48%

70 1 0
                                    

Scylla

Kinontact ko agad sina Lorraine at Keydee. I need their help. Kung magmemake-over ako, I need to do it right. Yung tipong mamamangha lahat ng tao kapag nakita nila ako.

"Sure ka ba talaga?! Alam mo wala nang bawian, balikan to?!" Tanong ni Keydee na dudang duda sa desisyon ko.

"Oo nga eh! Kulit din ah! Sige ateng ituloy mo na." Utos ko sa baklang umaayos ng buhok ko. He smiled at me like he was going to create a masterpiece.

〽〽〽〽

After niya akong lagyan ng hair color treatment, nagdecide ako na mamili na rin ng damit. Syempre kailangan din ng bagong wardrobe para sa big change ko!

Kung dati, kilala akong hater ng pink, ba't di ko kaya try inisin ang sarili ko at bumili ng maraming pink? Ahahaha... Haaayyyyy...

〽〽〽〽

Pagbalik sa salon, pansin nila Keydee na ang dami ko daw nabili. Eh syempre naman! Siguro one year supply na yan ng damit!

Winash na yung hair ko at nakita ko na yung changes. Wooooaaahhhh!!! Kahit na ayaw ko sa kulay na to, ang ganda pa rin ng kinalabasan ng buhok ko!!

"Woooahhh!!!" Sabay na sinabi ni Keydee at Lorraine. Pero magkaiba yung expression ng mukha nila. Si Keydee, mukhang nandiri sa kulay ng buhok ko. Ayaw din niya sa pink eh. Si Lorraine naman, mukhang nacutan. Anything cute will do. Kahit naman na boyish yan, mahilig pa rin yan sa cute eh!

"Ba't di mo na rin itry umalis at maggala bukas? Alam mo na! Para itry kung gano kaeffective yang change na inaachieve mo." Suggest ni Lorraine. Hmmmm... Mukhang magandang idea nga yun ah!

"Tapos mag-isa ako para mas lalong may mga mag-approach sa akin?" Tanong ko. They both nodded in agreement.

"Sige!!! Itatry ko na agad bukas!" I agreed to them with excitement.

〽〽〽〽

I dressed up really lolita like. [See photo for outfit] cute naman tingnan kaya ok na sigurong lumabas ng ganito.

Haayy!!! Nacucutan din talaga ako sa buhok ko!! Sobrang pastel nung color niya!!! ^_^

Paglabas ko pa lang ng dorm, ang dami nang nagsisilingunan sa akin. Buti pala di ako commute! Kaloka siguro kung commute ako. Madaming lilingon at titingin sa aking bonggang bonggang hair XD.

So san pa ba ako pwedeng pumunta para itest ang bago kong look kundi sa mall at bar lang naman. Una akong nagpunta sa mall.

They all looked at me like I'm some lunatic. Sorry! Pero inggit lang kayo! Ganda ganda ng hair ko! Pak na pak diba?! Ansabeh ni Katy Perry sa akin?!

It entertained me for a while pero nawala na rin yung feeling at attention ko sa sarili ko, instead, lumilipad-lipad na naman yung utak ko.

Mga 9 pm na rin naman na at pasara na ang mall. Madami na rin akong mga clubs at bars na pwedeng puntahan ng ganitong oras kaya why not go there next!

Pagdating ko dun, medyo normal na ulit ang tingin nila sa akin. Pag sa mga ganitong lugar, walang weird weird. Normal pa nga tong itsura ko eh!

Pagpasok ko pa lang, madami-dami nang tao. I don't usually come alone dahil nga delikado at lasinggera nga ako. But today's different.

I drank the night away! I danced and danced, drank beer, took shots! Everything!

Umiiwas lang ako sa mga lalaki. Lam mo na! Iisipin kasi nila, porket lasing eh, madaling ikama. Di naman ako ganun! Kahit lasing ang mudrakels niyo, marunong pa rin akong mag-isip!

