13%

91 2 0
                                    

Scylla

Nairaos naman yung mga practice at rehearsals para sa performance namin. Ngayong araw na to ang actual performance namin. Mayghad!!! Lahat na naghahanda at nagmemake up na para sa performance. Hindi lang naman kasi kami yung sasayaw eh. Parang field demo lang ang peg.

Dahil magaan naman ang paa't kamay ni Apollo, wala akong problema sa pag sayaw, kaya relax lang ako habang kasayaw niya.

"You look nice." Sinabi niya na may dismaya sa tono ng pananalita niya habang sumasayaw kami.

"Parang di mo naman feel!" Pabulong kong sinigaw. Parang napipilitan lang siyang sabihin yun!

"What?!" Tumaas yung pitch niya.

"Parang sarcastic kasi yung pagkakasabi mo eh. Hindi ba maayos yung pagkakamake up sa akin?" Tanong ko habang nagsasayaw pa rin.

"Ehhh. If you were the one who did the make up, maybe you'll look simple, but since you didn't, you actually look like paint exploded on your face." Comment niya. Kaya wala akong tiwala sa ibang tao pagdating sa mukha ko eh!

"I know right! Kaya ako lagi ang nag-aayos sa sarili ko eh. Napilitan lang ako ngayon." Pag-eexplain ko sa kanya. He chuckled a little bit. Sakto naman natapos na yung sayaw at nagbow na kami.

〽〽〽〽

Habang naghihintay na matapos yung program, nakaupo lang kami sa sides at nanunuod.

"Why is everyone so excited about september?" Biglang tanong ni Apollo habang ako busy ako sa panonood ng performance ng ibang section.

"Next month kasi yung foundation day ng school. Usually, one week ang celebration. Ibig sabihin nun, walang klase, tambay tambay lang. Tapos may mga food stalls at entertainment booths." Inexplain ko sa kanya.

"Oooh. Is that the reason for every club's meetings?" Tanong niya. Siguro di to nakikinig or di niya nagets nung nag-explain yung moderator nila.

"Oo. Yung entertainment booths kasi, mga clubs ang nag-eestablish nun.

"What's your's?" Tanong agad niya.

"Sa Boy scouts, jail booth. Sa amin naman, acquaintance booth." Tipid kong sinabi sa kanya.

"Oo nga pala?! Ang tagal na nating magkaibigan pero di ko alam kung anong club ang sinalihan mo?!" Narealize ko bigla! Oo nga noh?! Hindi ko pa nga pala alam kung anong sinalihan niyang club!

"Book club. I think we are going to do a movie screening?" Medyo di pa siya sure pero alam ko na yun. Pinapasa-pasa lang naman kasi yung mga booths na ginagawa eh. Kami talagang for many years, acquaintance booth na talaga sa club namin tapos ganun din sa boy scouts.

"Yeah. Parang cinema ang gagawin niyo. Dun kayo sa AVR tapos may projector kayong gagamitin kaya parang nasa theater house talaga. Up to 40 students per screening kayo eh... Tapos mga 5 screenings kayo bawat araw." Di ko pa masyadong sure yung info na yun ah!

"You've been here for so long, huh?" Sarcastic niyang tanong.

"Oo, since grade one pa lang dito na ako nag-aaral kaya kabisadong-kabisado ko na dito." Sarcastic ko ding sagot.

"Ooohh. Well then, you're my superior!" Pacute niyang sinabi. 0_0 .

"Whuuuuuuut?!" Sinabi ko in a high pitched voice.

"Ahahahahahaha! Just kidding." Sinabi niya habang tumatawa. Mukha siyang baliw! Natawa din tuloy ako. Bakit ganun! Parang ang gaan lang ng loob ko sa kanya. Usually kasi kapag may kausap akong lalaki, natetense ako kasi feeling ko ang boring ko eh.

〽〽〽〽

So everything went on smoothly. Foundation week, entrance exams, sembreak, christmas, and new year. Next is prom and valentines day! Ugh! Yuck! Landian month na naman! -_-

Valentine's day... Wala naman nagbibigay sa akin eh! Eto namang si Apollo may lolokohin na namang mga... MGA babae -_- .

"Plastic roses. One for each girl?" Tanong ko kahit obvious naman. He chukled and nodded.

"How did you know!" He sarcastically asked. It wasn't a question to be answered kaya tumawa lang din ako sa kabaliwan niya.

"May bibigyan ka na ng valentines day, pero may nayaya ka na bang lucky girl sa prom?" This saturday na kasi yung prom eh.

"Hmmm. Naaah! Dates aren't my thing. How about you? Has anyone asked you yet?" Binalik niya yung tanong.

"Well, nangulit si Wright ulit pero gaya nga ng sinabi mo, inignore ko na lang siya. Other than him. Wala rin." Binigyan ko siya ng sagot na hinihingi niya.

"Well, then. Let's go together? Dateless people should stick together. And besides we're just best friends." Ok! So kami na ang magkasama na naman ngayon. Pero parang may weird feeling sa akin eh! Ano ba yun!!!

"So ibig sabihin, ako na naman kasayaw mo. Di ka ba nagsasawa sa mukha ko?!" Pabiro kong tanong. Kasi sa tuwing may sayaw, kami na lang lagi ang magkapartner eh! Bakit ba?!

"No. I already told you! I'm more comfortable dancing with you. And besides, you're pretty. I won't get disgusted when I get close with you." Ouch naman! So ibig sabihin kapag pangit nakakadiri na agad?! Grabeh ha! Pero tumawa din siya after kaya halatang joje lang yun... Pero pati ba yung compliment niya sa akin, joke lang din?

"Well then it's settled! Kitakits na lang sa saturday ha!" Sinabi ko sa kanya. Kahit araw araw naman kaming nagkikita dahil sa school tapoa minsan nagkikita pa kami tuwing weekends dahil nga malapit lang bahay niya sa bahay namin.

Best friend kung best friend! Pero di pa rin nawawala yung mga speculations ng ibang tao na we're dating pero hindi naman! Tsaka yung mga nabobroken hearted dahil sa kanya, sa akin tumatakbo dahil ako nga ang best friend.

Hay! Ewan ko ba sa kanila! Kahit naman best friend ako! Di ko naman pwedeng pilitin si Apollo na baikan sila! May buhay at sariling emosyon yung tao! Mamahalin niya kung sino man ang mapusuan niya!

And besides, he's doing those things for their own good. Kahit na medyo harsh ang way ni Apollo, at siya yung nabebenifit, meron pa rin silang lesson na nakukuha sa heartbreak na natamo nila. I think Apollo has a really good purpose on breaking their hearts, kahit na siya pa yung magkakaroon ng pangit na image ng pagiging playboy. Pero kahit na kilala siyang playboy, I still know him better than anyone. He's my best friend after all...
Best Friend....

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon