Scylla
As I said. His face was a perfect Macho face of a Filipino. Walang babaeng hindi mahuhulog sa charm ni Jett.
I stared some more. Gumalaw siya. Akala ko change position lang, yun pala gigising na! Nahuli niya tuloy akong nakatitig sa kanya. Hala! Anong gagawin ko?!
Nagstretch ako, kunwari kakagising ko lang din. He smiled. Ugh! Walang kawala! Bwiset! Di effective talaga ang convincing powers ko pagdating sa kanya.
"Uwi na ako." Babangon na sana ako pero pinigilan niya ako. He pulled me closer to him and kissed me.
He planted a kiss on my lips. Hindi ko siya linabanan. Pero ba't ganun. Iba yung pakiramdam nung si Apollo. Kahit na linalabanan ko siya, pinipigilan ko siya, it felt the opposite of what I was doing.
Ngayon kay Jett. It didn't feel the same. Hindi ko siya magawang matulak pero sa loob ko, ang empty, it felt really blank.
He parted and quickly stood up and walked out of the room. Ano na? Anong dapat kong gawin? Ano na ang dapat maramdaman ko? Ano nang next?
Kung iisipin, I "liked" Jett even before Apollo. Nagkacrush ako sa kanya grade 9 pa lang. Crush na nawala din dahil nga parang hindi naman talaga ako nag-eexist sa kanya. At nadivert din yung attention ko sa friends ko nun. Hindi naman kasi seryosong crush yun eh. Yung tipong literal na paghanga lang.
Humanga ako sa kanya kasi para siyang ideal guy ng maraming babae. Athletic, Gwapo, Mabait, Makulit din.
Pero ngayon. Iba ang noon sa ngayon. Gusto ko siya noon, pero kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya ngayon. Ang dami ko nang taong minahal sa buhay ko. Ang iba pa sa kanila ay natutunan ko na rin mahalin.
In time, malay ko ba?! Baka matutunan ko rin mahalin si Jett?
〽〽〽〽
Bumangon na ako. Nag-ayos tapos nagligpit na ng mga nakalabas na gamit. Lumabas na rin ako ng kwarto niya. Nakita ko siya sa couch niya agad.
"Scylla, sorry." Pamungad niya agad. Mukhang alalang-alala siya. Daig pa niya ang asawang nabalitaang manganganak na ang asawa.
"I-its fine." Kalmado kong sagot sa kanya. Its fine. Wala naman nang halaga ang mga susunod na halik na mararamdaman ko eh. My first was Apollo. That will stay in my memory and system as long as I'm alive.
"Hatid na kita. Makabawi lang ako." He offered and went ahead para ihanda na yung sasakyan. Hindi naman ako makakatanggi kung siya eh. Lalo na ngayon. Baka isipin niya na iniiwasan ko na siya dahil lang dun.
Hindi ako mababaw. Ok lang sa akin. Ang pinaka problema lang ngayon ay yung sakit na pwede namin parehong maramdaman. Hindi ko pa kasi sure kung anong klaseng relasyon ang meron kami. Hindi ko rin naman kasi din alam kung ano ang magiging takbo ng isip ko habang tumatagal.
〽〽〽〽
For me, my first kiss is the most important kiss I'll ever experience. Pero wala na eh. Naniniwala rin ako na after my first kiss, kahit sino pwede ko nang halikan, pero syempre di naman ako ganun noh!
"Thanks." Sabi ko pagdating namin sa dorm ko.
"Scylla. Sorry talaga." He said again. Ang kulit!
"Ano ba?! Sabi ko nga kanina pa diba?! Ok lang ok lang!!" Naiinis ko nang sinabi sa kanya. Ka-beast mode ha!
"Eh kasi alam kong first kiss mo yun eh!" He defended himself. Natahimik naman ako sa sinabi niya.
"Bakit? Hindi ba?" Kabado niyang tanong. I just looked him in the eye. Hindi ko kayang sabihin eh.
Napayuko siya at kumuyom yung panga niya. He seems frustrated. Dahil ba hindi siya ang first kiss ko? Did he plan this? Nevermind.
"Yeah. May nakafirst na just days before you did. Kahit ako nagulat." I opened up. Kaibigan ko naman si Jett eh.
"Sino ba?" Triny niyang kalmahin yung sarili niya pero halatang he's upset.
"Si Apollo." I honestly told him. He looked at me, shocked. Umiling na lang siya at napasinghap.
"Oh. Ganun ba. Well, kayo na ba?" Tanong niya. Halatang naiinis talaga siya.
"No. Hindi pwede eh. Kasi magbest friend kami." Tipid kong sagot. I don't want to talk about any of this.
Bumaba na rin ako ng sasakyan at dumeretso na sa dorm room ko without saying goodbye.
〽〽〽〽
I need time to relax. Kailangan kong maglibang muna... Mag-isa. Nagdecide ako na pumunta munang mall. [See photo for outfit]
Its either maganda ako o mukha akong loner kaya pinagtitinginan ako. Pero wala akong pakielam. Basta wag lang nila akong iprovoke.
Tiningnan ko yung schedule sa cinemas. Ganun pa rin, pinagtitinginan pa rin ako. Bakit?! Masama bang manood ng movie mag-isa?! Ok nga yun eh! Ikaw pipili ng movie na gusto mo tsaka solo mo pagkain mo!
Parang wala namang maganda. Tumawag na lang ako kay Papa. I can ask him for cool places.
"Pa san ba ako pwede pumunta kung masama ang pakiramdam ko?" I asked him.
"Uh, hindi ba sa ospital?" Sarcastic niyang sagot. Ay! Mali kasi pagkakasabi ko XD.
"Hindiiii. Masama as in emotionally." Dagdag ko.
"Anywhere away from Manila, I guess. Pero mag-isa ka lang ba pupunta?" Tanong niya.
"Oo.... Hmmm pwede bang malayong-malayo?" I asked. Syempre kung papayagan lang naman ako ni Papa.
"And where exactly?" He asked.
"Baguio?" High-pitched kong tanong. Last time we were there, I really had fun.
"Hmmm... I guess. Pwede kitang ibook ng hotel pero pagkatapos mo na lang mag-grade 11. Pag summer vacation na." He said. Ok. At least pwede. Kaso nga lang kapag tapos na ang grade 11, which is 2 months from now. Onting hintay na lang.
〽〽〽〽
Ang gagawin ko na lang ay mag-aral ng mabuti hanggang sa makapasa para sa grade 12. I've got no other things to do but to focus on my studies anyway.
Hindi ko iniiwasan si Jett. Hinayaan ko lang siyang gawin niya ang gusto niya. Si Apollo naman, hindi na nagparamdam talaga. Tribal, they stopped reaching out to me since hindi ako nakapasa. I also stopped playing for Chisel despite na araw-araw ko silang nakakasama at araw-araw rin nila ako kinukulit.
Life became average and normal as it was before.
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...