79%

80 2 0
                                    

Apollo

Nagulat ako sa offer niyang kasal. Hindi ko alam kung gusto kong gawin yun. Oo, siya ang gusto kong makasama habang buhay pa ako, pero ang magpakasal tapos aalis? Parang ayoko naman ata nun.

Ang hirap kasi ng LDR eh. Ngayon pa nga lang at iniisip ko yun, nahihirapan na agad ako eh. Idagdag mo pa na priority kong makatapos bilang isang OB.

〽️〽️〽️〽

Scylla

Pansin ko na mg-iisang linggo nang aligaga na balisa na ang lalim ng iniisip ni Apollo. Simula nung sinabi ko sa kanya tungkol sa offer kong kasal.

I might have offered him something out of his priorities. Mukhang nabigla ko ata siya. Ok lang naman kung tumanggi siya eh. Pwede namang pansamantala muna naming kalimutan ang isa't isa hanggang sa makabalik na ulit siya.

〽️〽️〽️〽

Apollo

"Apollo, pwede namang magpakasal tayo at pansamantalang magkalimutan diba? I mean, you can still say you are single kapag dating mo dun sa Canada if you want, kung hindi ka pa ready." Kanina pa ako pinipilit ni Scylla na I can still live my single life once na makatapak ako sa Canada.

"Scylla, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko gagawin yun, kahit naman na hindi tayo ikasal." I tried to explain one more time. Ang kulit kulit na kasi niya. Paulit-ulit ko na lang ineexplain sa kanya, paulit-ulit din niyang sinasuggest sa akin yung ideang yun.

"Pero halata naman kasing parang hindi ka pa ready na igive up yung single life mo eh. I think I'm giving you a really big pressure." She gave me her reason for doing so.

"Listen, Scylla, kung gusto kong maging single, the why am I here at your house right now?"I asked her right away. Natahimik naman siya at di na sumagot. There, I think naiintindihan na niya.

"Now, can we just let this slide already? Besides, kung magpapakasal tayo, dapat alam ng papa mo at alam din ng parents ko." I told her. She just modded.

〽️〽️〽️〽

Isa pang reason kung bakit ako nasa bahay niya, kasi dun pupunta sila Mom at Dad pati Papa ni Scylla.

We talked to them about everything we have planned. Hindi pa sila gaanong kakumbinsido sa desisyon namin.

Well, its because we'll be far away from each other. Hindi daw madali yun. We both know that, pero we just want to be secured to each other.

And besides, after thinking about it long and hard, parang mas ok na rin palang magpakasal kami before I fly back to Canada.

Somehow, napilit namin sila. They are now into the idea. Sabi nila tutulong din daw sila sa pagpaplano ng kasal. This time, gusto nilang gawing isang grandeng kasalan ang maganap since Scylla got married before. Gusto nila, this will be her most memorable wedding.

Medyo kinabahan ako nung sinabing, gusto nilang gawing pinakamagandang kasal na matatandaan ni Scylla to. I mean, ayoko namang icompare yung kasal namin sa kasal nila ni Wright before. Respeto na lang kay Wright na inalagaan ang pinakamamahal ko when I distanced mysef from her.

〽️〽️〽️〽

Scylla

Success ang pakikipag-usap sa mga parents namin. Apollo was delighted. Sa sobrang saya, humantong kami sa bagay na hindi niyo na gugustuhing malaman. Basta sa amin na yun!

〽️〽️〽️〽

Looks like planning another wedding is not as easy as it seems. Dati kasi wala akong ginawa eh. Ngayon, dahil kasal na totohanan na talaga to, I plan to be a part of it.

Habang nasa office ako ng CSC, my shoulders were tapped. Paglingon ko, si Hera. She had a disappointed look on her face.

"Oh. Pinabibigay ni Apollo." Inabot niya ang isang bouquet ng white roses. Hahahahaha!!! Ano ka ngayon!

"Thanks." I told her and took the roses. He's gone overboard. Medyo over naman ata to.

〽️〽️〽️〽

February was over and something is really off. I don't feel the same. Parang may nagbago.

"Parang nagstop na naman ata period mo ah. Just like before, yung 10 mobths kang di dinatnan because you were still irregular." Sambit ni papa while I was washing the dishes.

"Pano mo naman nalaman yan? Kahit ako nga, di ko binibilang kung kelan ako magkakaron eh. I just let it happen." I chuckled while saying that.

"Eh kasi laging may araw sa isang buwan na papagbilhin mo ako ng pads mo diba?" He told me. Oo nga pala. I'm too busy to buy my own pads since nagsimula ang college. At kapag kasi nagkakaron ako, laging may nakahanda na si Papa. Siguro nga mas alam pa niya kung kelan ako magkakaron eh.

"Well, I might just go to a doctor then. Magpapacheck up na lang ako bukas. Wala na akong klase sa hapon eh." I told Papa.

〽️〽️〽️〽

"You are in an irregular state again Ms. Mendez." Sabi ng doctor.

"Pano? I mean, I'm 22 already. Dapat regular na ako, diba?" I asked her. Lahat naman ng tinuturo sa school, sinasabi na nagsastop ang puberty ng babae at lalaki hanggang 21 years old.

"Well, tandaan mo Ms. Mendez, you've been pregnant when you were 18. Lots of complications occur when you get pregnant at a young age." Paalala niya.

"Will I be alright?" I nervously asked.

"Based on your test results, you'll be fine. Yun nga lang, hindi natin alam kung kelan ka ulit magiging regular, and for good na this time." She informed me.

〽️〽️〽️〽

Nakakakaba yung naging condition ko pero mas ok na yun kesa sa "you're pregnant." Diba? Ano yun! Magsastop ulit ako sa pag-aaral kung kelan patapos na ako.

Paabutin niyo naman ako ng graduation ko oh! We are not going to sleep together ever again! Not even on our honeymoon just to be safe.

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon