30%

76 2 0
                                    

Scylla

Since kailangan last day nila Lorraine ang surprise, edi todo asikaso na kami. Nakakuha din kami ng permission sa campus ng UST para sa flash mob na yun.

Haaaayyyy... At may isa pang bagay na dapat paghandaan... Ang Finals. :'(

Nakaka-iyak lang! Ang hirap kasi ng mga subjects ko this sem eh. Sana next sem, yung mga subjects na makukuha ko, mga madadali na!

〽〽〽〽

Scylla

After weeks, dumaan na rin yung finals. Ok naman. Di naman bagsak. Tama na para masabing mataas ang nakuha kong score.

As usual nasa bahay kami ni Ken. Nagbebrainstorm ng mga pakulo at ideas na gagawin namin sa surprise niya.

"Eh ba't di natin itry din na magmake over para naman hindi niya tayo marecognize agad at hindi tayo mahirapan sa pagseset-up?" Request ni Mon. Hay nako! Hindi kasi halata kung ano talaga ang motibo niya eh!

"Ang sabihin mo Mon, gusto mo lang magpagwapo at magpasikat dun para makahanap ka ng chix mo?!" Pambabara ko sa kanya. Tumawa na lang kami.

"Pero mukhang maganda naman din idea niya eh." Dagdag ni Mit. Ay nako! Ang kambal sa pambababae!! Pero ok lang din naman. Gets ko naman yung point eh.

"So panong make-over ba?" Tanong ko.

"Edi syempre kung anong klaseng banda tayo. Yung rocker look dapat." Masayang sinabi ni Jett. Rocker look?! That means?!

"Magpapakadaring ba ako o magbabalot ako?! Kaseh natry ko na pareho at di ako nasatisfy!" I shouted at them. Pag kasi balot na balot ako, pakiramdam ko, para akong santa eh! Ang bait kong tingnan masyado!! Kapag naman daring, nakakatakot! Parang anytime pwede akong mabastos eh!

"Magpakadaring ka!!! Hindi ka pa namin nakikitang ganun eh!!" Pilit nila. Bale! Sila Apollo pa nga lang pala ang nakakakita sa akin na ganun.

"Ay grabeh!! So ok lang na mabastos ako eh noh?!" Sarcastic kong sinabi. Malaki kasi ang chance na mabastos ako eh. Lalo na't public place pa kami magpeperform.

"Wag kang mag-alala! Puro lalaki pa kaming kasama mo kaya panigurado, walang gugustuhing mambastos, o lumapit man lang sayo noh!" Banggit ni Jett. Oo nga naman. Apat nga pala silang makakasama ko.

"At tsaka safe ka naman sa biyahe dahil dalawang sasakyan gagamitin natin eh. Isang idadrive ni Mon. Mga equipments natin ang laman tapos yung isa para sa atin na." Pag-iinform ni Ken.

"Edi ok na pala eh! Kailangan na lang pala ay yung make-over natin. Kung tayong apat lang, madali. Pero pano si Scylla?" Tanong ni Mit.

"Ako?! Psshh!! Madali lang yung akin noh!" I boasted. Kumpleto kaya ako pagdating sa wardrobe! Mapa rocker o sophisticated look man yan, meron ako. Para ngang shopping mall ang closet ko sa dami ng varieties eh XDXD.

"Oh geh nga!!! Dapat masusurprise mo kami sa last day nila ha!" Hamon ni Mon. Wow! Nagrhyme! XDXD pero pramis! Kaya ko talaga yun!

"Geh ba!" Challenge accepted! Bwahahaha!!

〽〽〽〽

So kasama sa preparations namin ay yung mga friends namin syempre ni Lorraine. Kinontact ko na sila Faye, Louie, Anne Sherina, Keydee, at Apollo.

Magfefacetime na lang daw kami ni Anne Sherina. Si Faye at Louie naman, tutulong sa set-up. Si Keydee, siya na daw bahala kay Lorraine, basta itext na lang daw siya kung kailangan na ba nilang pumunta sa location namin.

Si Apollo naman, MIA. Sineen lang ako. Ba't siya ganun?! Hindi naman siya nangsiseen dati eh. Kahit sino di niya siniseen. Laging nagrereply pa naman yun agad.

Weird lang kasi sabi ni Keydee kasama naman daw si Apollo. Go na go pa nga daw eh. Kung go na go siya, ba't sineen lang niya ako? Ba't di niya ako nirereplyan?!

Nakakagagv ah!! Kainis!! Ewan ko ba dun sa lalaking yun!! Ang laki na ng pinagbago niya ever since!! Bwisit!

〽〽〽〽

At dahil di ko na kailangan ng todo-todong make-over, sinamahan ko na lang yung apat sa salon na lagi kong pinupuntahan at pinagkakatiwalaan na.

Ay jusko!! Pagpasok na pagpasok pa lang namin, lahat na ng mga babae, nagsitinginan na sa kanilang apat, pati yung mga bakla!!!

Iba talaga tong apat na to!! Malakas!! Grabeh!! Matinik at mapusok pa!! Buti na lang talaga at immune na ako sa mga kamandag nila at di rin naman nila ako trip!!

Kaya ang swerte talaga ni Lorraine eh!!! Grabeh!! Ang gwapo din kaya ni Ken!!! Kaya ewan ko na lang kung di pa mapapayag si Lorraine sa offer ni Ken manligaw!!

"Ateng!! Ang dami mong boylet!! Magshare ka naman!!" Kurot sa tagiliran ko nung isang baklang kaclose ko dito.

"Ano ka ba!! Mga kabanda ko yan! Make-over lang ang ipinunta nila dito." I explained. Edi sinimulan na nung mga bakla at sabik na sabik na silang haplusin ang mga boylets ko daw XDXD.

Nang matapos.... ~°_°~ [ blushie!] Ang gwapo!! Kung gwapo sila dati, mas gumwapo pa sila ngayon!!

Kinakain ko na yung sinabi ko kanina, mukhang mahina na ang immune system ko!! Ang gwapo grabeh!! For sure!!! Di na makakaresist si Lorraine niyan!! Kahit ako man eh!! Di rin ako makakaresist kung ganyan lang din ang makikita ko eh!!

"P-pwede groupie tayo?! Kailangan ko lang talaga ishare!! Wag kayong mag-alala. Di naman ako magbibugay ng clues kung para saan tong make-over na to eh. Pleeeeaaaase?!" Pagpapacute ko sa kanila. Nagulat naman sila.

Sorry na!!! Ganun lang talaga ako kapag nakakita ng gwapo!!

So ayun! Groupie kami! In just a matter of minutes, ptngna! Ang dami na agad naglike!! Eh puro gwapo ba naman ang nasa tabi mo?! Sino ba naman ang hindi mafaflood ng likes ng ganun! XDXD

Kasama sa naglike ay si Lorraine. Pero mukhang wala naman siyang reaction dun. Lagi naman niyang linalike yung mga pictures ko eh. Ganun din ako sa kanya. At kung may mapansin man siya, it's either magcocomment siya or magpiPM siya sa akin. Eh wala! XDXD

Tuloy ang plano!! Ang galing-galing nga naman!! Bwahahaha!! Lorraine!! Maghanda ka na!! 3:D

Pero sana nga lang totoo yung sinabi ni Keydee na go na go nga talaga si Apollo. Ayokong maging KJ siya at umepal sa mangyayari sa araw ng surprise.

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon