Scylla
Surprise day!!! Nagmadali talaga kaming bumiyahe dito. Buti di pa gaanong traffic kaya nakarating kami agad at ang dami pa naming oras para magset-up.
"Alam mo, di ko talaga ineexpect na onting ayos lang yan eh!! Ibang-iba kasi naman talaga ang itsura mo!!" Di makapaniwalang sinabi ni Mit. Sabi sa inyo eh!!
Sosyal ko diba?! Boots pa ang suot ko, pero syempre huhubarin ko to kapag magdadrums na ako. Tapos nakaombre pa ang hair ko at pointed pa ang nails ko. Worth it naman pala ang pagpapahaba ng kuko eh XDXD
Para na akong pusa sa pagkapointed ng nails ko. Astig talaga! Ahahaha XD naaastigan ako sa kaweirdohan ko XD.
"Pero kung mapapansin niyo, lahat ng overall look natin ngayon ay nagmatch. Yung tipong pati sa damit parang may pinagkasunduan tayo!" Napansin ko lang eh! XD
"Well ganyan talaga. Birds of the same feather, needs to stick together. Kaya nga nasa iisang banda tayo eh." Sabi ni Mon nang tumatawa.
Natawa na lang din kami sa kanya. Mukhang tanga lang talaga toh! XDXD Mali pa yung sinabi niyang kasabihan XDXD
So nagpatuloy lang kami sa pag-aayos. Syempre dahil mostly electrical lahat ng equipments namin, prepared kami. Nagdala talaga kami ng mga extensions at pati generator.
Si Mon at Mit ang nagseset-up ng drums at mga positions namin mamaya para kita kaming lahat. Si Ken naman nagseset-up nung generator para sa mga instruments namin.
Ako? Well, nautusan lang akong magcheck ng instruments. May dala akong tuner kaya ako ang nagtotono ng gitara at bass. Nandito lang ako sa sasakyan sa likod. Bukas yung likod niya eh.
After kong magtono, pinanood ko na lang silang nagseset-up. Haaaaayyy. Matagal-tagal na rin kaming magkakabanda at tumutugtog. Hindi ko ineexpect na gagawin ko to ever in my life.
Pangarap ko lang dati na makasama sa isang banda eh. Kasama siya sa life goals ko. Kasama siya sa mga bagay na gusto kong maexperience bago ako mamatay.
"Wear this." Sabay abot sa akin ni Jett ng shirt. Ang laki! Sa kanya ata? Tinitigan ko lang.
"Akala ko ba magpakadaring ako? Ba't pinagtT-shirt mo ko?" Pagtataray ko sa kanya. Mukhang naiirita din naman siya at kumuha ng gunting. Umupo siya sa tabi ko at ginupit yung collar part, end, at sleeves nung shirt. Medyo inistretch din niya yung shirt.
"Oh!" Binigay niya ulit sa akin. Pagkatingin ko sa shirt, naging muscle shirt na siya. Galing!
"Grabeh ah! Sinayang mo yung T-shirt mo!" Sinabi ko sa kanya habang tinitingnan yung pagkakagupit niya sa shirt niya. Ang galing lang kasi ang ganda nung kinalabasan nung muscle tee.
"Ok lang, basta isuot mo." Kalmado na niyang sinabi. Edi syempre, sinuot ko. Bumagay naman dun sa suot ko.
"Sinabi lang naman naming magpakadaring ka, hindi yung magbabra't panty ka na lang!" Pabiro niyang sinabi sabay batok.
"Ano ba! Bralette at booty shorts toh! Hindi panty't bra!" I defended. Kanina pa kasi niya ipinagpipilitan na panty't bra ang suot ko.
"Ugh! Scylla, Scylla, Scylla. Ang bralette ay bra na walang wire. It's the same. Mukha lang kasing bikini yan kaya di ka nahihiya." Sinabi niya. Aba! Mas may alam pa siya tungkol sa underwear ng babae kaysa sa akin ah! Pero kung ganun... I'm wearing a bra in public?! O_O
"Fine! Edi isusuot ko na lang tong shirt mo. Sayang naman ang pagkakagupit mo kung di ko isusuot." Pagsusungit ko. Palusot na rin. Kunwari na lang na nasayangan ako sa paggupit niya kaya ko to sinuot.
"Stop being a tsundere." He chuckled at binatukan ulit ako. Aray! Ptngna! Nakakailan ka na ha! Binatukan ko rin siya ng malakas. Napa-aray din siya. Bwahahaha! I avenged myself! XDXD
〽〽〽〽
After naming magset-up, sakto na nagtext na sa akin di Keydee na matatapos pa ang klase ni Lorraine in an hour and a half. -_- uuggggggnnnnngggg. Ang tagal pa!!!
"Scylla!!" May sumigaw ng pangalan ko. Kilala ko yun ah!! Paglingon ko, sila Faye at Louie na!! Waaaahhhh!!! Tumakbo na agad ako sa kanila at hinug na silang dalawa. After naman naming maghug, pinalo ako ni Faye. Napa-aray ako.
"Ano ba naman! Medyo masakit yun ah!" I said and pouted.
"Eh kasi naman! Plano mo bang magpa-rape! Ptngna!" Naisigaw ni Louie. Natawa na lang ako pati si Faye. Minsan lang kasi magmura si Louie at sobrang nakakatawa kung magmumura nga siya XDXD.
"Sorry na! Theme kasi namin toh. Kaya ganito ang sinuot ko." I explained. Yinaya ko na sila sa may sasakyan namin. Inexplain ko na rin na sila na ang humawak sa phone ko habang nakafacetime kay Anne Sherina.
"Oh! Faye? Anong-- ah! Oo nga pala. Magkaibigan nga pala kayo." Sabi ni Mit kay Faye. Ay! Hindi ko ba nabanggit? Matagal na pala sila ni Faye. Junior High pa lang. Nagkahiwalay nga sila pero nagkabalikan ulit after some time.
"Ahahaha. Kaw ha! Kinakalimutan mo na ako! Pero, by the way, ano nang gagawin niyo ngayon? Matagal-tagal pa bago pumunta dito si Lorraine eh." Tanong ni Faye. Wait! May idea na ako.
"Ba't di tayo magperform. Street performance. Malay niyo madagdagan gigs natin at baka sumikat pa tayo?" I encouraged them all. Napilit ko naman sila at nagwarm up na.
Ang lahat ng ipeperform namin ay mga naka-ayon sa arrangement ng band na terabrite. Pakisearch na lang sa youtube XDXD. Basta ang mga kanta ay Royals, Heart Attack, Safe and Sound, at syempre dahil Christmas season, samahan na rin natin ng All I want for Christmas is You.
〽〽〽〽
After nung mga kanta, dumating na rin yung marching band na tutulong sa amin.
"Wow! Pati Christmas song nagagawa niyong rock pa rin ah!" Comment ni Faye.
"Eh yun yung gusto nila eh. Ako kahit ano naman ok lang. Pero syempre kailangan ganun ang arrangement. Sayang naman ang outfit kung hindi magmamatch diba?" Pagbibiro ko. Oo nga naman kasi, pang rocker ang outfit namin tapos magjajazz ba kami? Syempre punk/rock din dapat ang arrangements ng songs namin.
"Hindi ba malapit nang mag-out si Lorraine? Ba't di mo na tawagan si Anne Sherina?" Suggest ni Louie. Ay! Oo nga pala! Edi ginawa ko na.
"ANNE SHERINA!!!" We all shouted once she answered. Gulat naman siya. XDXD
"ANO BA?! KAILANGAN SUMIGAW?!" Pasigaw din niyang binalik sa amin. Ahahahaha XDXD. Laging ganyan! Kapag sisigaw kami, sisigaw na siya, tapos sisigaw ulit kami, hanggang sa may mapagod nang isa XDXD.
"Oh ano? Magsisimula na ba?" Tanong niya on the other line.
"Maya maya. Di pa nagtetext si Keydee kung nag-out na sila or OTW na sila eh." I explained. Willing naman din siyang maghintay kaya warm up warm up lang kami tsaka pahinga pahinga. Good luck Ken!
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...