Apollo
Kinabukasan, hinanap ko agad si Henry o kaya si Tina. I need to know something about Wright.
Sakto ko namang nakita si Tina sa main building. College of science pala ang category ng course niya. Yun lang kasi ang college na nagoooccupy sa main building eh. The rest are faculty members.
"Tina, I need to know anything about Wright." Deretsahan kong tanong sa kanya.
"W-what do you mean?" Nagtataka niyang tanong.
"Anong what do I mean? Kung paano sila ni Scylla ngayon, or if they're still together? Ganun." I asked her. Lalomg kumunot ang noo niya.
"Apollo, no one told you?" She asked na parang may hindi ako alam.
"No one told me what?" Pati ako nalilito na rin sa reaction niya.
"Apollo, a month after they got married, Wright died. May congenital heart disease siya. Tinupad lang ni Scylla yung huling hiling niya. But still Scylla wasn't able to. ang gusto ni Wright, mahalin siya ni Scylla. Kaya tutol ako dun. But she wanted to at least get married to him para lang mapasaya siya." She briefly told me. So that's why...
〽️〽️〽️〽
Scylla
First day pa lang ng paskuhan kahapon. Opening ba kumbaga. Yun yung isa sa mga innovations namin. Pero of course, back on track na ulit kami sa mga traditional na programs tuwing paskuhan. Mas relax na kami ngayon kasi katulong na namin ang SOCC. They're in charge of handling all the organizations na may mga plano for paskuhan.
Sa wakas!! Pahingaaaaa!!
"Scylla, favor naman, could you announce this?" May binigay siyang papel sa akin. Announcement? Hindi ko naman trabaho yun ah?
"Bakit sakin? Wala ba yung PRO namin? Si Mitch?" I asked the girl. She's a member of the SOCC.
"Ehhhhhh... Ano eh... Ano kasi..." Medyo paputol-putol niyang sinasabi.
"What?" She'd starting to get on my nerves kaya medyo nasungitan ko siya.
"Well, Mitch is not as approachable as an ideal PRO. Madalas kasi masungit siya eh." She confessed. Is this how everyone thinks about him? Sa amin naman hindi naman. I can easily approach him. Ganun din namab yung ibang CSC members. Siguro para sa hindi siya kilala, he's scary at first. Hindi kasi ngumingiti kaya mukhang tanga!
Pumunta na ako sa office namin para iabot na lang kay Mitch yung trabaho niya. Sa akin binigay pero trabaho pa rin niya kaya wag na noh! Di ko gagawin toh! Siya na bahala dito sa announcement na toh!
Pagpasok ko, everyone was busy filing their work. Kesa sa akin, they all have serious roles. Ako nga ay secretary, in other words, personal alalay nila.
"Mitch, pinapaannounce ng SOCC." I told him while handing out the paper. Bigla namang may tumawag sa akin kaya pinatong ko na lang sa desk niya. He was looking at me, waiting. May itatanong siguro. Pero wait lang! Baka importante yung call eh.
"Scy-scy-scy-scylla!!!" I know who does that kind of intro sa mga phonecalls. Anne Sherina!
"Whuuuuuut?!" She usually calls me during the night dahil pareho na kaming nasa bahay at nagchichikahan kami tungkol sa mga nangyayari doon sa kanya sa Singapore.
"Pwede ba akong magstay muna sa house mo? Nagbabalik na kasi ang mudrakels niyo eh. Well, habang bakasyon lang." Tanong niya. WEEEH?!
"Nakabalik ka na?! Kailan pa?! Ba't ngayon mo lang sinabi?!" Medyo naisigaw ko. Nagsorry na lang ako sa lahat ng tao dito sa loob ng office namin.
"Ngayon lang. Tsaka kahapon lang ako pinayagan at nakapagbook ng early flight eh." Pagkaklaro niya.
"Oh sige sige, susunduin kita. Nasan ka ba?" I asked. Oh fvck! Tsaka ko lang natandaan na masakit pa pala yung blisters ko sa kamay.
"Nasa airport na ako within two hours. See yah!" She hung up. Napasalpak naman ako sa sahig.
"What happened to you? Kanina lang ang saya saya mo, ngayon ganyan ka na?" Walang pakielam na tanong ni Mitch habang nagtatype.
"I just realized na hindi ko siya masusundo dahil sa kamay ko." I told him.
〽️〽️〽️〽Habang nag-aabang ako sa may sakayan, oo magcocommute na ako kahit traffic dahil sa pesteng sugat ko sa kamay ko, may tumigil na sasakyan sa harap ko.
"Di ka pa rin nakakaalis? Why don't you come with us? We'll take you there." Offer ni Mitch na kasama ni Apollo.
"Ah wag na. Baka may iba pa kayong gagawin, makaabala pa ako." I refused. Si Apollo pa naman ang nagdadrive.
"Si Anne Sherina naman yun eh. She's also my friend." Sabi ni Apollo. Yung tipong parang sinasabi niyang nay karapatan din siyang pumunta ng airport.
Medyo nainis ako sa sinabi niya. Alam ko naman yun pero malay ko ba kung may dapat silang asikasuhin na trabaho o kaya paperworks. Sumakay na lang ako.
〽️〽️〽️〽
Apollo
After naming sunduin si Anne Sherina, she had this "wonderful" idea na magsleepover daw kaming magkakaibigan nung high schoo. Oo!! Napakawonderful!! -_-
Netong weekend na rin yun. Hindi naman hassle kaso sa condo kasi ni Scylla eh. Wala daw kasi si tito dahil may business trip at nasa side daw ng family ni Wright si Cybele that weekend.
Pag-uusapan na lang daw sa facebook.... Kasooo, ang tagal ko nang hindi nag-oopen talaga ng facebook. Ever since nung wedding niya. I blocked facebook on my PC at inuninstall ko rin yung FB app sa phone ko. Wala na talaga akong alam sa FB ngayon.
Sabi ko na lang sa kanila, itext nila ako about the details kung anong oras magkikita, tuloy ba, sino-sino kami, o kung may dadain ba kami.
〽️〽️〽️〽
Scylla
The night before ng sleepover namin, tinext ko na agad silang lahat na next weekend na lang kasi bigla akong nilagnat. Mukhang dahil lang naman sa pagod to. Pahinga lang siguro at gamot, ok na to.
But since weekend bukas, I can just sleep in. Tsaka kahit naman may pasok di ako papasok kasi nga nilalagnat ako.
Tinext ko din yung parents ni Wright na next weekend ko na lang din idadalaw sa kanila si Cybele. I can't take her there tomorrow. They replied na ok lang daw. His parents are nice, kaya hindi ko maintindihan kung anong sumpa ang nilagay ng nanay ko para mapaikot sila.
Nevermind that na! At least I can rest tomorrow! Well, hindi rin masyado pala. Syempre, aalagaan ko ang anak ko.
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...