15%

88 2 0
                                    

Apollo

Yeah. I noticed Jett approach her. He even sat at our table. While me... I'm stuck with Tina. I admit it! She's definitely not my type. She throws herself at me.

I don't know if it's because of her best friend being in good terms with Scylla or if she really likes me. She gives me mixed signs.

〽〽〽〽

Scylla

After naming kumain, yinaya ako ni Jett na sumayaw. Medyo upbeat pa rin yung music kaya random dance na lang ginawa ko. Look natural Scylla. Wag magpaka awkward! Gwapo ang kaharap mo! Mahirap na! Kaya wag kang tatanga tanga at gagawa ng ikakahiya mo ha!

"Ladies and gentlemen please welcome, After Life." Pakilala nung MC sa kakanta. Pang slow dance ata sila? Nagstart na silang tumugtog.... AAAAAAHHHHH!!!! NASABI KO BANG ULTIMATE DIRECTIONER AKO?!!!!!! NIGHT CHANGES ANG PANGSLOW DANCE NILA?! NICE!!!

So syempre pati kami ni Jett nagslow dance. Gaya nang ginawa ni Apollo sa akin dati. He placed his hands on my waist, and I placed mine on his shoulders.

He swayed to the song. Mas okay yung version na ganito. Hindi masyadong slow na nakakaantok at maririnig mo pa rin yung beat kaya masasabayan mo yung rhythm.

"Alam mo ba na ngayon lang kita napansin?" Tanong niya habang sumasayaw kami. Parang nakakaoffend naman yun! Parang sinasabi niya na ngayon lang ako maganda. Napakunot tuloy noo ko. He chuckled a little.

"Ngayon lang kita napansing nag-ayos ng ganyan. Di ako sanay. Sanay kasi akong nakikita kang simple at walang arte." Dagdag niya... Parang natigilan naman ako sa sinabi niya. Ibig bang sabihin nun, kung tinuloy ko lang ang nararamdaman ko sa kanya, may pag-asa ako?

"Napapansin mo na ako dati pa?" Nagtataka at doubtful kong tanong.

"Oo. Ba't naman hindi? Eh ikaw lang naman ang babaeng nakita at narinig kong tumawa ng napakalakas eh. Tsaka ikaw lang ang mukhang baliw kapag kasama mo yung mga kaibigan mo at kung ano-ano ang ginagawa niyo eh." He said in a chuckle. Kakasabi ko nga lang kanina?! Wag mong ipapahiya yung sarili mo?! Great?! Tngna!

"Ugh! Nakakahiya ako." Nadidismaya kong nasambit at napayuko.

"Hindi naman. Nakakatuwa nga eh. Wala kang pakielam sa sasabihin ng iba. Fearless." Sincere niyang sinabi. SHHHHHHH!!! Tama na!!! Yung puso ko kasi eh!!!! >_

Napatingala na lang ako sa kanya. Nagkatagpo yung mga mata namin. He was coming closer to me. Teka?! No! Hindi pa ako ready sa first kiss ko!!! Nooo!

Bago ko pa siya pigilan, may kamay nang humawak sa balikat niya.

"Can I dance with my Best Friend?" Malamig na sinabi ni Apollo. Lumayo naman si Jett at pumalit si Apollo. What just happened? Tinulungan ba niya akong pigilan yung hindi dapat ngayon mangyayari?

"Napano na yung Date mo?" Diniin ko talaga yung pagkakasabi sa Date! Ano yun?! Iitsapwerahin lang niya yung date niya?!

"Tina? She's with Wright. You! What are you doing with Jett?" Nanggigigil niyang tinanong.

"Eh ano naman! Eh initsapwera mo rin ako bilang date mo, edi naging solo flight tuloy ako! Kaya may karapatan akong magkadate besides you!" Pinamukha ko talaga sa kanya. Pero parang may nakakapagtaka....

"Pano mo nakilala si Jett?" Tanong ko. Transferee lang siya kaya hindi niya pa masyadong kilala lahat ng estudyante dito.

"Class representatives were assigned to meet for the council elections last year, remember?" Sagot niya. Ay oo nga pala. Siya nga pala ang class representative namin. Class representative din pala si Jett. Ngayon ko lang nalaman ah!

"Just don't come near him." Babala niya. Napakunot na naman yung noo ko sa sinabi niya.

"Bakit? Kasi gwapo siya? Kasi katulad mo siyang playboy? Eh ano naman? Eh diba nga naiintindihan mo naman siya? So what?!" Pagmamaktol ko. Iniwan ko siya sa dance floor. Nabwisit na akong kasayaw siya! Nakakabwiset talaga!

Naupo na lang ako sa table namin. Maghihintay na lang ako dito hanggang mag12 mn. Maya-maya pa'y bumalik yung MC sa stage.

"Good evening to everyone. I hope you are enjoying this magical evening. Nominations have been discussed for tonight's prom king and queen. We are happy to announce that we have three contenders each for the spot of the king and queen. Mr. Apollo Daryl Soriano aka the cool guy, Mr. Wright Domingo the romantic music lover, and Mr. Jett Simion the sporty guy." WHAT. THE. FVCK. Talagang silang tatlo ang nominees eh noh?! Talagang saktong saktong silang tatlo?! Sino naman kaya sa prom queen???

"Nominees for prom queen are Ms. Rosalie Miguel the muse for all season..." At ex ni Jett.

"... Ms. Scylla Mendez aka the girl next door..." WEEEEEEEEEHHHHHHH???!!!! AKO?!!!

"... Look what we have here?! The last time an outsider was chosen as a nominee for the crown was five years ago, but we have one right now! Ms. Tina Modesto known as the singing sensation of their campus. Good luck to all our nominees and I'll see you all in a bit." Hudyat na magsisimula na ang lahat na bumoto.

Siguro madaming iiwasang iboto pareho si Jett at Rosalie dahil nga magEx na sila.

As for me! Walang boboto sa akin! Hindi naman ako papeymous kaya alam kong wala yan! So baka si Tina nga ang manalo. So sa prom queen, sure win na si Tina.

Ang magulo ay yung sa prom king. Anybody can win. Lahat sila ay known for their talent and skills. Si Wright ay dahil sa galing niyang kumanta. Si Apollo, dahil sa academic status niya. At si Jett naman, kilala bilang isa sa mga top athletes ng school namin. Sino kayang mananalo?!!"

WAIT! TEKA! May mas malaki akong problema! Sinong iboboto ko nga pala?!!!

Wait!!! OMG!!!! Eenie minie miny ugh!!! Hindi pwedeng ganun!!! Chineckan ko na lang yung tatlong box kahit na alam kong hindi yun ata makacount. Tapos yung para sa prom queen naman, dahil naaawa naman ako sa sarili ko, chineckan ko yung akin. Para kahit papano naman, masabing may isang bumoto sa akin diba?!

Ugh! Bwiset!! Nakakakaba naman! Hindi mo alam kung sino sa kanilang tatlo ang mapipili eh!!! Kinuha na ng ilang representative yung mga mga papel namin. Isang para sa prom king at isang para sa prom queen para mas madaling bilangin.

Sino kayang mananalo!!!!????

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon