Apollo
After christmas vacation, everything was back to normal... Well, except sa aming CSC diba? ang susunod kasi na pwedeng gawan ng interactive acticvity for the students to enjoy ay ang valentines day. Birthday din ni Cybele nga pala yun!
Everyday has been hectic since nung inapprove yung project namin. Araw-araw ang labas pasok na mga papers at trabaho. Kanya kanya din kami ng mga trabaho kaya sobrang busy talaga naming lahat.
Ang plano kasi, sa umaga't hapon, there will be a festival like area sa main field. May iba't ibang booths dun. Marriage booth, food stalls, couple accessories, game booths, etc. Basta kahit anong pwede naming maiconnect sa mga couples.
Sa gabi naman, party like naman. May mga DJ's kaming iinvite at mga banda para magplay. Para naman yun sa mga juniors at seniors. Masyado pang intense yun para sa mga freshies at sophs namin.
While I was doing some paperworks of my one, bigla naman nagpatong si Scylla ng isang letter sa table ko. She stayed beside me so I thought it was urgent.
It was an excuse letter.
"Ano to?" I asked for a reason.
"Excuse letter." Nakunot na ang noo niya sa tanong ko pa lang. Pati ako napapakunot ng noo eh.
"Alam kong excuse letter to, pero bakit? At bakit bukas pa?" I specified my question.
"May lakad ako bukas. Importante, and all I'm asking for is a day off." Pagsestate niya ng reason niya.
"No." Maiksi kong sagot. Masyadong madaming trabaho ang magpapile up sa kanya. Tsaka sinuggest ko na na hangga't maaari, wag umabsent, wag magkasakit kasi kahit isang araw lang na wala ka, matatambakan ka agad!
"No? Really? All I'm asking for is one day, hindi mo ba kayang aprubahan yon?" She reasoned with me. Medyo malumanay pa yung way niya nun. I guess we both might snap.
"Hindi. Sinabi ko naman na diba? Kahit isang araw lang, matatambak na agad ang trabaho. You can take your day off or even a week off pag tapos na yung project natin." Pinaliwanag ko pa sa kanya.
"I know that! And alam ko ang magiging trabaho ko kapag wala ako bukas. Don't worry kasi kaya ko naman. I've been doing that much load of work since nung maging secretary ako." Pabalang niyang sinabi sa akin. I think we are starting a war.
"So ibig bang sabihin non, I've been giving you a hard time working? Hindi ba't ginagawa mo lang naman yung trabaho mo bilang secretary?" Pabalang ko ding binalik sa kanya.
"Eh pano kung sabihin kong oo! I've been doing more work than all of you! Lahat ng pagkukulang at hindi niyo nagagawa, ako ang sumasalo, kapag nagbabakasyon kayo or day off from council work, ako ang gumagawa ng trabaho niyo! Ngayong ako naman ang humihingi ng kahit isang araw lang, hindi niyo kakayanin?!" She snapped. She taking this too far.
"Right now, oo di namin kaya. Schedule's too full for a day off." I briefly told her. Kahit ako nanggagalaiti na rin kasi eh.
"PTNGNA!! Apollo?! Hindi mo ba maintindihan na importante nga yung lakad ko bukas?! More important than this fvcking project of yours!" She shouted at me. It caught the attention of everyone. Tumitig siya nang galit sa mga mata ko and left.
"Woah! Somebody's pretty hot headed!" Sambit ni Mitch na dumungaw sa cubicle ko. Cubicle nga pala tawag ko sa bawat area namin dito sa office.
Sumunod naman sa kanya lahat ng CSC members ko. They all looked concerned.
"Fvck! Gaano ba kaimportante yung ptngnang lakad niya para iwanan lahat ng trabaho niya?!" I shouted. It was a rhetorical question.
"Wait. Naalala ko lang." Biglang nagsalita si Tina. Parang may naalala siyang importante.
"Bukas yung death anniversary ni Wright." She spoke. We all turned to look at her. She looked at me. Could it be? Yun nga ba talaga ang dahilan niya para iwan ang trabaho niyo bukas?
〽️〽️〽️〽
I don't want her to get the wrong idea. Ayokong isipin niya na masyado na akong pushover. Hindi naman sa pinapagod ko siya, siya lang kasi yung masasandalan ko sa mga naiwang trabaho ng lahat. Yun naman kasi talaga ang trabaho niya eh.
Isa pa, dapat sinabi na lang niya sa akin yung reason niya, hindi yung kinailangan pa naming mag-away at magsigawan.
I stayed at the our office. Hindi pa rin ako mapakali. I still feel like its my fault but I also feel like its her fault. Ughhh! Di ko na alam!!
Tinapos ko na agad lahat ng trabaho ko at ibinilin na lang yung iba sa VP ko. I can't take it anymore! Di ko siya matiis! Tinanong ko agad si Tina kung saan nakalibing si Wright. Pumunta agad ako sa sinabi niyang cemetery.
His grave was buried in his family mausoleum. The problem is, hindi ko na natanong kung saan yung musileo na yun.
I found Scylla's car, along with another infront of a mausoleum. I guess this is it. Pumasok na agad ako sa musileo at bumungad na agad sila sa akin.
"Uh, excuse me, hijo, but do we know you?" Tanong ng isang lalaking medyo may edad na. He has the same features as Wright so siguro tatay niya.
"Uh, no. Kaibigan ako ni Scylla." I told them. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ako ang mahal ng babaeng nagpakasal sa anak niyo diba?!
"Apollo? Anong ginagawa mo dito?!" She pulled me hanggang makalabas kami ng musileo.
"I just wanted to apologize. Kung sinabi mo lang kasi sana na eto pala ang dahilan, edi sana pinayagan kita." I told her.
"Ano ba?! Ok na yun! Pero bakit kailangan dito pa?! Nakakahiya sa parents ni Wright!" She scolded me. Nakakahiya?
"Nakakahiya na pala ako ngayon? O nahihiya ka sa sasabihin nila sayo? Bakit? Baka masabihan kang malandi o kaya gold digger kaya mo pinakasalan si Wright?" I questioned her. Paramg ganun kasi yung dating eh.
"Wright hindi yun ganun! Kahit papano naman kasi, basta!! Kasal kami kaya parang nakakahiya na ilang taon lang, may boyfriend na agad ako?!" She tried to convince me.
"Kahit na! It's been, what? Three or four years? Tama na yun." I made her think.
"He's right, hija." I heard a woman said. We both turned sa musileo at nakita ang mama ni Wright. She faintly smiled at us.
"It was enough that you made our son happy before he died. Now, its your turn to be happy with whoever you want to be with." She told Scylla. His parents are not bad at all. I guess, I just didn't like him because of Scylla. Kung nagkataon siguro na hindi namin gusto pareho si Scylla, we could have been good friends.
"Come on." Hinila ko agad si Scylla papasok sa sasakyan ko.
"San mo ko dadalin?" She asked right away nung nakasakay na ako sa driver's seat. Hindi ko na siya sinagot pa at pinaandar yung sasakyan. I need to take you somewhere.
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...