Apollo
She really isn't a morning person. Ako lagi ang unang nagigising eh. But she might be still mad at me. Ugh! Hindi ba niya maintindihan na siya ang gumawa nun sa akin?! Na siya ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon?!
〽〽〽〽
Scylla
Paggising ko, deretso agad ako sa banyo, naligo at naggayak na rin. I don't plan to stay here all day. I don't plan to see him either. Matapos niyang mag-uwi ng babae dito?! Hay! The nerve! Ang kapal talaga ng mukha! Hindi ko ineexpect na after two years of being distant from each other, may madedevelop siyang masamang ugali.
"Oh?! San ka pupunta?" He asked nung palabas na ako ng room.
"Somewhere na wala ka." Gave him a smirk and left. To my surprise hinabol naman niya ako.
"Look, Scylla, kalimutan mo na lang yung kagabi. It was nothing." He calmly explained. Uminit na naman ulo ko!!
"Nothing huh?! Nothing lang tawag mo dun?! ang galing naman! Pano na lang kung mabuntis mo yun diba?! Nothing pa rin ba yun?!" Sermon ko sa kanya habang naglalakad papuntang elevator.
"Are you lecturing me?" He asked me, cunningly. What fvcknut!
"Hindi noh!" I went inside the elevator. He is still following me?! Hindi pa naman siya nakabihis. He's just wearing some jeans and a white shirt.
"You are lecturing me... Why? Is it because you care?" He teasingly said.
"What the fvck Apollo? Ano bang pinagsasasabi mo?" I'm sick and tired sa panunuyo niya. Hindi kasi ako yung tipong nadadaan sa pacute na panunuyo. It sickens me. Yung feeling na nakikita mo siya as pabebe lang.
"Wala naman... I just think you're jealous." He said as he leaned closer to me napa-usod naman ako sa right ko until tumama na yung balikat ko sa elevator.
Hinawakan niya yung railing nubg elevator at tinitigan lang ako ng nakasmirk. Ano?! Ano ba dapat gawin ko?!
"Hindi nga ako nagseselos!" Sabi ko sa kanya sabay labas ng elevator nung bumukas to.
Hinabol ulit niya ako at pinigilan makalabas ng hotel lobby. Anong trip neto?!
"Ano na naman ba?!" Inis ko nang dinabi sa kanya.
"Wait for me. I'll get dressed." He said. Akmang aalis na ulit sana ako. Ayoko talaga siyang makita. Naiirita talaga ako sa kanya!
Bigla na lang niya akong binuhat ng pafireman's carry. Kaloka! Talagang gagawa't gagawa siya ng paraan noh?
This reminds me of our high school days. Haaaayyyyy... We were so close back then. Ba't kasi kami nagkaganito?! Ah! I know! Because that as$hole decided to fall inlove with me!!
"Ibaba mo na ako!! Ano ba?!" Pinilit ko siyang ibaba ako pero he successfully brought me up to my hotel room.
Binaba niya ako sa kama. Yung feeling na binato ka lang sa kama. Naalog yung mga lamang-loob ko dun ah!! Grabeh!!
Pagbangon ko, he was already in his boxers, tinataas pa lang niya yung pants na isusuot niya. Tapos hinubad niya yung white shirt niya at nagsweater.
"Tara." Yaya niya. Finally! Makakaalis rin! Maiwan nga tong mokong na to?! Bwahahaha!! May evil plan na ako!
〽〽〽〽
Apollo
As I got onto my car, I noticed her car backing-up and leaving. Anak ng?!! Naisahan ako nun ah!! Ugh! Fine!
I'll just go buy some stuff for the week then come back. Tapos mamaya punta na lang akong burnham. I have a feeling she'll be there.
〽〽〽〽
Scylla
Nakatakas din sa kanya! WHOOO!
Nagmuseum hopping lang ako... Museum hopping amp! May ganun ba?! Well, ngayon meron na! Ahahaha! Baguio museum muna tapos sunod sa BenCab. I was looking at one painting when someone approached me.
"Yellow Confetti. Made by Benedicto Cabrera." Sabi nung lalaki. He looks good. Gwapo pa! Kailangan may masabi akong may sense.
"Benedecto Cabrera. BenCab. BenCab Museum was named after him?" I aksed him. He smiled at me. Aaaaeeggg!! Gosh ang gwapo talaga!!
"Yeah." He stared onto the painting again. I looked at the painting again. Thank you! Yellow Confetti! Kung ikaw man ang tadhana ko, maraming salamat sayo at biniyayaan mo ako ng gwapo!
"Gusto mong magcoffee?" Tanong ko sa kanya. Wala nang hiya-hiya noh! Kailangan ikaw na ang mauna para hindi na makawala pa si kuya! Ahahaha!
〽〽〽〽
Grabeh! Ang tagal naming nag-usap sa coffee shop! Turns out madami pala kaming similarities eh! He likes art, I like art, well music is art naman diba! He likes to watch movies too. He also loves animals! Wow! So my type!
He asked kung gusto ko ba daw na pumuntang Burnham, pumayag na lang ako. Syempre hiwalay kaming pumunta. Hello?! Dala ko po yung sasakyan ko kaya syempre! Tsaka para safe na din! Di ko pa naman siya lubos na kilala.
Pagdating namin dun, mga 6 pm na kaya medyo madilim na. We walked ang talked some more. He was really fun to be with. Sa sobrang tagal naming nag-usap, umabot na sa point na nagriring na yung phone ko.
*Go Home And Check Hotel Room* title nung alarm ko. I really need to kasi baka may kababalaghan na namang ginagawa yung mokong na yun!
"Wow. Ang tagal na pala nating nag-uusap." He said as he also noticed the time. Hinarap niya ako at medyo nanahimik kami. Wait... What the fvvvvvvvck?!!!!
He was leaning in for a kiss. Ang bilis kuya ah!! I quickly leaned back.
"Uh, sige mauna na ako." Paalam ko agad at umalis na agad. Hindi ko na hinyaang habulin niya ako kaya binilisan ko talagang makabalik sa hotel. Phew! Grabeh si Kuya ah! Di naman ako ganun! Hindi ako basta basta nagpapadala sa agos. Syempre dapat tama lang yung agos.
Pero sa tinagal-tagal naming magkasama at sa dami naming napag-usapan, I never got his name nor his number. Ang weird lang namin diba?! Hindi namin alam ang pangalan ng isa't isa pero kung mag-usap kami kala mo magkakilala kami eh! XD
Well, mukhang huling beses naman na yun na magkikita kami kaya bye bye na lang kay kuyang napakagwapo!
Nakasalubong ko naman si Apollo sa lobby pagpasok ko. He seems happy? Nakascore na naman ba to habang wala ako?! Baka ginulo nila yung kwarto ko ah?! Baka nagnakawa pa yung babae niya?! Nako! Malilintikan talaga to pag may ganun ngang nangyari!!!
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...