Scylla
Nagthank you na lang ako sa driver niya at nauna na. Kapag sabay kaming pumasok, baka mag-isip ng kung ano-ano ang mga tao kaya nagmadali talaga ako. Pagdating ko sa lagi naming tambayan tuwing umaga, nakasunod na rin si Apollo.
"Aba! Aga mo ah! Nakain mo?" Asar ni Anne Sherina pagdating ko. Eh hindi kasi ako nagcommute, kung alam niyo lang.
"Oh, I gave her--" Tinakpan ko yung madaldal na bibig ni Apollo.
"Binigyan niya ako ng surprise... Hineram niya phone ko kahapon at naglagay ng alarm na ang bongga sa sobrang aga." Palusot ko sa kanila.
Nung nakalusot na ako, tinuloy nila yung usapan nila bago kami dumating. Tumalikod naman ako at hinila si Apollo.
"Wag na wag mong sasabihin na sinabay mo ako. Baka kung ano isipin ng mga tao! Hindi naman to Canada na pwede kang magsabay ng kahit sino sa sasakyan niyo." Pabulong na sigaw ko sa kanya. Magets mo sana!
"Fine. In one condition." Sinabi niya ng pabulong din.
"Ano naman yun?" Medyo tumaas yung volume ng boses ko. Ahhh! So may kapalit pala kapag nanghingi ng favor sa kanya!
"You will ride with me every morning and every dismissal." Sinabi niya.
"A-ano?! Hindi pwede! Ts-tsaka minsan hindi ako umuuwi agad! Minsan nga ginagabi pa ako!" Pagrarason ko sa kanya.
"Exactly! It's dangerous to commute at night, especially for a girl. Don't worry, I'll wait. I've got time." He smirked. Buti ka pa may time. Ako nga, halos mawalan na ng time matulog dahil sa studies eh.
*RIIINNNGGG*
Nagbell na rin finally! Lahat ng students, pumasok na sa building. Off limits kasi sa building tuwing umaga, break, at lunch para iwas nakawan daw.
Dahil kakasimula pa nga lang ng school, ngayon pa lang magsiseating arrangement. Haaayyy, sana hindi nakakabwisit ang magiging katabi ko!
〽〽〽〽
Sabi ko nga eh. Nakakabwisit ang katabi ko. Sa lahat ba naman kasi! Bakit si Apollo pa! Buti malapit lang sila Lorraine at Keydee sa akin.
Ngayon na rin namin mamimeet yung mga subject teachers namin. Ang galing! Unang-unang subject talaga ng Tuesday schedule namin at arts! Bwiset!
Iniscan ko din yung libro namin sa MAPEH at nalaman ko na theatre ang topics namin sa arts. T_T . Nakakainis. Ayoko ng nakakakita ng umaarte dahil alam kong may ibibigay pa sila! Kung pwede lang kasi na ako na lang! Eh kaso! Hindi naman alam ng mga kaklase ko na may thing ako para sa pag-arte.
"Okay class! Ako nga pala si Ms. Maggie. No introductions needed, but! Kailangan niyong mag-acting. Pair up please! Yung seatmate niyo na lang partner niyo. When you come infront, bubunot kayo ng isang papel kung saan nakasulat ang gagampanan niyong scene. Okay! Lets start. Ms. Mendez, Mr. Soriano, take it away!" Bakit?! Bakit Ms. Maggie?! Bakit kami pa ang una mong pinili?!
Siya ang bumunot ng papel. Sana magkapatid, mag-ama, magkaibigan, kahit ano! Wag lang nagliligawan!
"Revelation. Love." Sinabi niya yung nakasulat sa papel. Kakasabi ko lang eh!!!
"You will lead or me?" Tanong niya bago kami magsimula.
"Ikaw na lang." Sabi ko. Kaya ko naman mag-adjust at mag-improvise on the spot eh. Mabilis kasi ako mag-isip ng mga solusyon sa mga biglaan na mga sitwasyon tulad nito.
Bigla naman nag-iba yung aura niya. Maybe... Hindi... Hindi pwede... Pero parang marunong din siyang umarte eh? Posible kaya?
Tiningnan niya ako ng may napakalungkot na expression sa mukha niya. According sa mga mata niya, parang sinasabi niyang "I'm sorry." Yung parang may ginawa siyang mali sa akin.
Syempre ako, dapat maluha ako. Nung malapit nang tumulo yung luha ko, sinampal ko na siya ng napakalakas, tapos walk out. He grabbed my wrist.
"Scylla... Please. I only did it because of you." Sinabi niya na may tumutulo nang luha galing sa mga mata niya.
"Nababaliw ka na ata eh. Ginawa mo to para sa akin?! Para siguro hindi ako masaktan? Pero bakit ganun?! Ako yung nasasaktan?! Apollo, ayoko na. Hindi naman dapat ako pumayag na maging girlfriend mo eh. Kasi alam ko na darating ang araw na mahuhulog ka din kay Tina... Na mahuhulog ka sa best friend mo." Hinila ko yung braso ko at tumuloy na sa paglalakad palabas ng pinto ng classroom para may effect.
Narinig kong humagulgol na parang bata si Apollo sa loob ng classroom. Nung nagpalakpakan na yung mga kaklase namin, tsaka ako pumasok. Lahat sila may expression na parang manghang-mangha sila sa amin dalawa.
Serioulsy! Kung nagtanong lang kasi kayo kung sino ang kayang umarte instead of assuming kung sino sino lang ang mukhang kayang umarte, edi sana di kayo nganga ngayon diba?!
"That was great! Actually, ginawa ko to para humanap ng lead para sa project niyo." Agad agad?! Kakasimula pa lang ng school year namin, project na agad?!
"Isang movie. At gusto ko silang dalawa ang makakakuha ng lead roles para dun ha! The rest of the cast at mga staffs, kayo na bahala ang mag-assign. Before exam pa naman ang pasahan kaya you have plenty of time." Sabi ni Ms. Maggie. Plenty of time talaga! Masyadong maaga pa para pag-usapan ang project project na yan. If I know, iiignore din nung iba pa yan.
"So, was your lines a while ago inspired by someone?" Ang intriga naman nung tanong neto?! Kakaupo lang namin eh!
"Kinuwento ko na sayo kahapon diba?!" Binulong ko sa kanya, baka mapagalitan pa kami ng teacher eh.
"Anyway, I'm not joining you guys later." Sinabi niya.
"Mamayang break? Bakit?" I asked. Hala! Baka mabawasan pa ata kami ah!
"Some guys invited me to join them later and get to know me." Pageexplain niya. Siguro mga galing ibang section yun. Yung boys kasi sa section namin, anytime pwede kang sumama sa kanila kahit walang invitation eh.
Pero I wonder? Aling grupo naman kaya?
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...