Scylla
A day before the Commencement Exercise. Todong todo na rin ang lahat sa preparations. Kaming mga girl scouts, syempre tumutulong. Lahat ng service clubs nandito ngayon. Pati ang student council at mga napiling mga magpeperform. Bongga ng CommEx. namin diba?! Mala party lang!
"What?!" Rinig kong sigaw nung class president namin na SC president din. Oh diba?! Tibay niya noh!
"Bakit?" Tanong namin ni Keydee. Malapit lang kasi kami sa kanya eh.
"Nagback-out yung vocals nung banda na dapat magpeperform bukas. Eh wala na akong pamalit dun! Tsaka prepared na ang lahat eh. Pano yan?!" Natataranta na siya. Hala! Grabeh ha!
"Eh ba't di ka na lang pumili ng ibang kakanta? Ang dami-dami namang mga songers diyan." Songers.. Hindi po siya typo ha! Ganun lang po tawag namin minsan sa mga kumakanta.
"Eh! Hindi pwede! Dapat yung hindi nila ineexpect." Pangontra niya sa idea ko. Ouch!
"Kasing unexpected ba niyan yung tinis ng boses ni Scylla?" Pabirong sinabi ni Keydee. -_-
"Ano ba?! Bully ka din!" Sabi ko sa kanya. Bigla namang lumingon sa amin si SC president na masaya na ang expression.
"Why don't you sing?" Turo niya sa akin. Ha?
"Ha? B-bakit ako?!" Tanong ko agad. Hindi naman kasi ako napipili sa mga ganyan eh. Mahal na mahal ko ang music pero hindi para magpasikat. Music is just my life kaya ko ginagawa yung mga kanta at covers ko.
"Yung hindi karaniwan. Eh hindi ka naman napipili sa mga ganito kaya ikaw na lang. Sabihin mo na lang dun sa mga kabanda nung magpeperform dapat yung kanta na kakantahin mo. Good luck!" Sabay alis niya. Aba! Anyareh sa mga tao ngayon? Hindi naman ako napipili sa ganito pero ngayon? Ako ang pagpeperformin nila?
〽〽〽〽
After namin magset-up ng mga upuan para sa lahat ng dadalo bukas, nagpaalam na ako kay Keydee na pupunta muna ako sa MPH. Dun daw kasi nagpapractice yung mga kabanda nung vocalist na nagback-out na dapat magpeperform bukas.
Pagpasok ko, nakita ko silang nagliligpit na. Nakita ko din na si Jett, nagliligpit din ng gitara. NAGGIGITARA SIYA?!!!!
"Uh, Jett? Kasama ka sa banda na magpeplay bukas?" Yun na yung unang nasabi ko. Hindi na ako nakapag'hi' sa gulat.
"Dapat magpeplay." Malungkot niyang sinabi. Awwww.....
"Buti na lang may good news ako..." I tempted them. Nagsitinginan naman silang lahat sa akin.
"Ako ang nautusang pumalit sa vocals niyo." Kalmado kong sinabi. Medyo nabuhayan naman sila.
"Anong kanta naman ang gusto mo?" Tanong nung drummer nila. Hmmmm... Dapat yung uso ngayon. Para makasabay lahat ng estudyante....
"Bad blood? Gawin nating punk version!" Excited kong nasabi. Mahilig ako sa mga kantang ginagawang punk/rock version.
"Sure! Kaya naman namin yan! Madali lang yun eh." Sabi ni Jett. Sumang-ayon naman yung bassist at isa pang guiatrist sa kanya, except sa drummer nila na minasamaan siya ng tingin.
"Kayo madali lang, relax. Eh ako naman pagod na pagod pagkatapos ng kantang yun." Nasabi niya na parang depressed siya. Tumawa na lang yung mga kasama niya.
Mukhang close naman pala sila eh! Ba't ngayon ko lang nalaman na may banda pala sila?! Mukha rin namang magagaling sila?
"So ano? Ok ka na ba sa ganun?" Tanong nung bassist sa akin. Huh?
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Di ko kasi gets.
"Ok ka na ba na kumanta at mag-all-out performance? At wala nang pagbabago sa kanta o ano man?" Paninigurado nung bassist.
"Sure na sure na noh!" I gave them a thumbs up. Syempre hindi naman ako katulad ng ibang babae, paasa, pabebe, komplikado.
"Oh sige! Tara practice na tayo." Yaya ni Jett. Nagsinula na kami. Sa una mahirap sumabay kasi di pa ako sanay sa kanila, pero after a while ok na kami. Gets ko na ang pattern at rhythm nila.
Habang patagal ng patagal, lalo tuloy akong naeexcite para bukas! Kaloka! Ang ganda kasi nung ginawa nilang arrangements dun sa kanta eh! Hindi ko ineexpect na magaling sila. Lalo na si Jett. Kala ko athlete lang siya eh! Pwede rin palang musikero! XD
Pero before everything else, anong isusuot ko? Anong magiging atmosphere o mood ng performance ko? Rughduhdje!!! Kainis! Dagdag trabaho to?!
"May problema ba?" Tanong ni Jett. Napansin ata niya akong nagdadabog na ng mga gamit sa bag ko.
"Ah! Wala naman. Ano lang, wala pa kasi akong naisip na theme at costume para bukas eh." Nahihiya kong sinabi.
"May maitutulong ba ako?" Tanong niya.
"Hmmmm.... Ano bang gustong makita ng audience? At ano bang kind of performance ang magcoconnect sa kanta?" Sunod-sunod kong tanong.
"Bad blood. Medyo bad girl ang dating eh." Nabanggit niya sa tabi ko at lumayo na rin kasi tinawag siya nung mga kaband-mates niya.
Medyo bad girl? So medyo seductive ang peg ko? Pero medyo cute din dapat kasi bad blood eh?!
Kaso.... Pano naman kaya yun? Di kaya mabigla lahat ng nakakakilala sa akin? Bigla akong magiging ganun? Bad girl na kumukanta? Baka mashock silang lahat?! O_O
"Kahit hindi na daw tayo mag-uniform bukas. Kung may award ka naman daw, ok na yung suot mo sa performance. Alam na nila yun." Pag-iinform sa akin ni Jett.
Hala! So buong araw akong nakaganung make up at costume?! HoMayGad?! So kailangan maganda talaga ako bukas?!
"You'll be fine! Wag kang mag-alala." Alog sa akin ni Jett by shaking my shoulders. I smiled at him.
"Ok lang ako. Kayo! Kayo dapat ang sinasabihan ko niyan! Ba't ngayon ko lang nalaman na isang banda pala kayo?!" I changed the topic and the mood into a happy one. Nagtawanan na lang sila sa akin at inexplain ang kanila ngang history.
Wala pa talaga akong idea para bukas!!!! Asgehgdhaksuehwk!! Bahala na si Batman bukas! Go with the flow na lang! Rock n Roll lang dapat ang spirit. XD
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...