34%

71 2 0
                                    

Scylla

Four different people, four different personalities. Ganun ang first impression ko sa mga babaeng kaharap ko. Halata naman kasi sa mga suot pa lang nila eh. [See media for their outfits]

"Hi Scylla! So akon si Ate Din. Ako ang leader ng Tribal. Banda din kami tulad niyo. And we are actually looking for a talented musician annnnd.... Naireto ka sa amin ng kapatid kong si Ken." She positively explained to me. Teka teka teka?! Ako?

"You guys are serious?!" I worriedly asked my bandmates. Malungkot naman yung mga expression na hinarap nila sa akin.

"Seryoso ba kayo? Tinatapon niyo ba ako?" I asked them. Napatingin naman sa akin ng deretso si Jett.

"Scylla, hindi naman yun ganun. Nakita kasi naming magandang opportunity to para sayo." He explained. Opportunity?!

"Opportunity, really?! Hindi ba dapat tayong lahat ang sama-samang aangat? Hindi yung ako lang!" I stated.

"Look, Scylla, dear. Hindi lang sa larangan ng musika ka namin matutulungan. Pwede ka rin kasi namin tulungan makapasok sa university namin. They told us a while ago na our university is your dream school to go to for college. Pwede ka namin tulungan dun." She offered with a sincere smile. Tumingin ulit ako sa mga kabandmates ko.

"UST. Pero pano kayo?" I asked them. Magkukulang sila ng isang member.

"Edi makikipagcollab muna kami sa mga aspiring soloists ng school. We'll get by somehow." Ken assured me. Masaya ako sa opportunity, sa chance na to. Pero malungkot ako na iiwanan ko ang Chisel.

"Anong requirements ko?" I smiled and asked ate Din. Nag-apir naman yung tatlong mga kasama niya.

"Wala naman. You just need to perform one song for us. Game ka ba?" She happily asked. I nodded.

〽〽〽〽

I played the guitar, rhythm. Ang cool kasi nung roles nila eh. Bass, drums, lead guitar, at DJ. Oh diba?! May taga mix at taga dagdag ng sound effects kapag tumutugtog sila! Sosyal talaga!

Mukhang naimpress ko naman sila at binigyan na ako ng mga papeles.

"Para san po to?" I asked. Kailangan ba ng kontrata kapag sasali ng banda?!

"Member profile lang yan. Fill-upan mo para mafile ka na namin. Every year kasi, syempre nababawasan ng nababawasan ang tribal, kaya lagi din nagrerecruit. Parang sorority/frat din siya. Except hindi namin ginagawa yung ganun. We just play music." Pageexplain ni ate Din. Si ate Din pa lang kilala ko kasi mukhang wala atang balak magpakilala yung iba unless makakasali ako sa kanila eh.

"Since part ka na ng banda, Marin, 18." Rocker na rocker ang dating niya. Maganda na, maappeal pa! At di girly ang galaw.

"Rye, 18." Ate Rye... Para siyang emo/goth pero ba't ang kulay naman ata ng suot niya para sa personality niya? Bale! Kanya-kanyang trip naman!

"Hera, 17. Same age lang tayo!" She smiled at me. Para siyang si Faye. Boyish na girly. Ano daw?! XDXD Basta! Ganun!

"Nice to meet you po." I told all of them. They were all so different from each other. Pano kaya sila nagkakasundo sa banda nila? At sorority din pala sila. Parang pamana ba ang tribal band? Anyways, ang cool lang. Astig talaga.

"Nagkikita-kita lang din kami tuwing vacant tapos kapag saturday din. Ako, si Marin, at Rye kasi magkakaklase lang din. Same lang kami ng course eh. Si Hera naman, grade 11." Sabi niya. Grabeh! Ako lang pala ang hindi nila makikita lagi kasi di naman ako UST.

"Edi saturday lang po tayo magkikita ng kumpleto. By the way, ano nga po bang course niyo?" Curious kong tanong.

"Political Science." Kalmado at maypagkamysterious na sagot ni Rye. PolSci... Are they aspiring Lawyers o politicians.

"Ano pong plano niyo after college?" I asked. I'm very curious right now.

"Ako, gusto kong maglaw. Ewan ko lang sa dalawang to." Ate Marin playfully answered. Alam ko na! She's the sporty type! Yun!

"Prosecutor ang gusto ko." Ate Rye answered in a dark manner. Emo talaga!

"Politician. Gusto ko kasing umunlad ang bansa natin eh." Ate Din answered in a sophisticated manner. Siya naman yung sophisticated na mahinhin na babae. Medyo mature din siya gumalaw.

"Ikaw, Hera. Anong academic strand ang kinuha mo?" I turned to Hera.

"STEM. Engineering kasi kukunin ko sa college eh." She answered.

"Anong branch ng engineering naman?" Medyo naging interview na kasi nila diba?! XDXD

"Electronics and Communication." She answered. Ptngna! Genius to sa math!!! O_O engineering ba naman ang kunin eh! At yung branch pa na yun talaga!!

"Grabeh! Anong best subject mo nung JHS??" Tanong ko ulit sa kanya.

"Math and Science." Nagtataka niyang sinagot yung tanong ko.

"Weeeh!! Grabeh!! Paano? Hindi ko maintindihan ang mga tulad niyong magagaling sa math? Paano niyo naiintindihan yun?" I asked. Hindi naman yun tanong na dapat sagutin kaya tumawa na lang siya.

"Ok nga ako sa math, di naman sa english at history." She pouted. Ah! Yun lang. Magkabaliktad naman kami. Mas gusto ko pang magenglish at history kaysa math! Ok lang naman ang science sa akin eh.

"Ikaw, Anong strand mo?" Tanong din ni Hera.

"HUMSS. Kasi ang gusto kong course ay Broadcast Journalism." I explained. Sabi ko nga diba more on language and history ang mas gusto kong pag-aralan.

"Eh anong career naman ang gusto mo?" Tanong ni ate Marin.

"Hmm. Madami eh. Pwedeng writer, radio announcer, newspaper journalist, o kaya news reporter." Dami diba?! Eh wala eh! Ang dami kong goals eh! Career goals nga naman!

"Kung news repoter, edi makikita ka na namin in the future sa TV?" Pang-aasar ni ate Marin sa akin. Tumawa ako ng onti.

"Di naman!" I replied. They all laughed with me.

〽〽〽〽

"Alam mo, Scylla, you're really fun to be with. We are looking forward to be doing music with you." Sabi ni ate Din. Sa buong time na magkakausap kami, parang baliktad ata sila ni ate Marin. XDXD Parang mas ok na lawyer si ate Din. Mas matatamis kasi ang pananalita niya eh. Pero syempre trip na nila yun. Malay ko ba diba?! Baka magaling talaga si ate Marin.

"Thank you din po sa chance." I sincerely thanked them and we said our goodbyes and parted ways.

So simula ngayon, member na ako ng Tribal. Mas lumaki tuloy yung chance ko na makapasok ng UST kasi sabi nila, ieendorse daw nila ako for college admission. Yes! UST here I come!

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon