Scylla
"So how was your day?" He cunningly asked. Something's up. Something smells fishy. Parang kakaiba siya. Pinanliitan ko siya ng mata.
"What?!" High pitched! Grabeh di ko pa rin mareach! Pero something is really up.
"Anong nakain mo at nagtatanong ka tungkol sa araw ko? Are you scheming something?" Pang-uusisa ko.
"Hindi. I'm just happy." He said. Mukhang may something pang mas malalim na reason kung bakit siya nakangiti eh... I'm going to find out naman sooner or later dahil wala namang sikretong di nabubunyag.
〽〽〽〽
Apollo
I'm just so happy. Happy dahil alam kong matatakot at magugulat ko siya pag-akyat niya sa room. Hihihihi!! May nahanap or nakahanap kasi sa akin.
Si Mr. Supella Longipalpa! Scientific name for the brown banded cockroach that is very common here in the philippines. Bwahahaha!
Matapos niya akong takasan, syempre gaganti ako sa kanya! Lalo na't high school pa lang, alam ko nang malaki ang takot niyan sa ipis.
Hinayaan ko lang maggala-gala yung ipis na nakita ko kanina dun sa room kaya alam kong nakita na niya kung sisigaw siya. Bwahahahahaha!
As we rode the elevator, I just can't stop smiling about my evil plan. She's really gonna freak out if she sees it. I just hope it reveals itself right away.
〽〽〽〽
Pagdating namin sa room, dumeretso ako agad sa bedroom at humiga na lang muna sa kama. I just used my phone for some games. Siya naman may pinatong lang sa sidetable niya. Lalabas sana siya.
"San ka pupunta?" I asked her. She might see the ipis when she goes out. Bwahahahaha!
"Kitchen. Kukuhang tubig." She said and got out quickly. Maya-maya pa'y may narinig akong nabasag. Pero walang sumigaw. Hala! Baka hindi yun dahil sa ipis ah! Baka may kung ano nang nangyari dun sa babaeng yun.
Agad ko nang chineck kung napano na si Scylla. Laking gulat ko nung makita kong may mga bubog sa floor, siguro yun yung baso ng tubig, syempre yung tubig din na laman nun, tapos may dugo pa.
I noticed Scylla's foot was bleeding. She was in shock and tears were falling from her eyes. She had her eyes on something. Nung sinundan ko ng tingin, yung ipis pala.
Alam kong may phobia siya simula nung high school pero hindi ko naman alam na ganito na pala kalala. Katsaridaphobia ang tawag sa phobia niya. Siya mismo nagsabi nun sa akin dati.
Agad kong pinatay yung ipis at flinush. She just started sobbing like she had almost died. Tngna! Ba't ko nga ba ginawa yun?! Ugh!
"Sorry, Scylla, sorry." I told her and got her to sit on the couch. Lininis ko na yung mga bubog baka kasi may matapakan pa siya.
Lininis ko din yung sugat niya sa paa kasi baka may bubog din eh. Hindi pa rin siya umiimik. Tulala pa din siya.
"Scylla. Scylla!" I snapped her out of it. She exhaled like she just woke up from a deep sleep.
"Ok ka na ba?" I asked her. She just nodded. I doubt that she's ok. Susunod neto, kahit anong mahagip ng mata niya na brown o black na maliit, mapagkakamalan niyang ipis at babalikwas siya ng babalikwas hanggang bukas siguro.
〽〽〽〽
Tama nga ako. She kept on getting shocked. Naguiguilty tuloy ako lalo. Feeling ko natakot ko talaga siya in a bad way. Prank lang naman dapat yun eh. Hindi ko din naman alam na seryosong phobia na pala talaga yung meron siya.
"I'm really sorry." Huli kong sinabi sa kanya bago ako humiga. Tulala pa rin kasi siya at nakaupo sa dulo ng kama niya.
Somehow, I felt her fear. Mukhang hindi siya makatulog. She just sat there. Inobserbahan ko lang siya for a while. Ano bang pwede kong gawin...
〽〽〽〽
Scylla
Hellish thoughts about that creature ran through my head. Even thoughts about it crawling around me while I sleep bothered me so much. Ayoko ng ganun ayoko!
I hate those creatures. I despise them. Yet I also fear them. Nakakainis! Nakakainis kasi mukhang si Apollo pa ang may pakana nun. Kung alam lang niya kasi yung takot eh!
Naramdaman kong umupo siya sa likod ko, lumubog kasi yung sa likod na part ng kama. He pulled me down hanggang sa nahiga na niya ako.
"Kailangan mong matulog." He said.
"Pero--" I can't sleep.
"Don't worry, I'll be here. Kung may ipis man ulit, ako papatay. Kaya matulog ka na." He assured me. Nakaupo lang siya sa kama ko at nakasandal sa headboard. He's serious. I felt secured at what he said kaya nakatulog din ako.
〽〽〽〽
Apollo
Kung hindi ko pa to gagawin, hindi talaga siya makakatulog. Well, it's a price I have to pay for what I have done to her. Ang sama ko pala.
〽〽〽〽
Scylla
Naggising ako ng madaling-araw. I just felt really cold. Nung nagkumot ako, tsaka ko lang napansin na linalamig na din pala si Apollo. Nasa tabi ko pala siya natulog. Kinumutan ko na din siya. Alam kong may kasalanan siya pero at least nag-effort siya to make it up to me.
I just can't seem to hate him. I also can't live without seeing him. Hindi ko alam pero it feels like we're are being brought together. Lagi kaming nagkikita sa mga lugar na malayong magkita kami. Tulad na lang dito sa Baguio. Sobrang imposible nang magkita kami dito pero nagkita pa rin kami. Pareho pa kaming natutulog dito sa hotel room na to.
Pero bakit nga ba? Bakit ka nga ba nahulog sa akin? Bakit ikaw pa ang taong nahulog sa akin? Bakit ba kasi naging mag best friend pa tayo eh?! Ang hirap tuloy ilet go nung friendship. Sayang naman kasi eh. Ang friendship nawawala after mag-end ang isang relationship. At sa dinami-dami naman kasi ng babae diyan sa tabi, ako pa talaga!
Pero bakit nga ba kasi ako, Apollo? Hindi nga kita ginayuma at kung ano man?! Nakakainis isipin na kinailangan pang maging best friend kita para lang mahulog ka sa akin. Sana hindi na lang kita best friend para hindi na rin ako nahihirapang magdecide sa kung ano ba ang tama na dapat kong gawin.
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...