〽〽〽〽

Wright (first POV niya! At muling pagbabalik din! ^_^)

"Daming tao. Pano ka nakabook dito?" Tanong ko sa kasamahan ko sa banda. Ngayon lang ulit kasi kami maggigig eh. Nasa Baguio kasi sila, di ako sinama.

"Syempre! Banda pa ba natin?! Tsaka alam kong alam mo na kilala ka dahil sa boses mo?" Sabi ni Henry. 'To talaga oh! Nambola pa! Gitarista-slash-part-time vocalist si Henry.

"Oh guys! Tayo na!" Tawag sa amin nung isa pa naming kabanda.

"Dahil nakasama ka na this time, ikaw bahala sa gimmick natin." Kindat ni Henry na senyas na ako bahala sa trip namin sa gig ngayong gabi. Hmmm.... Siguro yung peyborit ko! XD hahaha! Mag-invite ng chix sa stage na sumama sa akin sa pagkanta!

"Good evening! Dahil kakabalik lang po naming Baguio, we want to invite our lovely ladies to come up onstage and sing with us!" Announce ni Henry na punong-puno ng energy.

"Ako!" May nagtaas ng kamay sa may bar sa gilid ng stage. Wow! Brave soul! Usually namimilit pa kami ng kakanta pero siya G na G ah!

Wait.... Is that? Scylla?! Anong ginagawa niya dito?! At bakit lasing na lasing na siya? Mukhang wala pa siyang kasama ah!

"I'll sing for everyone!" Sabi jiya sa amin pag-akyat niya ng stage. Lasing na lasing na nga.

"Teka, Scylla, hindi ba't kailangan mo nang magsober up at umuwi?" Tanong ni Henry sa kanya. Oo nga pala, they know each other. Si Henry kasi ang nag-aasikaso sa mga bars na pinagpeperforman namin eh. Nagkakasalubong sila lagi ni Scylla.

"No! Kakanta ako, kaya pwede ba?! Sa ibang mundo tayo! By Kean and Nadine!" Masungit niyang sinabi. Slurrish pa yung way ng pagsasalita niya. Senyales na lasing na lasing na talaga siya.

No choice, tinuloy na lang namin. Buti alam namin yung kanta. Sakto naman kasi duet to kaya hindi na kami mahihirapan sa lines namin.

〽〽〽〽

After naming kumanta, nagbow siya sa audience. Aba! Kahit pala lasing magaling pala siyang kumanta!

"Ops! Ops!!" Naisigaw kasi muntik na siyang mahulog sa stage. Lasing nga talaga! Buti nasalo ko bago siya nahulog sa stage.

"Eeey! Let go of me." Winasiwas pa niya yung kamay niya para bitawan ko siya. Arte ah! Siya na nga linigtas ko, siya pa may ganang magalit!

"Wait... You look familiar?....." Sabi niya. Naglalabo pala paningin niya kapag lasing siya. Imposible naman kasing di niya ako natatandaan eh.

"Scylla, ako to, si Wright." Pagpapakilala ko na lang sa kanya. She nodded.

"Wrrriiiiggghhhttt!!!" Kagulat siya! Bigla na lang niya akong tinalunan at yinakap. Hindi na niya ako binitawan. Kinailangan ko pa tuloy siyang buhatin para maibaba sa backstage.

Ay nako! Ang baby ko! Ay! Teka! Wala na pala akong karapatan para tawagin siyang ganun. Di naman pala niya ako pinili dati.

〽️〽️〽️〽️

Message to all my readers!
Dahil unti-unti nang nagmamature ang characters sa story na ito, unti-unti na ring magmamature ang mga scenes din. Don't worry, I'lk be as vague and child friendly as I can. Pero gusto ko rin naman isama yung ibang gestures.

Please don't judge me for what you will be able to read in the next chapters. I just believe that "that" is a part of life and love. Be as open-minded and romantic as I was while writing the chapters of this story.

Thank you very much! :)

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon