Scylla
"Nagseselos ka ba?" Straightforward na tanong ni Apollo sa akin. Pano kung sabihin kong "OO NAGSESELOS AKO!" may magagawa ba siya?! Wala naman! Di naman kasi siya yung lumalapit! Yung lintek na Hera na yun yung lumalandi sa kanya!
"Hindi. Walang dahilan para magselos." I blankly stated. After naman kasi sigurong malaman ni Hera yung tungkol sa amin, for sure lalayo din siya.
"Come to my desk." He ordered me. At ang gamit pa niyang tono ay yung sa paggiging president niya. I just followed him there.
"What do you want?" Nadidismaya kong tanong sa kanya. He sat down on his chair and turned to my way.
"Come closer." Utos niya. Sinunod ko na nang matapos na to at makabalik ako. Madami pa akong tatapusin ngayong araw na to eh.
"Pag nagseselos ka, sabihin mo na." He said in a seducing manner. Same as always! He always does that when he is trying to fix something! Seducing mode on!
"Hindi nga kasi ako nagseselos." Pagsusungit ko sa kanya. This is stupid. Akmang babalik na sana ako sa desk ko nang bigla niya akong hilahin para maiharap sa kanya.
Ptngna! Nagulat ako ha! He then started leaning closet kaya I tried to distance myself from him hanggang sa maramdaman kong tumama na pala ako sa dingding ng cubicle niya.
"A-apollo, wag dito." I whispered to him. Sakto namang pumasok bigla si Hera. Yung dingding na sinasandalan ko, katabi lang yun nung doorway kaya nakita niya kami agad.
We both parted and straightened ourselves. Medyo nabagabag naman si Hera and composed herself too.
"Uhm, may naghahanap sayo, Apollo." She looked straight at him. Pag-lakad ni Apollo, ako naman ang tiningnan niya. Yung tingin pa niya, yung tipong bababa yung tingin mo sa sarili mo. Kala mo kasi pinatay ka niya ng napakaraming beses sa utak niya.
Sumunod na rin ako sa paglabas at dumeretso sa desk ko. Pinagpatuloy ko na yung trabaho kong naiwan ko kanina nung tinawag niya ako kanina. Hindi naman sa paggiging tsismosa pero naririnig ko talaga yung pinag-uusapan nila eh.
"But the majority of our students have requested it. Survey yun Apollo. We can't just disregard it." Sabi nung kausap ni Apollo. Kasali ata yun sa SOCC.
"I know, pero mukha bang papayag lahat ng individuals na rinequest nila? We are all booked with our own work." Medyo naiinis na si Apollo sa pakikipag-usap. Nagwalk out na nga at papunta na sa desk niya eh.
"But, Apollo--" magdadagdag pa sana yung kausap niya.
"Talk to my secretary! Kahit anong sabihin mo, not until everyone in that list agrees, hindi ko bibigyan yan ng permission." Naiinis niyang sinabi sabay deretso sa desk niya. Binigyan pa talaga ako ng kausap noh!
"Hi." I greeted him as he sat down on my receiving chair on the other side of my desk. Sosyal ko diba! Eh kasi naman! Lahat ng hindi makakausap dahil busy o kaya ayaw kausapin ni Apollo, ako ang kumakausap, kaya kinailangan namin maglagay ng receiving chair sa akin.
"Hi, uh, I'm Math. Yes I'm named after Mathematics. Lets skip introductions, I already know you. Kasi may ginawa kami na suggestion box para sa lahat ng orgs. sa campus on what they want for valentines day. Majority requested a cafe where the waiters will be the most popular beauties and hunks in the campus. And may list na binigay ng most requested. Feeling ko, kaya ayaw niya, kasi kasama siya at ikaw." He whispered the last line to me.
"Ano?! Ako?! Wow ah! Ganda ko naman para masali diyan!" Gulat kong react sa sinabi niya.
"Maganda ka naman talaga. But, anyway, kailangan tong matupad kundi bababa ang tingin ng student body sa CSC at SOCC. Payag ka naman siguro diba? Kasi lahat ng kasali sa list, binigyan na namin ng notice at pumayag naman silang lahat. Ikaw na lang at si Apollo ang di pa namin nakukunan ng response. Kubg papayag ka, baka pumayag na rin si Apollo... Kaya please sana." He pleaded with a pair of puppy dog eyes. Pano ba yan! He's so adorable! Hindi na ako makakahindi dito!
"Fine! And itatry ko din iconvince si Apollo." I responded. Napa"yes" naman siya. Wow! Sobrang saya lang?!
"Thank you! Eto nga pala yung list ng mga taong rinequest ng mga students in case na itanong ni Apollo." With that he left. Tiningnan ko naman yung list kung totoo ba yung sinasabi niya.
Five girls and five boys. Me, Hera, Rosalie, Zyril, and Lorraine. Tapos sa boys, Apollo, Mitch, Steve, Henry and Jett?! Ta ba to?! Si Jett?! Uste na rin pala siya?! Ba't di ko din siya nakikita?!
I contacted him with his old number nung huli kaming nagkita years ago. Uy! Nagriring! May sumagot!
"Hello?" Someone answered on the other line. It sounded like Jett pero syempre, I have to make sure.
"Hello? Jett? It's me, Scylla." I told him.
"Ah! Yes. Eto pa rin pala number mo. Buti pala di ko binura. It's been so long, kamusta ka na?" Tanong niya.
"Ok naman. Ikaw! Ikaw ang gusto kong tanungin! Hindi ko alam na uste ka na ah! Ni hindi mo man lang ako linapitan o kaya ngapakita ka man lang sa akin!" Pabiro kong sermon sa kanya. Natawa naman siya.
"Eh ayan ka na eh. Tsaka ayoko namang may isipin si Apollo kung lalapitan pa kita diba? Tsaka pano mo nga pala nalaman yung tungkol sa akin?" He asked.
"Kasama ka kasi dun sa isang list ng mga magpaparticipate sa isang event or booth sa valentines day eh... Sila Ken, Mit, at Mon nga pala, kamusta na? San na sila ngayon?" I asked him. Hindi ko na kasi sila nababalitaan eh.
"Dito rin sa uste. We are all together until now. Hindi lang talaga kami nagpapakita sayo. Or kung makita ka man namin, you seem so busy kaya di ka na namin linalapitan." He explained. Ganun na pala ako naging busy since nung magcollege. Hindi lang kasi studies ang inaatupag ko. Pati si Cybele.
Ayun, nakipagkwentuhan lang ako kay Jett, nakipag catch up and all. It feels good na once in a while, makipag-usap ng ganito with my friends.
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...