Scylla
Saturday... Prom... Nako! Ano bang nangyayari sa akin?! Hindi naman ako kinakabahan sa mga ganitong mga events eh! Ba't biglang kumakabog puso ko ngayon?!
Inayusan ako ng tita ko na make-up artist ng isang artista kaya maganda ang pagkakaayos sa akin. Tinulungan din niya akong mamili ng dress. At dahil expert na siya, may alam siyang heraman ng dresses ng mga artista. Oh diba?! Bongga!!
Ihahatid ako ni Papa ngayon dahil nga hindi naman ako pwedeng magcommute ng nakagown diba?!
"Pag uuwi ka na, tawagan mo na lang ako, ok? Sige ingat." Paalam ni Papa at umuwi na siya.
7-12 kasi ang prom namin. Alangan namang 5 hours maghihintay dito si Papa eh may mga paperworks pa siyang kailangan asikasuhin.
Pumasok na ako sa events hall namin. Medyo madami nang tao kaya ok na ako. Kampante ako na nandito na ang buong tropa. Medyo weird and awkward nga lang kasi madaming tumitingin. Bakit kaya???
"Scylla!" Sigaw ni Louie. Nakita ko naman sila agad ng mga kaklase niya. May assigned tables kasi kami eh. Bawat table ay may tatlong excess seats para sa mga outsiders. Kinamusta ko lang si Louie tsaka yung mga kaklase niya. Mga naging kaibigan ko naman silang lahat eh. Dati kasi akong taga ibang section tapos napunta sa cream kaya karamihan sa kanila kilala at mga naging kaibigan ko.
Hinanap ko na yung table na nakaassign sa amin. Sakto namang nakita ko si Anne Sherina na kumakaway sa akin. Sa wakas! Nahanap ko din sila!
"Wow! Ang bongga mo teh! San mo naman nakuha yang dress mo? Grabeh ha! Di ko tinetake!" Sabi ni Lorraine. Maka becky language eh noh XD.
"JUSKO! Di mo ko mapapaganyan!" Comment ni Anne Sherina. Ayaw niya kasi ng mga damit na masyadong flashy o showy eh. Ako kasi, ineencourage lang ako ni Papa, at dati, ni Mama na magsuot ng mga damit na nagpapakita ng skin. Maganda naman daw kasi kutis ko. Ayun! Parang liberated tuloy ang dating ko sa mga to XD.
"Ah! Nga pala! Si Tina, last minute date ni Apollo." Turo ni Keydee. Tina?! Paglingon ko kay Apollo at sa katabi niya. Tina?! Tina as in yung best friend ni Wright na si Tina?! Siya nga!
"Yeah. Kilala ko siya." Yun na lang nasabi ko sa kanila. Baka kasi ipakilala pa nila kami sa isa't isa eh. Umupo na lang ako sa huling vacant seat... Sa tabi ni Apollo. Great?!
"You look really amazing tonight." Bulong ni Apollo kasi medyo malakas yung music. Sincere nung pagkakasabi ah! Pero malay ko ba kung sinabi na niya kay Tina yun?! Ugh!
"Tara, sayaw tayo." Yaya ni Tina kay Apollo. Tumango lang si Apollo at sumunod na sa pagtayo.
Ewan ko ba! Parang nagiinit na naman ako. Parang kumukulo yung tiyan ko tapos umiiral na naman yung pagigibg short tempered ko!
Hay nako! Relax! Wala ka namang kaaway?! Ba't ka ba nagkakaganyan?! Makakain na nga lang para mawala na tong BV na to!
Habang namimili at kumukuha ng mga pagkain sa buffet, nakakita ako ng cup ng lava cake. LAVA CAKE!!!!!!!! Ptngna bilisan niyong maglakad!!!!!! Mauubusan na ako oh!!!!
Akin na sana yung last cup kaso may biglang nagovertake sa akin at kinuha yun eh. Magrereklamo sana ako kaso napansin ko kung sino yung kumuha eh... Si Jett Simion. Yes, Simion talaga apilido niya. Walang typo dun.
Sige na nga! Sayo na yang Lava cake! Bwiset! Kabilang kasi siya sa mga transferees dati na di ko na naabutan kasi never na akong napunta sa ibang section kaya ayun! Di ko siya kaclose. Di ko rin tuloy siya pwedeng kausapin. Ang FC ko naman kung kakausapin ko siya diba?!
Pero aaminin ko... Nalungkot ako nung kinuha niya yung Lava Cake na dapat akin na!!!!! :''''''(
Pero wala naman akong magagawa. Naghanap na lang ako ng ibang dessert na available pa... Nakakaiyak!!! Yung lava cake lang ang gusto ko na nakahain na desserts!! :'''''''(
"Oh." Nagulat ako na inaabot ni Jett yung Lava Cake sa akin. Nagtataka naman ako.
"Uh, hindi. Ok lang. Nakuha mo na eh." I refused. Haaaaaayyyyy!! Ba't ba ang bait mo masyado Scylla?! Ayan na oh?! Tinanggihan mo pa! Tsaka gwapo na ang nag-aabot oh! Ba't hindi mo kinuha?!
"Hindi! Siningitan lang kita kaya nakuha ko eh, sige na kunin mo na." Pagiinsist niya.
"Ehe, thank you." Medyo napangiti naman ako dun! Thank you talaga! Ngayon ko lang siya nakausap at ngayon ko lang narinig ang boses niya... Mukhang mabait naman pala siya eh!
"Uh, Mendez!" Tawag niya nung medyo malayo na ako. Pagikot ko, medyo nagjog siya palapit sa akin.
"Oh?" Hindi kasi nakakahiya diba? Ang dami nung hawak kong pagkain tapos tinawag pa niya ako bago ko pa maibaba tong dalawang platong hawak ko.
"Uh, alam kong solo flight ka ngayon, pero if you don't mind... Be my date?" Tanong niya. Wala naman akong date. Ininjan pa ako ng best friend ko, so why not.
"Ok." Sagot ko sa kanya. Tinulungan din niya ako sa plates na dala ko. Siya na ang nagdala hanggang sa table ng group ko.
"Thank you." Sinabi ko sa kanya after niyang ipatong yung mga plates. At dahil may dalawa pa kaming vacant seats, pwede siyang magstay sa table namin. Inaadvice nga ng mga nakatataas na umupo na lang sa iisang table ang magkakadate eh.
"Uh, sige dito ka na umupo." I stopped him from going away. Umupo naman siya gaya ng sabi ko.
"Scylla na lang itawag mo sa akin. Ang formal naman kung apilido ko pa rin ang itawag mo sa akin eh." I insisted. Bago ko pa siya ipakilala sa tropa.
"Jett na lang din itawag mo sa akin." Sabi niya. Tumango na lang ako tapos kinuha yung atensyon ng mga kasama ko na busy sa phone o kaya sa pakikipagchikahan.
"Jett, si Lorraine, Keydee, Anne Sherina, at Faye. Tapos kilala mo din si Louie tsaka si Apollo diba?" Tanong ko. He nodded in reply. Haaaaaayyyyy. TBH, naging crush ko si Jett ng mga isang linggo nung una ko siyang nakita, pero someone made me fall inlove kaya ayun! Itchapwera si kuya! XD. You see, hindi ko naman siya naging seryosong crush eh. Nagwapuhan lang talaga ako.
"Yung totoo Scylla, anong kalandian ang sumapi sayo?" Pabirong binulong ni Faye. Baka kasi marinig ni Jett eh.
"Ano namang ibig mong sabihin?" Pabulong ko din binalik yung tanong.
"Eh kasi naman. Tinurn down mo si Wright, tapos parang may something kayo ni Apollo, pero ang date mo ngayon sa Prom ay si Jett? Anong nangyayari sayo? Tatlong lalaking magkakaiba pero mga heartthrob ang nakakasama mo. Hindi ba parang iniisa-isa mo sila?" Tanong niya. Halata sa boses niya na nag-aalala siya sa akin. Delikado nga naman kasi talaga ako sa mga babaeng umaaligid dun sa tatlo. Baka nga naman kung anong prank o type of bullying ang gawin sa akin.
"Eh hindi naman ako ang lumalapit sa kanila. Tsaka diba nga! Wala kaming something ni Apollo. Best friend ko lang siya!" Pabulong kong sinigaw pabalik kay Faye. Nagsigh lang siya. Halata pa rin na nag-aalala siya sa akin eh.
Bakit nga ba sunod-sunod silang lumalapit sa akin?! Nakakapagtaka nga naman! Di naman ako malandi. Di naman ako palakaibigan sa lalaki. Di naman ako masyadong maganda. Sakto lang. Yung tipong head turner na hindi. Sakto nga lang kasi talaga! Pero bakit?!
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...