month, and three weeks. Next week, 2 months na siya." I told them all.
"Where's her dad?" Tanong ni Mitch. Oh yes! I get that question a lot! Lalo na kapag nalaman na nila na hindi si Apollo ang ama niya.
"Uh, we don't like talking about it." Apollo answered for me.
"Sorry." Mitch apologized. Apollo just nodded at him.
"Uhm, so san kayo kakain? Baka pwede sabay na tayong lahat?" Tanong ni Jeff. Halatang iniba niya yung topic dahil sa huling tanong ni Mitch.
"That's good. Pero hindi ba't kasama niyo mga families niyo?" Tanong ko. Hindi naman siguro posible na lahat sila wala ang mga families dito sa pilipinas diba?!
"Actually, napag-usapan na naming lahat na icelebrate ang araw na to with the group kaya nagpaalam na kami sa families namin." Jeff informed me.
"Let's go." Yaya na ni Apollo sa aming lahat. So starting right now, OP na ako. Mga magkakaibigan na tong nga to eh. Eh ako? Si Apollo lang ang kilala ko sa kanila.
〽️〽️〽️〽
While eating, busy na lang ako sa pagpapakain din sa anak ko. Imbis na sa dinner table ako, nasa CR ako. Ang hirap kaya magpabreastfeed sa labas ng ganito ang suot ko.
Onti na lang, makakalabas at ako naman ang makakakain. Sandali na lang. Mukhang malapit na rin naman mabusog si Cybele ko eh.
〽️〽️〽️〽
Habang inaayos ko na yung damit ko pati si Cybele, kumatok si Apollo sa door.
"Scylla, you should eat now.." He told me from the door. Sinundo pa ako, kahiya naman! XDXD
"Yeah. Susunod na ako." Sabi ko as I wiped Cybele's mouth. Pagbalik ko, everyone was enjoying themselves.
Sila nagkwentuhan ng kung ano ano habang ako naman, kumain lang at nakitawa na lang. Dinner ended like that at we all bid goodbye to each other.
"Awkward na awkward ka kanina ah. Ngayon lang ukit kitang nakitang ganun." Pang-aasar niya habang nagdadrive na pauwi.
"Panong hindi?! Eh may anak ako, mga kasing-edad ko sila at mga freshgrad na. Habang ako, eto! I just! I'm not normal." I broke down. I think this is somewhat a phase na pinagdadaanan ng mga new moms tulad ko.
"Hey. Don't cry. Makakahabol ka rin naman. I'm here, Cybele's here. Nandito lang kami. And I promise I'll wait for you." He kept me calm and assured. Lagi siyang ganyan ever since nung bunti ako. Syempre kailangan niyang mag-adjust dahil sa mood swings at breakdowns ko.
I'm still messed up. Minsan naiisip ko pa rin yung mga bagay na hindi ko naman dapat pinoproblema. Minsan nga, umiiyak na lang ako sa kwarto o kaya sa isang tabi. It's really hard.
Yung tipong may kakaiba ka na ngang hormonial balance dahil teenager ka pa, lalo pang mababaliw yung hormones mo dahil buntis ka. It's fvcking hard.
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...